GraceNotes
   

   Pagsisisi: Ano ang Ibig Sabihin?



Ang pagsisisi ay isang salitang naging ugat ng kaguluhan para sa mga Cristiano at sa mga teologo (hindi sila mapaghiwalay!). Mayroong iba’t ibang pananaw sa kahulugan nito, sa salin at sa relasyon nito sa walang hanggang kaligtasan. Sa katapus-tapusan, ang kahulugan ng pagsisisi ay dapat madetermina ng gamit at konteksto, ngunit ang anumang pag-aaral ng pagsisisi ay dapat magsimula sa pagtalakay ng mismong salita.

Ang bumubuo sa salita

Ang salitang Ingles na repentance (sa Filipino ay pagsisisi) ay salin ng salitang Griyegong metanoia (pandiwa= metanoeo). Ang salita ay nabuo mula sa dalawang salita, meta, na nangangahulugang pagkatapos o pagbabago, at noeo na nangangahulugang isipin (isang porma ng salitang nous o isipan). Samakatuwid ang nabuong salita ay nagpapahiwatig ng kahulugang isipin pagkatapos o pagbabago ng isip. Maraming iskolar sa lenggwahe ang umaayon sa pangunahing depinisyong ito.

Subalit, ang salita mismo ay walang sinasabi kung ano ang layon ng pagbabago ng isip. Ito ay naiiwan sa konteksto. Sa gamit biblikal, ang metanoia ay ginamit sa karaniwang lenggwahe para sa pagbabago ng isip sa iba’t ibang bagay sa diwang walang kinalaman sa etika. Samakatuwid ang pagsisisi ay isang terminong fluid na nag-iiwan ng kaniyang pinal na depinisyon depende sa konteksto gaya ng salitang dosena, na nag-iiwan sa atin ng tanong na “Dosena ng ano?”

Sa Bagong Tipan, nakikita natin ang mga halimbawa ng pagbabago ng isip tungkol sa makasalanang saloobin (Lukas 18:9-14), patay na mga gawa (Heb 6:1), tiwala sa mga idolong pagano (Gawa 17:30), o Diyos mismo (Gawa 20:21). Bagama’t ito ay madalas isama sa kasalanan, ang kasalanan ay hindi lagi nitong layon. Sa katotohanan, sa saling King James ng Lumang Tipan ang salitang nagsisisi ay madalas gamitin bilang pantukoy sa Diyos, na nagpapakitang ito ay hindi awtomatikong tumutukoy sa kalungkutan o pagtalikod sa kasalanan.

Ang pagkabuo ng salita

Hindi natin dapat isipin na ang dalawang salitang ugat na pinagsama upang bumuo ng ikatlong salita ay nagbibigay dito ng tiyak at pinal na depinisyon. Halimbawa, ang Griyegong salitang ekklesia ay mula sa ek (sa labas ng) at klesis (tinawag, mula sa kaleo=tawagin), samakatuwid ang literal na kahulugan ay mga tinawag palabas, ngunit ito ay karaniwang sinasaling pagtitipon o simbahan.

Subalit, ang mga salitang ugat ay maaaring magbigay ng mahalagang pagkaunawa sa paglago at kahulugan ng huling salita. Sa kaso ng ekklesia, ang iglesia ay talagang nabuo mula sa mga taong tinawag ng Diyos mula sa masa ng sangkatauhan. Isa pang halimbawa, homologeo ay mula sa homoios (=pareho) at lego (=sabihin), samakatuwid sinasalin natin itong sabihin ang kaparehong bagay, sumang-ayon o ipahayag. Pamilyar sa iba, ang theopneustos, mula sa theos (=Diyos) at pneuma (=espiritu/Espiritu, hininga), ay nagbibigay sa atin ng hiningahan ng Diyos o kinasihan. O bigyang-pansin ang exagorazo mula sa ek (palabas) at agorazo (bilhin), samakatuwid bilhin mula sa, o tinubos.

Ang pagsusod ng mga kahulugang ugat ay nakatutulong sa paghahanap, ngunit hindi ito nagdedetermina, ng pinal na kahulugan. Gayun pa man, ang pinagmulan ng isang salita ay hindi basta-basta subalit impormatibo. Samakatuwid hindi natin pwedeng balewalain ang pagkabuo ng metanoia na nagbibigay sa atin ng pangunahing kahulugang pagbabago ng kaisipan.

Ang salin ng salita

Ang ating pagkaunawa ng metanoia ay natutulungan din kung paano ang Hebreong salitang shub (=tumalikod [mula sa isang bagay], ginamit nang mahigit 1000 beses sa Lumang Tipan) ay isinalin. Sa Griyegong salin ng Lumang Tipang tinatawag na Septuagint, ito ay regular na isinasalin ng salitang Griyegong strepho at iba’t ibang anyo nito. Hindi ito kailan man sinalin ng metanoia. Kung ang metanoia ay nangahuhulugang tumalikod mula sa kasalanan, inaasahan nating isasalin ito paminsan-minsan ng Hebreong salita sa pagtalikod (shub).

Sa huling bahagi ng ikalawang siglo, ang ama ng iglesia na si Tertuillian ay tinaltal na ang kahulugang “pagbabago ng isipan” ang pinakamainam na salin ng metanoia. Sa kaparehong daluyan, ang mga iskolar sa wikang Ingles ay naghihimutok na walang nag-iisang salitang maiging salin ng metanoia. Ang eksperto sa Griyego na si A. T. Robertson ay nagsabi, “Isang trahedyang lingwistik at teolohikal na kailangan nating patuloy na gamitin ang repentance (pagsisisi) para sa metanoia.” Ang Ingles na salitang repentance ay may ugat sa Lating salitang penitentia na nagpapahayag ng penitensiya bilang kalungkutan, o mas masaklap, Katolikong doktrina ng penitensiya, kung saan ang mga kasalanan ng tao ay inaalis ng mga gawang parusa na ibinigay ng isang pari. Ang pagsisisi ay hindi dapat idepina sa kahulugang panlaas na kilos o malungkot na emosyon. Sa liwanag ng pagkabuo at pagkagamit ng metanoia, tila ang magandang salin ay pagbabago ng isipan.

Ngunit maaaring may mas maganda pang salin. Kapag ating sinuri ang biblikal na kahulugan ng isipan (nous) nasusumpungan nating minsan ito’y ginagamit sa panloob na oryentasyon at moral na saloobin. (cf. Rom 1:28; 7:23, 25; Ef 4:17, 23; Col 2:18). Samakatuwid, ang isipan sa biblikal na pananalita ay hindi laging purong intelek. Kung ganuon ang pinakamahusay na salin ng metanoia ay pagbabago ng puso. Tumutukoy ito sa panloob na pagbabago ng saloobin at direksiyong moral. Ang Biblia ay hindi hinahating sikolohikal ang panloob na tao, ngunit iniiwan itong buo.

Sa usapang lingwistiko, ang pagbabago ng puso ay hindi nanghihingi ng pagbabagong gawi, bagama’t ito ang normal na inaasahan sa panloob na pagbabago. Sa Biblia iba ang panloob na pagbabagong pagsisisi at ang panlabas na gawing minotiba nito. Ito ay malinaw sa lohikal na progresyon mula sa panloob na pagsisisi at panlabas na gawing nabanggit sa Mateo 3:8/Lukas 3:8 at Gawa 26:20, at sa malabong mangyaring eksena ng pagbabagong gawi nang makapitong beses sa isang araw sa Lukas 17:3-4).

Implikasyon ng salita

Kung relasyon sa walang hanggang kaligtasan ang pag-uusapan, ang pagsisisi ay hindi ikalawang hakbang o kundisyon. Ang kaligtasan ay laging sa pananampalataya lamang kay Cristo lamang. Ngunit minsan may lumalabas na pagpapatong sa pagitan ng pananampalataya at pagsisisi (cf. Marcos 1:15; Lukas 5:32; 24:27; Gawa 11:18; 17:30, 34; 2 Ped 3:9). Dahil sa ang pananampalataya ay ang makumbinseng ang isang bagay ay totoo, kapag ang isang tao ay nakumbinse (nanampalataya), mayroong pagbabago ng isip at puso. Ang pagsisisi ay mas malawak na konsepto dahil ang isang tao ay maaaring baguhin ang kaniyang puso tungkol sa isang bagay, maging sa Diyos o kasalanan, ngunit hindi maligtas. Kapag ang isang tao’y sinampalatayahan ang ebanghelyo, siya ay nakumbinse tungkol sa isang bagay na dati ay hindi siya kumbinsido, sa madaling salita siya ay may pagbabago ng isipan o puso tungkol sa kung sino si Jesus at kung ano ang Kaniyang ipinangako tungkol sa buhay na walang hanggan, at ang kaniyang sariling kundisyon patungkol dito (cf. Gawa 20:21). Ang pananampalataya ay may kalakip ng pagsisisi, ngunit ang pagsisisi ay hindi laging may kalakip na panananampalataya.

Pagbubuod

Sa pangkalahatan, ang mainam na salin ng metanoia ay ang magkaroon ng pagbabago ng isip. Ngunit dahil ito ay kakatwa, marahil mananatili tayong gagamit ng pagsisisi. At ngayon tungkulin nating ipaliwanag, linawin at ilapat ito nang maayos. Ang eksakto nitong kahulugan ay mabibigyang-linaw ng konteksto. Anu’t anupaman, bilang panloob na pagbabago, ang pagsisisi ay hindi isang gawaing nagmemerito ng kaligtasan. Ang panloob na pagsisisi ay maihihiwalay mula sa panlabas na gawain, bagama’t ang isa ang dahilan ng kabila. Sa pangangaral ng ebanghelyo, ang pananampalataya ang normatibo, madalas at espisipikong salitang gagamitin.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes