GraceNotes
   

   Bautismo sa Tubig at ang Walang Hanggang Kaligtasan

Simply By Grace Podcast

Maraming isyung may kaugnayan sa bautismo sa tubig ang kailangang talakayin, ngunit ang pinakamahalagang isyu ay kung ito ba ay makakamit ng walang hanggang kaligtasan. Kailangan ba ang isang taong bautismuhan sa tubig upang magkaraoon ng buhay na walang hanggan?

Ang signipikansiya ng bautismo

Ang salitang baptizo ay nangangahulugang idutdot o ilublob. Ang paglublob ang pinakamahusay na lapat sa ebidensiya ng Biblia (Juan 3:23; Gawa 8:36-39) at pinakamahusay na larawan ng espirituwal na paglublob ng mananampalataya sa katawan ni Cristo (Roma 6:3-4). Ang esprituwal na bautismong ito sa sandali ng pananampalataya ay nagbibigay sa mananampalataya ng bago at walang hanggang buhay. Ang bautismo sa tubig ay maaaring mangyari kailan man pagkatapos, mga larawan ng espirituwal na transaksiyong nag-isa sa mananampalataya kay Cristo sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli. Ang isang mananampalatayang nabautismuhan ay hayagang nagpapahayag na siya ay isang bagong tao kay Cristo at ngayong ay kabilang na katawan ni Cristo.

Ang importansiya ng bautismo

Inutos ni Jesus na ang mga sumampalataya ay kailangang bautismuhan at inaasahan sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan (Mat 28:19; Gawa 2:41; 8:12; 10:47-48; 16:14-15, 31-33). Hindi ito pinapakita bilang isang opsiyon ayon sa kagustuhan ng isang tao, subalit hindi rin ito ibinigay bilang kailangan sa kaligtasan.

Ang nag-iisang kundisyon sa kaligtasan

Ang pinakamalilinaw na pahayag ng Kasulatan ay nagdedeklarang ang walang hanggang kaligtasan ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang (Juan 3:16; 6:47; Ef 2:8-9). Dahil ang biyaya ay nangangahulugang libreng regalong hindi tampat, anumang gawa o pangakong ang intensiyon ay magmerito ng kaligtasan ay sa nesesidad isinasantabi (Rom 11:6). Ang pananampalataya ay ang pagkakumbinse na ang pangako ng Diyos ay totoo, samakatuwid isinasantabi rin nito ang anumang gawa o pangako dahil tinatanggap nito lamang ang pinangako na at binayaran na (Rom 3:24; Ef 2:8-9). Nang sinabi nating ang ating pananampalataya ay kay Cristo lamang, pinangangahulugan nating si Cristo ay ginawa ang lahat ng kailangan upang isakatuparan ang ating kaligtasn at wala tayong maidaragdag- walang pangako, walang gawa ng pagsunod, walang mabuting gawa- upang makamit ang ating kaligtasan. Kung ganuon dapat nating unawain ang mga kontrobersiyal na pasahe sa bautismo sa liwanag ng maliwanag na turo ng Kasulatan na pananampalataya lamang kay Cristo lamang ang magtatamo ng buhay na walang hanggan.

Maling pagkaunawa sa ilang Pasahe ng Biblia Tungkol sa Bautismo

Bautismo ni Juan. Dumating si Juan Bautista upang magbautismo sa pagsisisi (Mat 3:11; Marcos 1:4; Lu 3:3). Ang kaniyang bautismo ay nanawagan sa mga Judio na ihanda ang kanilang sarili para sa pagdating ng Mesiyas sa pamamagitan ng pagsisisi ng kanilang mga kasalanan at kanilang kaugnayan sa apostata o tumalikod na Judaismo. Na ang kaniyang bautismo ay hindi para sa kaligtasan ay malinaw sa Gawa 19:1-5 kung saan ang kaniyang mga alagad ay sinabihang kailangan sumampalataya kay Jesucristo upang tanggapin ang Espiritu Santo.

Marcos 16:15-16. Pinagtataluhan kung ang katapusan ng Marcos (16:9ss) ay nasa orihinal na Bagong Tipan. Alang-alang sa argumento, inutusan ni Jesus ang Kaniyang mga alagad na ipangaral ang ebanghelyo na nagsasabing, “Siya na nanampalataya at binautismuhan ay maliligtas.” Subalit ginawa Niyang tanging kundisyon sa kapahamakan ang “hindi sumampalataya” (v15), hindi “ang hindi sumampalataya at magpabautismo.” Ang bautismo ay hindi kundisyon sa kaligtasan o sa kapahamakan.

Juan 3:5. Mayroong ilang opsiyong interpretatib para sa kahulugan ng “ipinanganak sa tubig at sa Espiritu,” ngunit kung isasaalang-alang ang konteksto, ang bautismo ang hindi pinakaakma. Ang iba ay pinanghahawakang ang tubig ay tumutukoy sa pisikal na kapanganakan, dahil ito ang itinatanong ni Nicodemo (v 4). Mas maiiging panghawakan ang tubig bilang pantukoy sa Espiritu Santo (“tubig, maging ang Espiritu” o “tubig, samakatuwid ang Espiritu”) dahil ang espirituwal na kapanganakan ang pokus ng sumusunod na talakayan (vv 6-8) at isang bagay na nalalaman ni Nicodemo, bilang isang guro sa Israel, ay pinangako sa Bagong Tipan (v 10; cf Ezek 36:25-27; Is 44:3; tingnan din ang Juan 7:37-39 ; Titus 3:5).

Gawa 2:38 Ilang interpretasyon ng mahirap na pasaheng ito ay tinanggi ang nesesidad ng bautismo para sa walang hanggang kaligtasan. Marahil ang pinakaumaayon sa teksto ay nanghahawak na ang mga Judio ay nanampalataya nang sila ay makumbinse ng mensahe ni Pedro, na malinaw sa kanilang kalungkutan at sa tanong “ano ang gagawin namin?” (2:37). Ang pagsisisi at bautismo ang preskripsiyon ni Pedro, na humihimok sa mga bagong mananampalatayang Judio na ipakilala ang kanilang sarili bilang bahagi ng komunidad Cristiano upang matakasan ang napipintong kahatulan na darating sa kanilang makasalanang henerasyong nagpako kay Cristo sa krus (v 40). Ang kapatawaran ng kasalanang ito (hindi ang kanilang walang hanggang kaligtasan) ang nakakundisyon sa pagsisisi na ang tanda ay kanilang bautismo. Ang kanilang nagsisising bautismo ay ang kundisyon din para sa pagtanggap sa Espiritu Santo ng mga Judiong ito sa panahong transisyunal. Kalaunan, ang mga Hentil ay nakatanggap ng Espiritu agad-agad sa pagsampalataya kay Cristo (Ga 10:43-44; 15:7-9).

Roma 6:3-4. Malinaw sa pasaheng ito na si Pablo ay bumabanggit ng bautismo ng Espiritu na naglalagay (naglublob) ng lahat ng nanampalataya sa katawan ni Cristo. Ang bautismo ng Espiritu ay hinula ni Cristo (Mat 3:11; Marcos 1:8; Lu 3:16; Juan 1:33; Gawa 1:5) at esensiyal sa lahat ng mananampalataya (1 Cor 12:!3).

1 Pedro 3:21. Sa liwanag ng v 20 na nagsasabing si Noah at ang kaniyang pamilya ay naligtas sa tubig dahil sa sila ay nasa arka, gayundin sa larawan, ang mga mananampalataya ay naligtas lamang sa pamamagitan ng tubig ng bautismo dahil sila ay nasa bumangong Cristo. Sa konteksto, ang mga mananampalatayang ito na humaharap sa paghihirap ay maliligtas sa guilty na konsensiya na manggagaling sa kanilang pagtakwil sa kanilang pananampalataya, sa pamamagitan ng pagpakilala sa publiko na sila ay kasama ni Cristo sa pamamagitan ng bautismo (cf v 16).

Pagbubuod

Mayroong iba pang argumento na maaaring banggitin upang ipakita na ang bautismo ay hindi nagkakamit ng buhay na walang hanggan. Hindi nakikita ni Pablo ang bautismo bilang bahagi ng ebanghelyo, at maliban sa iilang eksepsiyon, hindi niya ito ginawang bahagi ng kaniyang ministeryo (1 Cor 1:14-17); ang tulisan sa krus ay may garantiyang lugar sa Paraiso nang walang bautismo (Lu 23:40-43); si Cornelio at ang kaniyang sambahayan ay tumanggap ng Espiritu Santo (at samakatuwid ay kaligtasan) bago sila nabaustimuhan (Gawa 10:44-48). Ngunit ang krusyal na argumento laban sa bautismo bilang kundisyon ng kaligtasan ay nanggagaling sa kalikasan ng biyaya ng Diyos na siyang basehan ng walang hanggang kaligtasan. Ang Kaniyang biyaya ay laging libre at walang merito, at matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes