GraceNotes
   

   Si Pedro Bilang Huwarang Alagad

"Nakikita ko ang aking sarili kay Apostol Pedro sa Bagong Tipan," maraming Cristiano ang nariringgang sabihin ito. Mayroong dahilan kung bakit hindi ito aksidente o nagkataon lamang. Binigay ng Diyos si Pedro sa atin bilang modelo ng isang tipikal na alagad. Ang mga alagad ngayo’y maaaring matuto at mapalakas ang loob mula sa kaniyang halimbawa.

Ang katanyagan ni Pedro

Walang apostol sa Ebanghelyo ang binigyan ng malawak na atensiyon gaya ni Pedro. Ang katanyagang ito ay intensiyonal.

  1. Siya ay laging unang nililista. Sa tatlong lista ng labindalawang disipulo (Mat 10:2-4; Marcos 3:16-19; Lukas 6:14-16), si Pedro ang nasa unahan.
  2. Siya ang tagapagsalita para sa mga alagad. Ang madalas na sabihin ni Pedro ay ang konsensus ng opinyon ng labindalawang alagad tungkol kay Jesus at sa Kaniyang pangangaral (eg Mat 16:15-16; 17:24; Marcos 8:29; 16:7; Lukas 9:20; 12:41; Juan 6:67-69). Tila baga sinasabi ni Pedro ang iniisip ng iba. Sa parehong paraan, maraming Cristiano ngayon ang umaaming si Pedro ay alingawngaw ng kanilang iniisip. Pinakikita si Pedro bilang pinuno ng grupo, isang posisyon na kaniyang napanatili sa sinaunang iglesia gaya ng pagkakalarawan sa aklat ng Gawa.
  3. Isa siya sa tatlong malapit kay Jesus. Kasama ni Santiago at Juan, si Pedro ay nakakaalam ng pinakapribadong pag-uusap at karanasan ng Panginoong Jesus (eg Mat 17:1; 26:37; Marcos 9:2; 14:33; Lukas 9:28). Marami sa mga karanasang ito ay nagsisilbing mga aral sa pagiging alagad.
  4. Ang kaniyang karanasan ay bumabalangkas sa karanasan ng tipikal na alagad. Sa lahat ng mga apostol, si Pedro ang may pinakamalawak na karanasan. Nakita natin ang kaniyang unang salubong kay Cristo (Juan 1), ang pagkatawag sa kaniyang maging alagad (Mat 4/Marcos 1), ang aral na kaniyang natutunan tungkol sa pagsunod at pananampalataya (Lukas 5), ang kaniyang kabiguan (Lukas 22; Juan 13, 18), ang pagbabalik sa kaniya (Juan 21), at ang pagkatawag sa kaniya sa ministri (Juan 21). Madalas si Pedro ang pasimuno o sentral na tagatanggap ng mga talakayan ni Jesus tungkol sa mga kundisyon at gantimpala ng pagiging alagad (eg Mat 16:24-28)/Marcos 8:34-38/Lukas 9:23-27; 14:25-33; Mat 19:27-30/Marcos 10:28-31).

Mga Prinsipyo ni Pedro

Bilang isang tipikal na alagad, marami tayong aral na natutunan tungkol sa pagiging alagad mula sa halimbawa ni Pedro. Sa mga episodo na nagpapahayag ng mga aral na ito angg terminolohiya ng pagiging alagad ay natatanyag o pinahihiwatig. Kapag tiningnan natin ang mga episodo ng buhay ni Pedro na bumabanggit o nagpapahiwatig sa pagsunod bilang alagad sa Ebanghelyo, maususumpungan natin ang mga aral na ito:

  1. Ang mga alagad ay may pananaw ng kung ano ang maaari silang maging. Juan 1:40-42. Si Pedro ay isa lamang naghahanap ng katotohanan nang tukuyin ni Jesus sa kanilang unang pagtatagpo na si Pedro ay may solidong hinaharap bilang isa sa kaniyang mga alagad. Sinabi ni Jesus na si Pedro ay tatawaging Cephas, o “bato.” Umaasa si Jesus ng isang transpormasyon sa kanilang paghahalubilo. Ang mga alagad at nag-aalagad ay dapat simulan ang proseso ng pag-aalagad na nasa isipan ang katapusan. Ang katapusan ay ang maging matibay na natatag sa pagkaayon kay Cristo (Mat 10:25).
  2. Ang mga disipulo ay dapat kupkupin ang layunin sa buhay na mag-ebanghelyo. Mat 4:18-22/Marcos 1:14-20. Ang episodong ito ay iba sa kwento sa Juan 1. Maliwanag na nanampalataya si Pedro at pamilyar kay Jesus ngunit hindi pa niya kunupkop ang Kaniyang layon sa buhay dahil nakikita siyang nagtatrabaho sa dati niyang propesyon ng pangingisda. Sinabi ni Jesus na Siya ay dumating upang hanapin at iligtas ang mga nawawala (Lukas 19:10) at ipangaral ang ebanghelyo (Marcos 1:38). Tinanggap din ni Pedro ang paanyaya na maging mangingisda rin ng mga tao. Sa paghahalintulad sa kanilang Panginoon, ang mga alagad ay dapat magpasakop sa Kaniyang layon ng pamumuhay na abutin ang mga nawawala.
  3. Ang mga alagad ay dapat matutunang magtiwala at sumunod sa Panginoon. Lukas 5:1-11. Bagama’t may parehong tagpuan ng pagngingisda, ang mga detalye ay nagpapakita na ito ay iba ring kwento kaysa sa Mat 4/Marcos 1. Si Pedro ay sangkot pa rin kaniyang dating pamumuhay- nangingisda ng isda at hindi ng tao. Sa ganitong kalagayan, hindi siya lubusang nagpasakop sa tawag at layon ni Jesus sa kaniyang buhay. Nang matutunan ni Pedro na sumunod, pinagpala siya ng tagumpay. Handa na rin siyang iwan ang lahat ng bagay sa pagkakataong ito. Ang mga alagad ay kagamit-gamit lamang at mabunga kung sila ay masunurin. Dapat matutunan ng mga alagad na espesyal na pinagpapala tayo ng Diyos kapag sinunod natin Siya sa layon ng ebanghelismo.
  4. Dapat unahin ng tao ang kalooban ng Diyos anuman ang halaga. Mat 16:24-28/Marcos 8:34-38/Lucas 9:23-27; 14:25-33. Si Pedro at ang ibang mga alagad ay tagatanggap ng kundisyon ni Cristo para sa pagiging alagad. Ngunit ang mga kundisyong ito ay sumusunod sa pahayag ni Pedro tungkol sa kung sino si Cristo at ang pahayag ni Cristo tungkol sa Kaniyang paghihirap at kamatayan. Ngayong nasabi ni Jesus sa kanila ang halaga sa Kaniya sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, sinabi Niya naman sa mga alagad ang kahulugan ng pagsunod sa Kaniyang kalooban. Kailangan nilang bayaran ang kapalit na halaga. Dapat mawala ng isang alagad ang kaniyang buhay upang masumpungan ito. Ito ang kapalit ng pagiging alagad, ngunit mayroon din itong gantimpala.
  5. Dapat hayaan ng alagd na turuan sila ng kabiguan at restorasyon tungkol sa biyaya ng Diyos. Juan 13:36-38; 18:15-27; 21:15-23. Ang pagiging alagad ni Pedro ay naputol ng kaniyang kabiguan nang kaniyang itakwil si Cristo sa gabi na Siya ay inaresto. Sumunod pa rin siya kay Jesus, ngunit mula sa malayo. Hinulaan ni Jesus ang pagkahulog ng pananampalataya ni Pedro gayundin ang kaniyang restorasyon (Lukas 22:31-34). Alam ni Jesus na babalik si Pedro sa Kaniya at gagamitin upang palakasin ang loob ng iba. Nabigo si Pedro dahil sa kaniyang pagmamataas at pag-aakala. Ang mga disipulo ay mabibigo sa ilang pagkakataon ngunit dapat nilang tingnan ang pagkabigo bilang liko, at hindi ang kabuuan, ng kanilang kabuuan paglalakbay. Dapat nilang makitang magagamit ng Diyos ang kanilang kabiguan upang palakasin ang iba sa kanilang espirituwal na paglalakbay.
  6. Ang mga disipulo ay dapat maglingkod sa kanilang kakaibang ministri. Juan 21:15-23. Ang restorasyon ni Pedro ay natukoy ng tatlong katanungan ni Cristo, “Pedro, iniibig mo ba Ako?” Tinulungan ni Jesus si Pedro na magpokus sa nag-iisang mahalagang kwalipikasyon sa ministri sa iba- ang pag-ibig kay Jesus. Sinabihan si Pedro na muling sumunod, ngunit nang ito ay nagresulta sa tanong mula sa kaniya tungkol sa hinaharap ni Juan, napagsabihan si Pedro, “Huwag mo siyang alalahanin, sumunod ka sa Akin.” Tinuturuan ni Jesus si Pedro na huwag magkumpara ngunit magpokus sa kaniyang sariling kakaibang ministri. Ang mga alagad ay dapat turuang magpokus sa kanilang kakaibang ministri ayon sa kanilang partikular na kaloob at katawagan.

Pagbubuod

Ang kwento ni Pedro ay ang paglalakbay ng isang tipikal na alagad. Tinuturuan tayo nito na ang pagiging alagad ay hindi kalagayang statik kundi isang dinamikong paglalakbay. Ang alagad ay dapat hamuning lalong magpaka-alagad. Ang mga hinihingi ni Jesus pagkatapos ng ating kumbersiyon ay tumutungo mula sa pangkalahatan hanggang sa espisipikong hinihingi. Kabilang sa bawat tawag sa pagsunod ang mas higit na signipikansiya, malalim na komitment, at mas malaking sakripisyo. Ang pagiging alagad ay isang direksiyon at oriyentasyon habang tayo ay progresibong sumusunod kay Jesucristo bilang ating Panginoon.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes