GraceNotes
   

   Sino Ang Maaaring Putulin Mula Kay Kristo sa Roma 11:22?

At kung ang pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat at kung ang ugat ay banal ay gayon din ang sanga. Datapuwat kung ang ilang mga sanga ay mabali, at ikaw na isang olibong ligaw ay isinanib sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo, huwag kang magpalalo sa mga sanga; datapuwat kung magpalalo ka ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo. Sasabihin mo nga, ‘Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.’ Mabuti, sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila at sa iyong pananampalataya ay nakatayo ka. Huwag kang magpakapalalo kundi matakot ka. Sapagkat kung hindi nga pinatawad ng Diyos ang mga talagang sanga ikaw man ay hindi patatawarin. Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Diyos: ang kabagsikan ay sa nangahulog datapuwat ang kabutihan ay sa iyo kung mamamalagi ka sa Kaniyang kabutihan; sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin.[Dinagdagang diin].

Ang pasaheng ito lalo na ang v22 ay nagtataas ng mga katanungan, sino ang kinakausap ni Apostol Pablo? Ano ang ibig sabihin ng “puputulin?” at ano ang kahalagahan ng kundisyong “kung mamamamalagi ka sa Kaniyang kabutihan?” Maaaring isiping si Pablo ay nakikipag-usap sa mga indibidwal na Cristianong puputulin mula sa kaligtasan kung hindi sila magpatuloy na mamuhay nang matapat.

Sino ang kausap ni Pablo?

Sa epistulang ito sumulat si Pablo sa lahat ng mananampalataya sa Roma (1:7) na walang duda ay binubuo pareho ng mga Judio at Gentil. Sa kabanata 9-11 ipinaliwanag ni Pablo ang nakalipas, hinaharap at kinabukasan ng Israel. Sa kabanata 11 tinama niya ang nosyong ang kawalang pananampalataya ng Israel ay nagresulta sa kanilang ganap na pagkatakwil (v1), isang maling konklusyon na maaaring makuha mula sa katotohanang ang mga Judio ay pansamantalang binulag hudisyal at si Pablo ay tinutok ang kaniyang ministeryo sa mga Gentil (v7-8; cf Gawa 28:17-28) na tinatawag ang kaniyang sarili bilang “apostol sa mga Gentil” (v13). Eksplisit niyang hinayag kung sino ang kaniyang kausap: “Nagsasalita ako sa inyong mga Gentil” (v13a). Sa v17-24 malinaw niyang pinaghiwalay ang dalawang grupo ng mga tao (ang mga Judio at mga Gentil) sa pakikipag-usap sa mga Gentil bilang isang grupo gamit ang pang-isahang panghalip “ka” (Grieyegong “su”).

Ano ang ibig sabihin ng “puputulin?”

Sa pasaheng ito, gumamit si Pablo ng paglalarawan ng ugat at mga sanga ng isang puno. Kung paanong ang banal na pinagmulan (“ang unang bunga”) ay nagdedetermina ng kabanalan ng mga susunod (“ang lahat”), ganuon din ang ugat at mga sanga ng isang puno (v16). Ang ugat ay malinaw na kumakatawan kay Abraham at sa mga patriarka bilang pinagmumulan ng bansang Judio at ng mga pangako ng tipan ng Diyos na siyang nagtatalaga sa kanila bilang mga banal. Sa panahon ni Pablo, may tapat na nalalabing Judio (v5), ngunit ang ilan sa mga talagang sanga ay pinutol (hindi nananampalatayang Judio) at ang mga ligaw na sanga ay dinagdag (mananampalatayang Gentil, v17-18). Ang taimtim na paalala ni Pablo ay ang mga Judo ay pinutol dahil hindi sila nanampalataya sa Mesiyas, si Jesus, at ang mga Gentil ay dinagdag dahil sa kanilang pananampalataya kay Cristo (v19-20ª). Ito ay hindi dahilan para ang mga Gentil ay magpalalo, ngunit magpakumbaba sa biyaya ng Diyos sa kanila at mangatakot (v20b), dahil maaari ring putulin ng Diyos ang mga Gentil mula sa mga pagpapala (v21). Hindi nga ba’t ang mga Gentil ay pinagpala lamang dahil ang Diyos ay unang nagbigay ng mga pangako sa Israel: “Sapagkat ang kaligtasan ay mula sa mga Judio” (Juan 4:22).

Ano ang signipikansiya ng “pamamalagi sa Kaniyang kabutihan?”

Ang v22 ay dumating bilang paalala sa mga Gentil sa Roma na dapat alalahanin pareho ang kabutihan at kabagsikan ng Diyos. Siya ay mabagsik sa pansamantalang kahatulan ng pagkabulag ng mga Judio at mabagsik sa mga Gentill kung hindi sila mamalagi sa pagtugon sa kabutihan ng Diyos kay Cristo. Ang pangako ng pamamalagi sa pagpapala ng Diyos o ang pagkaputol nito ay sa mga Gentil sa kabuuan (muli, ang pang-isahang “ka” ay ginamit), hindi ang mga indibidwal na mananampalatayang Gentil o mga indibidwal na mananampalataya. Upang maging malinaw, si Pablo ay hindi bumabanggit ng indibidwal na pag-aaring matuwid kundi ng saloobin ng Diyos sa isang grupo ng mga tao, ang mga Judio o mga Gentil.

Nais ni Pablo na malaman ng mga Gentil na ang Isael ay sinantabi, (v15, ang pangngalang apobole ay mula sa pandiwang apoballo, itinapon, iginilid, inalis), hindi ganap na tinakwil na pinabulaanan ni Pablo sa v1 (ikumpara ang ibang pandiwang ginamit sa v1, aposato mula sa apotheo, itakwil o palayasin). Kung paanong ang paghatol sa Israel ay hindi permanente, ganuon din ang kasalukuyang pagpapalang tinatamasa ng mga Gentil. Kung ang Isael ay lumapit kay Jesucristo sa pananampalataya, maibabalik sila dahil mas natural para sa talagang sanga na maidagdag (v23-24). Tunay, na ang Israel ay pansamantalang pinutol , at isang araw ay ibabalik sila ng Diyos (v25-27). Malinaw sa pangakong ito na hindi kinuha ng iglesia ang lugar ng Israel, ngunit napanatili ng Israel ang gampanin sa plano ng Diyos. Ang mga Gentil “ay dinagdag sa kanila” (ang mga Judio), hindi kapalit nila, (v17). Ang mga Gentil kung ganuon ay dapat patuloy na tumugong positibo at magpakumbaba sa kabutihan ng Diyos sa kanila kay Cristo dahil kung hindi puputulin sila ng Diyos mula sa mga pagpapalang orihinal na pinangako sa Israel (v21).

Pagbubuod

Kung walang malinaw na pagkaunawa ng konteksto ng pasaheng ito, mabubuod ng isa na ang Diyos ay maaaring putulin ang isang Cristiano mula kay Cristo o alisin ang kaligtasan ng taong iyan. Ngunit ang apostol Pablo ay nakikipag-usap sa mga Gentil sa iglesia sa Roma tungkol sa mga Judio at Gentil bilang dalawang grupo. Dahil sa kawalang pananampalataya ng Israel, ang kanilang pribilehiyong pagpapala ay pansamantalang inalis at ang mga Gentil ang ngayon ay nasa lugar ng pagpapala. Ngunit ang mga Gentil ay maari ring maiwala ang katayuang ito sa kawalang pananampalataya. Mahalaga na ang mga mananampalatayang Gentil ay mapahalagahan ang dakilang biyaya ng Diyos na ibinigay sa kanila sa Kaniyang regalo ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesucristo sa pananampalataya sa Kaniya at pamumuhay nang may takot para sa Kaniya. Ang biyaya ng Diyos ay dapat magturo sa atin ng pagpapakumbaba, hindi ang magpalalo. Walang Judio o Gentil ang dapat magsawalang tabi ng biyaya ng Diyos.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes