GraceNotes
   

   Isang Modelo ng Balanseng Alagad

Nagkakasundo ang mga Cristiyano na inutusan tayo ni Jesus na gumawa ng alagad sa Mateo 28:18-20. Ngunit ang paggawa ng alagad ay nangangahulugan ng iba’t ibang bagay sa iba’t ibang tao. Paano natin malalaman kung tayo ay may nagawa ng alagad? Ang tao ba na nakapasa sa isang kurso o mga serye ng kurso ay isang alagad? Ang tao ba na natuto ng doktrina ng Biblia ay isang alagad? O nakagawa na ba tayo ng alagad kapag tinuruan natin ang isang Cristiyano na magkaroon ng quiet time (tahimik na oras) o debosyonal?

Ang isang pagsusuri ng mga programa, mga kurso at mga aklat na pang-alagad ay nagpapakita ng iba’t ibang pagkaunawa ng kung ano ang kahulugan ng paggawang alagad. Ang ilan ay hindi malinaw sa kung ano ang sinusubukan nilang likhain, at mabilis na nagiging malinaw na may iba’t ibang paraan para makarating dito. Ang ibang mga materyales ay natutuon nang husto sa pagkaalam ng mga doktrina o ng Biblia. Ang iba naman ay piniling bigyang diin ang mga disiplinadong kaugalian gaya ng pagdarasal, pag-aaral ng Biblia at pagsasaksi. Ang iba naman ay nakatuon sa relasyon o sa katangian.

Isang elemento ang patuloy na nagkukulang sa mga materyales sa pag-aalagad at iyan ay ang tamang motibasyon. Marahil ito ang dahilan kung bakit marami sa mga pumasa sa mga kurso sa pag-aalagad ang nabibigong magpatuloy sa kanilang mga pinangakong pag-aalagad. Mataas ang halagang kinabit ni Jesus sa pagiging alagad. Ang mga alagad ay dapat mamotiba na bayaran ang halagang ito. Madalas banggitin ni Jesus ang mga pagpapala, kaaliwan, gantimpala at walang hanggang kabuluhan sa pagtalakay sa pagiging alagad. Ang alagad na tunay na namotiba ay mapagtatagumpayan ang lahat ng hadlang upang matuto ng doktrina at ng Biblia, isagawa ang lahat ng mga kinakailangang disiplina, at paunlarin ang kinakailangang mga relasyon.

Diyan pumapasok ang biyaya. Ang biyaya ng Diyos na nagdala sa atin ng kaligtasan ay ang motibasyon sa pagsunod kay Cristo sa pagiging alagad. Nakalulungkot, marami o halos lahat ng mga materyales sa pagiging alagad ay tila patuloy na nalilisya ang aplikasyon ng mga pagpapala ng biyaya sa pamumuhay at paglago ng mga Cristiyano. Ngunit si Jesus ay inihalo ang biyaya bilang motibasyon sa Kaniyang mga aral sa pagiging alagad. Nagbanggit Siya ng mga pansamantala at ng mga walang hanggang gantimpala, ang pagsusulit sa ating mga gawa sa hinaharap (ang hukuman ni Cristo) at walang hanggang kabuluhan (cf. Mat 10:37-39; 16:24-27; Marcos 10:28-31; Lukas 9:23-26; Juan 8:31-32).

Upang makalikha ng alagad, kailangan nating magsimula na iniisip ang katapusan. Sa Mateo 10:25, sabi ni Jesus, “Sapat na sa isang alagad na maging kagaya ng kaniyang guro.” Ang dapat nating layunin ay ang pagkahalintulad kay Cristo ay maging katotohanan sa alagad. Ang mga programa, kurso at materyales sa pagiging alagad ay dapat na lumikha ng isang tapat na tagasunod ni Jesucristo na natitibay sa biyaya at motibado na lumago sa mga katangian ng isang alagad gaya ng tinuro ng Panginoon.

Taglay ang kaisipang ito, narito ang isang modelo sa balanseng pagiging alagad na may apat na bahagi.
  1. Ano ba ang nais ng Diyos sa akin na maging? Kabilang dito ang transpormasyon habang ang alagad ay nahahawig kay Cristo sa kaniyang panloob na katangian
  2. Ano ang nais ng Diyos na aking malaman? Ang impormasyon sa anyo ng doktrina at ng kaalamang Biblia ay kinakailangan sa maka-Diyos na pamumuhay.
  3. Ano ang nais ng Diyos na aking gawin? Hindi tayo magkakaroon ng tunay na pag-aalagad kung wala tayong disiplina, bagama’t maaari tayong magkaroon ng disiplina nang walang tunay na pag-aalagad. Ang pokus dito ay ang aplikasyon ng katotohanan sa pamumuhay at gawi.
  4. Ano ba ang nais ng Diyos na aking ikasiya? Narito ang motibasyon para sa nagpapatuloy na pag-aalagad habang ang alagad ay nagkakamit ng walang hanggang perspektibo sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa biyaya ng Diyos.

Pagbubuod

Ang pagiging alagag ay higit pa sa pagkaalam. Ito ay pagkaalam, at paggawa, at pagiging sa matuwid na mga kadahilanan. Ang mga kadahilanang ito ay tugon ng Cristiyano sa biyaya ng Diyos. Alam natin na tayo ay gumagawa ng mga alagad ni Cristo kapag nakita natin ang mga taong balansiyado sa pagkatulad kay Cristo sa pamamagitan ng transpormasyon, impormasyon, aplikasyon at motibasyon. Ang alagad na ito ay lilikha ng kaparehong alagad.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes