GraceNotes
   

   Ang Pananampalataya Ba Kay Jesus Regalo ng Diyos?

Ang isang tao ay naligtas magpakailan pa man sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyo ni Jesucristo, ngunit binigay ba ng Diyos ang pananampalatayang ito o ito ay isang purong tugon ng tao? Ang mga nagtuturong ang pananampalataya ay dapat ibigay ng Diyos ay kadalasang napipilitang ituro ito dahil sa kanilang pananaw teolohikal gaya ng teolohiyang Reformed. Ang kanilang pananaw ng ganap na deprabidad ng tao ay hindi pumapayag ng anumang positibong tugon mula sa tao patungong Diyos. Iniaangkin nilang kung ang pananampalataya ay nagmula sa tao, ito ay isang gawang meritoryo na nagnanakaw sa Diyos ng Kaniyang kaluwalhatian. Sa kanilang pananaw, dahil ang Diyos ay nagbibigay ng pananampalatayang nagliligtas, ang pananampalatayang iyan ay magsusustini sa mananampalataya sa buhay ng pagsunod. Ngunit may mga problem sa pananaw na ang pananampalataya ay regalo ng Diyos.

Problemang teolohikal sa pananampalataya bilang regalo

Ang mga nanghahawak na ang pananampalataya ay regalo ay iniimpreta ang kundisyon ng tao, na nilarawan sa Efeso 2:1 bilang “mga patay sa kasalanan at pagsalangsang,” bilang ganap na inabilidad o kawalan ng kakayahang tumugon sa Diyos sa anumang positibong paraan. Ngunit ang pariralang iyan ay naglalarawan ng kaniyang ganap na pagkahiwalay sa Diyos at samakatuwid ay walang buhay na walang hanggan. Nananatili na ang tao ay wangis ng Diyos kahit paano; ito ay matinding nasira sa pagkahulog ngunit hindi ganap na nasira. Ang Gawa 10:2 ay nilalarawan si Cornelio, bago siya nakarating sa pagkakilala kay Jesucristo bilang Tagapaglitas, bilang isang debotong tao na may takot sa Diyos, nagbibigay abuloy at nananalangin sa Diyos (at nirinig ng Diyos ang kaniyang mga panalangin! Gawa 10:13). Sa Gawa 17 ang mga Atenian ay walang tamang layon ng pananampalataya ngunit sumamba sa mga idolo. Hinimok sila ni Pablo na hanapin at alamin ang “hindi nakikilalang Diyos” na walang iba kundi si Jesucristo. Ang tao ay maaaring hanapin ang Diyos sa kanilang hindi ligtas na kalagayan habang sila ay hinihila ng Diyos (Juan 6:28-29, 44-45).

Isa pang problemang teolohikal sa pananaw na ang pananampalataya ay regalo ng Diyos ay mali ang pagkaunawa nito sa kalikasan ng pananampalataya. Ang pananampalataya ay hindi (gaya ng kanilang pag-aangkin) dibinong enerhiya, espesiyal na kapangyarihan, o dinamikong hinalo. Ito ay pagkalito sa pananampalataya sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang pananampalataya ay pananampalataya lamang. Nangangahulugan ito ng pagkakumbinse na ang isang bagay ay totoo kaya may personal na paggamit sa katotohanang iyan. Walang espesyal na uri ng pananampalataya para sa walang hanggang kaligtasan. Mayroon lamang espesyal na layon ng pananampalataya- si Jesucristo. Ang uri ng pananampalataya ng isang tao kay Budha ay walang ipinagkaiba sa uri ng pananampalataya kay Jesus. Ang tanging pagkakaiba ay nasa layon: hindi makapagliligtas si Budha; si Jesus ay nagliligtas. Ang gawin ang pananampalataya na kapangyarihan ng kaligtasan ay ang malito sa pananampalataya at Espiritu Santo. Ayon sa Efeso 2:8 ang biyaya ang sandigan ng kaligtasan at ang pananampalataya ay ang pamamaraang magamit ang biyayang iyan. Sa diretsang pananalita tayo ay hindi naligtas sa pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya.

Upang ipakita na ang pananampalataya ay hindi gawang meritoryus, pinaghambing ng Biblia ang pananampalataya kay Cristo at ang gawa meritoryus sa Efeso 2:8-9 at Roma 4:4-5. Ang pananampalataya ay nangangahulugang wala tayong magagawa para sa ating kaligtasan. Matatanggap lamang natin ang kaligtasan bilang regalo. Ang pananampalataya ay tila isang bukas na kamay na tatanggap lamang ng regalo.

Problema eksehetikal

Ang pangunahing pasaheng ginagamit bilang suporta sa pananampalataya bilang regalo ng Diyos para sa kaligtasan ay ang Efeso 2:8-9. “Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, [ ito’y] kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siyang ating lakaran.”

May nag-aangkin na ang panghalip pamuhat na “ito’y” ay tumutukoy sa “pananampalataya” bilang regalo ng Diyos (ang ikalawang “ito’y” ay wala sa orihinal na lenggwahe ngunit inilagay ng salin gaya ng pinapakia ng braket). Ngunit ang “ito’y” hindi maaaring tumukoy sa “pananampalataya” (o sa “biyaya” man) sapagkat sa orihinal na Griyego ito ay nasa anyong pambabae. Ngunit ang “ito’y” ay neuter na nagpapakitang ang pinakamahusay na atesedent o hinahalilihan ay ang konsepto ng kaligtasan sa biyaya. Ito ay lumalapat sa konteksto na tungkol sa kaligtasan sa biyaya sa kabanata 1 lalo na sa 2:4-9. May ilan pang ibang pasahe na ginagamit upang igiit na ang pananampalataya ang regalo ng Diyos ngunit ang mga ito ay walang suportang maibibigay. Halimbawa, malinaw na ang ilang mga pasahe ay nagbabanggit ng pananampalataya bilang isang espesyal na kaloob espirituwal (Roma 12:3; 1 Cor 12:9) o bilang oportunidad upang manampalataya (Fil 1:29), ngunit hindi bilang regalo para sa kaligtasan.

Problemang lohikal

Sa biglang tingin ang pananaw na nagsasabing dapat tayong bigyan ng Diyos ng pananampalataya upang sumampalataya ay isang tawtolohiya (paikot na argumento). Pinapalagay nitong totoo ang gustong patunayan. Sa madaling salita, ang pananaw na ito ay nag-aangking tayo ay nanampalataya sapagkat binigyan tayo ng Diyos ng pananampalataya. Ngunit kung binigyan tayo ng Diyos ng pananampalataya, hindi na natin kailangan pang manampalataya. O kung tayo ay makakasampalataya, hindi na kailangan ng Diyos na magbigay ng pananampalataya.

Isa pang problema sa pananaw na ito ay ang teolohiyang nagsasabi na ang taong hindi ligtas ay “patay” at hindi makasasampalataya malibang buhayin muna. Samakatuwid ang Diyos ay nagbigay sa atin ng dibinong enerhiyang nagbibigay-buhay na nagbubuhay sa atin upang tayo ay makasampalataya. Ngunit kung mayroon na tayong dibinong buhay at nabuhay na muli, hindi na natin kailangang manampalataya upang magkaroon ng buhay na walang hanggan- taglay na natin ito!

Gayundin, kung ang pananampalataya bilang regalo ay nagsusustini ng mananampalataya sa buhay na masunurin, kung ganuon ang pagsunod na iyan ay perpekto at hindi mapuputol ng kasalanan o pagsuway. Kalabisan na kung ganuon ang mga aral at utos ng Bagong Tipan na mamuhay nang may katuwiran. Ngunit dahil sa ang mga mananampalataya ay nagkakasala, ipinapakita nito na ang kanilang tugon bilang tao ay isang mahalagang aspeto ng kanilang kabanalan.

Panghuli, kung hindi tayo maliligtas maliban at hanggang bigyan tayo ng Diyos ng pananampalataya sa ebanghelyo, kung ganuon hindi tayo maaaring papanagutin ng Diyos na responsable sa hindi pananampalataya sa ebanghelyo. Ngunit malinaw na tayo ay papanagutin Niya (Juan 3:18, 36; 5:40).

Pagbubuod

Mahirap takasan ang konklusyon na ang mga nanghahawak na ang Diyos ay dapat na bigyan tayo ng pananampalataya upang manampalataya ay ginawa ito dahil sa isang teolohiyang hindi kinakatigan ng Kasulatan. Ang makasalanang tao ay taglay pa rin ang imahe ng Diyos anupa’t siya ay maaaring manampalataya sa tama o kahit maling layon para sa kaligtasan. Ang tanging pananampalatayang nagliligtas ay ang pananampalataya sa persona at gawain ni Jesucristo. Ang pananampalataya ay hindi regalo; si Jesucristo ang regalo. Maaari tayong hilahin ng Diyos palapit sa Kaniyang sarili (Juan 6:28-29, 44-45). Kumbinsehin tayo ng katotohanan ng ebanghelyo (Juan 16:8), at imbitahan tayo na tanggapin ang buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 4:10; 7:37), ngunit ating responsabilidad na sampalatayahan ang ebanghelyo para sa buhay na walang hanggan.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes