GraceNotes
   

   Pagpapaliwanag ng 1 Juan

Ang pag-interpreta ng 1 Juan ay mahirap sa ilan dahil sa mga pahayag ng tila mga pagsubok o mga kundisyon. Ang nangingibabaw na pananaw sa mga komentarista ay ang layon ng mga pagsubok na ito ay ang madetermina kung ang isang tao ay ligtas magpakailan pa man o hindi. Ang isa pang pananaw, na hindi laganap, ay ang mga pagsubok na ito ay hindi nagdedetermina ng walang hanggang kaligtasan ng isang tao kundi ang kaniyang karanasan ng pakikisama sa Diyos. Ang mga pagsubok ba ng 1 Juan ay may layong suriin ang walang hanggang relasyon ng isang tao sa Diyos, o upang suriin ang maintimasiyang pakikisama sa Diyos? Ang kasagutan ay may mahalagang ramipikasyon sa pagkaunawa ng isang tao sa ebanghelyo, at kung ganuon sa kaniyang katiyakan ng kaligtasan.

Ang mga pagsubok hinayag

Ang mga pagsubok ay nakakakalat sa buong epistula. Narito ang ilang halimbawa ng mga kundisyong nahahayag sa mga pagsubok:

  • 2:4 Ang nagsasabing, “Nakikilala ko Siya,” at hindi tumutupad ng Kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.
  • 2:9 2:9 Ang nagsasabing siya ay nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon.
  • 3:8 Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo.
  • 3:10 Ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Diyos, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.
  • 3:14 Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan.
  • 4:8 Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos.

Ang layunin ng epistula

Ang ating pagkaunawa ng mga pagsubok ay dapat umayon sa layunin ng epistula. Ilang beses sa 1 Juan nabasa nating “ang mga ito ay akin [o aming] sinulat [o nasulat] sa inyo...” (1:4; 2:1, 26; 5:13). Natural lamang sa kahit na sinong manunulat na ilagay ang layong pahayag para sa buong aklat sa pinakaunahan (ang mga reprerensiya sa 2:1, 26 at 5:13 ay tila tumutukoy sa unahan ng mga pahayag na ito.) Kung ganuon, ang 1:4 ay naghahayag na ang layunin ng aklat ay ang dalhin ang mambabasa sa ganap na kasiyahan ng pakikisamang kabahagi ang mga apostol at ang Panginoon (1:3). Ang pakikisama (lit “pagbabahagi”) ay tumutukoy hindi sa pagtatatag ng isang relasyon kundi sa paglago ng higit na intimasiya sa relasyong iyan. Sa madaling salita, ang layon ni Juan ay hindi ang magtatag ng bagong relasyon kundi ang patibayin ang umiiral ng relasyon. Tila malinaw na ang mga mambabasa ay mayroon ng naitatag na relasyon kay Juan at sa mga apostol, kung paanong may relasyon na rin sila sa Diyos.Lumalabas na sumulat si Juan upang pangalagaan ang karanasan ng mga mambabasa ng pakikisama sa kaniya at sa sirkulo ng mga apostol at sa Diyos dahil may mga huwad na gurong kasama nila na tinatangging may buhay na walang hanggan ang mga mambabasa (cf 2:25-26; 5:13), at ito ay nakasisira ng anumang umiiral nilang relasyon sa Diyos at sa mga apostol. Ang mga pagsubok ng karanasan kung ganuon ay nangungusap sa pahalang at patayong pakikisamang ito. Ngunit para sa katiyakan ng kanilang buhay na walang hanggan, tinuturo ni Juan ang mga mambabasa sa pangako at patotoo ng Diyos (2:25; 5:9-12).

Kinausap ang mga mambabasa

Ang umiiral na relasyon ni Juan sa mga mambabasa at ang kanilang relasyon sa Diyos ay nakikita kung paano kinakausap ni Juan ang mga mambabasa sa mga mapagmahal na terminong Cristiano. Tinawa niya silang mga munting anak (hal 2:1,18), mga anak na pinatawad na ang kasalanan (2:12), mga anak ng Diyos (3:1-2), at mga ama (2:13-14). Ibinibilang din ni Juan ang kaniyang sarili sa kanilang pangkaraniwang karanasang Cristiano (“tayo” sa 3:1,2; 5:14, 19, 20). Ang mga mambabasa ay may pahid din mula sa Diyos (2:20, 27). Sila ay may relasyon sa Diyos dahil sila ay nanampalataya na sa Anak ng Diyos (5:13). Kahit sa mga paghayag ng ilan sa mga pagsubok, ang ligtas na kalagayan ng mga mambabasa ay nakikita sa paggamit ng katawagang Cristianong “kaniyang kapatid” (hal 2:9; 3:10, 14, 15).

Isang teolohikal na alalahanin

Kung ginagawa ni Juan na sukatan ng kaligtasan ang gawi ng kaniyang mga mambabasa, mayroon tayong hindi maiiwasang problemang teolohikal dahil ang pananampalataya lamang kay Cristo lamang ay hindi ang nag-iisang kundisyon sa kaligtasan. Kinukumpromiso nito ang ebanghelyo ng libreng biyaya ng Diyos na maliwanag na tinuro sa Kasulatan (Roma 3:21-25; Ef 2:8-9; Tito 3:5). Ang kaligtasan ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang o ito ay sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi ang paghahalo ng dalawang ito (Roma 4:4,5; 11:6; 1 Juan 5:1). Ang kaligtasang nakakundiyson sa mga pagsubok sa gawi ay sumisira sa posibilidad ng katiyakan ng kaligtasan. Kapag ating minasdan ang mga pagsubok, nakikilala nating wala sa ating makatutupad ng lahat ng mga ito, ni ang perpektong makatutupad ng mga ito. Hangga’t iyan ay totoo, ang pag-aalinlangan ay mananatili kung tayo nga ba ay ligtas o hindi. Ang alinalangan sa anumang relasyon ay hindi magsusulong ng intimasiya sa relasyong iyan. Halimbawa, ang intimasiya sa kasal ay nakatindig sa walang kundisyong pag-ibig at pagtanggap na humihimok sa bawat asawang magbukas upang makilala ang kabiyak at maipakilala ang sarilil. Kung nagbibigay si Juan ng mga rason upang mag-alinlangan sa kaligtasan, ginagapi niya ang layong kaniyang hinayag sa 1:3-4 na higit na palalamin ang pakikisama sa Diyos at sa mga apostol.

Mga reperensiya sa intimasiya

Kapag kinilala ng isang tao ang layon ni Juan sa kaniyang pagsulat, mayroong mayamang gantimpalang naghihintay. Ang epistula ay tinuturo ang mga mananampalataya sa mas malalim at mas may intimasiyang pagkakilala sa Diyos. Ang mga terminong ginamit na tinuturing ng iba bilang pantukoy sa kaligtasan (“nasa liwanag/nasa kadiliman, kilala ang Diyos/hindi nakikilala ang Diyos, sa Diyos/sa diablo, nananahan sa Diyos/nananahan sa kamatayan”) ay mas maiging makita bilang mga pantukoy sa pinagmulan o sa oryentasiyon sa halip na ganap ng kalagayan ng isang tao. Inilalarawan nito ang mga mananampalataya sa kanilang karanasan sa halip na posisyun. Ang mga pagsubok ay nagbibigay-kaalaman sa mga mambabasa kung sila ay lumalago sa intimasiya Diyos o lumalayo sa Kaniya. Ang mas detalyadong paliwanag ng mga reperensiyang ito ay marapat maghintay ng isa pang pag-aaral sa hinaharap.

Pagbubuod

Ang mga pagsubok ng 1 Juan ay tungkol sa karanasan ng isang mananampalataya. Kung maunawaan ng tama, sila ay magdadala sa mga mambabasa sa higit na intimasiya sa relasyon sa Diyos na kanilang nakilala sa pamamgitan ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ang layon ng aklat ay hindi ang magtatag ng relasyon sa Diyos, kundi ang palalimin ang relasyong taglay nila. Sa ganitong pagkaunawa, ang 1 Juan ay hindi nagdadala sa mananampalataya sa kawalan ng katiyakan ng kanilang relasyon sa Diyos kundi nagbibigay-lalim sa pagnanasang lalong mapalapit sa Kaniya.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes