GraceNotes
   

   Pananampalataya ng Mga Demonyo at ang Maling Gamit ng Santiago 2:19

Ang Santiago 2:19 ay mababasa, “Ikaw ay sumasampalataya na ang Diyos ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa. Ang mga demonyo man ay nagsisisampalataya at nagsisipanginig!” Ginagamit ng ilang Cristiano ang sitas na ito upang ilaban na ang pananampalatayang nagliligtas ay dapat patunayan ng mga gawa dahil kung hindi ito ay huwad. Ang argumento ay tila ganito, “Ang isang taong nagsasabing siya ay nananampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas, ngunit hindi gumagawa ng mabubuting gawa ay hindi talaga ligtas. Siya ay gaya ng mga demonyo na naniniwala sa Diyos ngunit hindi ligtas sapgkat hindi sila nagpasakop sa Diyos o sumusunod sa Kaniya.” Ito ay hindi maingat na gamit ng sitas na ito.

Ilang simpleng obserbasyon

Nakasosorpesa na ang Santiago 2:19 ay madalas gamitin samantalang ang ilang simpleng obserbasyon ay nag-aalis ng pangil ng argumentong ito ay daw patunay ng pangangailangan ng gawa sa nagliligtas na pananampalataya.

Una, ang sitas na ito ay hindi patungkol sa eternal na kaligtasan sapagkat ang mga demonyo ay hindi pwedeng maligtas. Ang kanilang kapalaran at kundenasyon ay naselyuhan na (Mat 8:29; 25:41; Judas 6). Ito ang dahilan kung bakit sila nagsisipanginig kapag naiisip ang Diyos.

Ikalawa, ang layon ng pananampalataya ng mga demonyo ay ang katotohanang may isang Diyos, samakatuwid ay monoteismo. Walang naligtas sa pananamapalataya sa monoteismo, kaya ang sitas na ito ay hindi ginagamit sa soteriolohiya. Marami sa mga relihiyong hindi Cristiano ay monoteistiko.

Ikatlo, hindi nito sinasabi na ang mga demonyo ay nanampalataya kay Jesucristo bilang kanilang Tagapaglitas. Hindi namatay at bumangon muli sa mga patay si Jesucristo para iligtas ang mga demonyo kundi ang mga tao. Samantalang ang gawa ni Cisto ay nagliligtas ng mga tao, winawasak nito ang diablo (Hebeo 2:14).

Ikaapat, ang mabilis na pagsusuri ng mga komentaryo ay nagpapakita ng kahirapan ng tamang pag-interpreta ng sitas na ito sa konteksto ng Santiago 2:16-20. Ang tanong ay kung saan nagtatapos ang pananalita ni Santiago at saan nagsisimula at nagtatapos ang pananalita ng tagatutol. Kung, gaya ng sinasabi ng iba, ang sitas 19 ay sinalita ng tutol kay Santiago, ito ba ay dapat gamitin upang patunayan ang isang krusyal na puntong teolohikal? Isa pa dapat bang gamitin ang tekstong mula sa isang napakahirap na pasaheng interpreta bilang pangunahing teksto na nagpapatunay o nagpapabulaan ng kaligtasan ng sinuman? Ang mas malilinaw na pasahe ay sinasantabi ang mga gawa bilang kailangang sa pagtamo ng walang hanggang kaligtasan (hal. Roma 4:4-5; Ef 2:8-10; Titus 3:4-5).

Ang simpleng konteksto

Ang aklat ni Santiago ay sinulat sa mga Cristianong Judio (tingnan Ang Tala ng Biyaya 2) upang hikayatin silang maging sakdal sa pamamagitan ng pagharap sa mga pagsubok gamit ang pananamapalataya (1:2-4). Ang bahaging 2:14-26 ay tinatawag ang mga mambabasang Cristiano bilang “aking mga kapatid.” Inaargumento ni Santiago na ang isang Cristianong nagdekala ng kaniyang pananampalataya ngunit hindi gumagawa ng mabuti ay hindi makatutulong sa mga nangangailangan (2:14-16) at ang kaniyang pananampalataya ay “patay” o walang silbi (2:17, 20). Ang isang pananampalatayang walang gawa ay wala ring halaga sa pagliligtas ng isang Cristiano mula sa walang awang kahatulan sa Hukuman ni Cisto, isang hukuman para sa mga Cristiano kung saan sila ay magsusulit kung paano sila nabuhay (Roma 14:10-12; 2 Cor 5:10). Ang kahatulang ito para sa mga Cristiano ay nabanggit sa mga dulo ng bahaging ito sa 2:13 at 3:1 na nagpapakitang ito ay nangunguna sa pag-iisip ni Santiago tungkol sa kaugnayan ng gawa sa pananampalataya.

Isang simpleng katotohanan tungkol sa pananampalataya

Ipinapakita ng Santiago 2:19 na ang pananampalataya ay pananampalataya. Walangiba’tibang uri ng pananampalataya kundi iba’t ibang layon ng pananampalataya. Hindi ang uri ng pananampalataya o ang realidad ng pananamapalataya ang tinatanong kundi ang layon ng pananampalataya at ang kapakinabangan nito. Ang realidad ng pananampalataya ng mga demonyo ay hindi kinukwestiyon, pero sila ay nananampalataya lamang na may iisang Diyos. Tunay silang nananampalataya dito kaya sila ay nanginginig sa takot sa kanilang kahatulan.

Pagbubuod

Ang Santiago 2:19 ay hindi dapat gamitin upang italtal na ang mga gawa ay kailangan upang patunayan ang nagliligtas na pananampalataya. Ang sitas na ito ay nagpapakitang ang mga demonyo ay may tunay na pananampalataya. Nananampalataya sila sa iisang Diyos at alam nilang sinelyuhan ng Diyos ang kanilang kapalaran sa kahatulan kaya sila ay nanginginig. Hindi sila at wala silang kakayahang manampalataya kay Jesucristo bilang kanilang Tagapagligtas. Bagamat, ang mabubuting gawa ay ang layunin ng Diyos para sa atin, at ang mga ito ay may kapakinabangan sa iba at nagbibigay sa atin ng maiging pagsusulit sa Hukuman ni Cristo, ang mga ito ay hindi makapapatunay o makapapabulaan ng realidad ng nagliligtas na pananampaltaya. Ang kaligtasang walang hanggan ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang- hiwalay sa anumang uri ng mga gawa kailan man.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes