GraceNotes
   

   Pinahihintulutan Ba Ng Biyaya Ang Mga Kristiyanong Hukuman Ang Iba?

“Huwag mo akong hatulan!” Sa ating panahon ng tolerance, ang pahayag ay naging mantra na ginagamit upang pigilan ang mga moral na pahayag at iwasan ang responsabilidad sa mga gawi. Ang ibang Cristiano ay maaaring sabihing ito ay nangangahulugang, “Huwag mo akong pagsabihan kung paano mabuhay; nasa ilalim ako ng biyaya!” o akusahan ang mga kumukompronta sa kanilang mga gawi bilang walang biyaya. Ang biyaya ay ginamit din bilang dahilan upang hindi kumprontahin ang mga tao. Kung ganuon, mabiyaya bang hatulan ang ibang tao?

Mga salita at halimbawa ni Jesus

Ang Panginoong Jesucristo ay nagsasabing, “”Huwag kayong magsihatol upang huwag kayong hatulan,” (Mat 7:1). Ngunit ano ang ibig niyang sabihin? Ang salitang “hatulan” (krino) ay maaaring magkaroon ng negatibong kahulugan na ikundena o ikritika, o ng neutral na diwa na ikunsidera, makarating sa desisyon. Dito malinaw na ginagamit sa negatibong diwa. Kung ang ibig sabihin ni Jesus na hindi tayo kailan man magkukundena ng gawi ng iba, siya ay inkonsistent. Ang Kaniyang sinabi sa Mateo 7:1 ay bahagi ng Sermon sa Bundok na sa diwa ay nagkukundena sa saloobin at gawi ng mga eskriba at Pariseong nagmamatuwid ng kanilang mga sarili (Mateo 5:20; 6:5,6; 7:15-23; cf. 23:1-36). Tinuro rin ni Jesus na hindi tayo dapat humatol nang “ayon sa panlabas na anyo,” kundi nang may “makatuwirang paghatol” (Juan 7:24). Tunay na ang mga eskriba at Pariseo ay may panlabas na anyo ng katuwiran ngunit sa perpektong pamantayan ng katuwiran ng Diyos, sila ay miserableng hindi nakaabot.

Ang ilan ay ginagamit ang Juan 8:1-11 at ang pagtrato ng babeng nahuli sa pakikiapid upang sabihing hindi tayo dapat humatol sa iba. Ipinakita ni Jesus ang biyaya hindi sa pamamagitan ng pagsulong na batuhin siya ayon sa Kautusan ni Moises, ngunit ipinakita Niya rin ang biyaya sa pagsabi sa kaniyang “humayo ka at huwag nang magkasala.” Hindi bineto ni Jesus ang opsiyon ng madla na batuhin siya, sinabi Niya lang na ang walang kasalanan ang maghagis ng unang bato. Ayon sa makatuwirang hatol tinawag ni Jesus ang kaniyang pakikiapid bilang isang kasalanan ngunit mabiyayang tinarato siya.

Kailang hindi dapat hatulan ang iba

Gaya nang sa Juan 8, may mga pagkakataong hindi dapat hatulan ng isang tao ang iba. Sa Mateo 7:2-6 at iba pang pasahe ibinigay ang mga dahilan upang huwag humatol.

Kung ang isang tao ay may espiritung kritikal at mapangwasak. Sa Mateo 7:2, binalaan ni Jesus na ang mga humahatol ay hahatulan din sa parehong pamamaraan at ito ang nagpapaliwanag nang Kaniyang pagbabawal ng kritikal na paghatol sa v1. Ito ay tunay na lumalapat sa mga eksriba at Pariseo sa Juan 8 (ang 8:6 ay nagpapaliwanag ng kanilang mapangwasak na motibo). Ang Santiago 2:13 ay nagbababala rin na ang mga Cristiano ay hahatulan ayon sa awang kanilang inabot sa iba, kaya kung ang kahatulan ay mapangwasak o walang awa (walang biyaya), mas maiging huwag nang humatol.

Kung ang isang tao ay nabubulagang ipokrito. Sa Mateo 7:3-5 ipinaliwanag din ni Jesus na ang kahatulan ay dapat iwasan ng mga taong hindi hinaharap ang kanilang sariling kamalian. Ang pokus dapat ay wala sa “puwing” sa mata ng iba, kundi sa “tahilan” muna sa sariling mata. Kapag naayos na ng isang tao ang kaniyang sariling problema, malinaw niyang mahahatulan ang iba. Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nabubulagan ng kanilang sariling katuwiran haang hinahatulan ang iba (cf Mat 23:1-16).

Kung ang isang tao ay walang alam sa lahat ng mga katotohanan. Madali ang lumukso sa isang konklusyon tungkol sa gawi ng iba at mga motibo sa likod nito. Ngunit maraming beses, ang buong kwento ay hindi alam. Ang Apostol Pablo ay hindi handang hatulan kahit ang kaniyang sarili, ngunit inilalagay ang kahatulan sa kamay ng Diyos (1 Cor 4:3-5).

Kung ang isang tao ay nahaharap sa isang gawing hindi malinaw na binanggit sa Biblia. Ang tanging paraan upang magkaroon ng “makatuwirang paghatol” ay kung nalalaman ang malinaw na pamantayan ng katuwirang ibinigay sa Salita ng Diyos. Subalit, hindi binabanggit ng Biblia ang lahat ng gawi at desisyon. Minsan ang mga Cristianong may ibang pananaw ang hindi sumasang-ayon sa mga isyung tinuturing na kwestiyonable o neutral (halimbawa, panunuod ng ilang programa sa TV o pagdiwang ng mga banal na araw at kaakibat na tradisyon). Ang mabiyayang saloobin sa mga pagkakataong ito ay hindi ang kritikal na paghatol sa iba kundi ang pag-ibig at ang pagpapatibay sa kanila na iniiwan ang paghatol sa Diyos (cf Roma 14).

Kailan pwedeng humatol sa iba Ang mga Cristiano ay maaari at dapat gumamit ng biblikal na pagsisiyasat sa paghatol sa iba sa diwa na pagkunsidera sa isyu upang makarating sa nakatutulong na desisyon o kahatulan. Nagkailang kundisyon ang nagbibigay permiso na humatol sa iba.

Kung ang isang tao ay makasasalita ng walang pagpapaimbabaw. Sinabi ni Jesus na ang isang tao ay maaaring humatol sa iba pero matapos lamang alisin ang “tahilan” sa sariling mata (Mat 7:5). Mabuting bagay ang tulungan ang isang “kapatid” sa pamamagitan ng pagturo sa “puwing” na isang depektibong gawi o saloobin, ngunit kung ito ay magagawa lamang nang walang pagpapaimbabaw.

Kung nalalaman ng isang tao na ang Biblia ay malinaw na nagsalita tungkol sa isyu. Ang mga Cristiano ay may obligasyon na hatulan ang huwad na aral (Mat 7:15-20; Roma 16:17; 1 Tim 6:3) at hayag na imoralidad (1 Co 5:3, 9-12). Ang mga Cristiano ay inutusang gamitin ang kanilang pagsisiyasat at gamitin ito (1 Tes 5:21-22). Ang Biblia ay nagbibigay nang malianw na mga panuntunan tungkol sa maraming isyu ng moralidad upang maiwasan natin sila o makumpronta sila (2 Tim 3:16).

Kung ang isang tao ay nag-aayos ng mga isyu sa pagitan ng mga miyembro ng iglesia. Ang pinakadahilan kung bakit ang mga Cristiano ay hindi dapat humatol sa mga nasa labas ng iglesia ay dapat niyang hatulan ang mga nasa loob (1 Cor 5:12-6:1-5). Ang mga nasa labas, sa pangkalahatan ay may depektibong kompas na moral, at walang lubos na diwa ng moralidad. Ngunit ang mga nasa tunay na nananampalatayang iglesia ay may Salita ng Diyos bilang basehan sa pagsiyasat ng gawi at pag-abot sa mga desisyon tungkol sa mga isyu at hindi pagkakasundo ng mga miyembro ng iglesia.

Kung ang isang tao ay namomotiba ng pag-ibig na tulungan o ibalik ang iba. Bago ibalik ang isang taong nagkasala, ang isang tao ay dapat makilala na ang gawi ng taong iyan ay makasalanan (Gal 6:1). Sinabihan ni Jesus ang nakiapid na babae, “humayo at huwag ka nang magkasala” (Juan 8:11). Ang disiplina sa iglesia ay nangangailangan din ng mga kahatulan tungkol sa makasalanang gawi sa isang indibidwal (Mat 18:15-17; 1 Cor 5:1-13).

Pagbubuod

Hindi tinuturo ng biyaya ang walang kundisyong pagtanggap ng makasalanang gawi ng isang tao, ngunit ginagalang nito ang lehitimong pagkakaiba ng opinyon. Niyayakap ng biyaya ang puso ng isang tao, hindi ang makasalanang gawi. Ang mga nagsasabing, “Huwag mo akong hatulan!” ay malamang hinahatulan ang kanilang mga gawi bilang katanggap-tanggap. Sila ay hindi tumatanggap sa pananaw ng iba at hinahatulan ang pahayag ng Salita ng Diyos bilang walang silbi, walang konsiderasyon o mali. Hindi ipinagbabawal ng Biblia ang paghatol sa iba kung ito ay ginagawa sa mapagkumbaba, marahan at maibiging pamamaraan. Ang saloobin ng biyaya ay nangangahulugang tinutulungan natin ang mga tao sa pamamagitan ng mapagmahal na pagsabi sa kanila ng dapat nilang marinig kahit pa hatulan nila tayo dahil dito!


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes