GraceNotes
   

   Larawang Salita Para sa Mga Manggagawang Kristiyano



Kung ang isang larawan ay kasinhalaga ng isanlibong salita, ang isang salitang larawan ay may malaking halaga sa mga mag-aaral ng Biblia. Ang mga larawang ito, tinatawag na metapora, ay maaaring magbigay sa ating ng malaking katarukan ng isipan sa katotohanan ng Diyos. Pitong salitang larawan sa 1 Corinto 3 at 4 ang sadyang kapakipakinabang para sa mga kabilang sa paglilingkod Cristiano. Dito ang apostol Pablo ay itinatama ang mga maling kaisipan ng mga taga-Corinto tungkol sa mga ministro ng ebanghelyo. Minsan gumagamit siya ng implisit na metapora, at minsan nagmumungkahi siya ng mga salitang larawan. Mula sa mga ito nagkakamit tayo ng mahalagang katarukan kung ano ang kahulugan ng paglilingkod ng ebanghelyo sa mga tao ng Diyos. Pansinin na apat na salitang larawan ang tungkol sa relasyon ng manggagawa sa iba, at tatlo ang tungkol sa relasyon ng manggagawa sa Diyos. Tatalakayin natin ang mga ito sa ganiyang pasunod-sunod.

Ang Cristianong Manggagawa Bilang Magulang. . Sa 3:1-2 ang apostol Pablo ay kinuha ang bahagi ng espiritwal na magulang. Ang bahagi ng ina ay minumungkahi bilang siya na nagpapakain ng kaniyang mga anak ng tama. Ang normal na nangyayari, pinakakain ng ina ang kaniyang nakababatang mga anak ng gatas hanggan sa kaya na nila ang matigas na pagkain. Kung paanong ang ina ay pinapakain ang kaniyang mga anak ng pagkaing akma sa kanilang edad, ganuon din ang ministro ay pinakakain ang kaniyang mga tao nang akma sa kanilang espiritwal na kakayahan. Ang metapora ng isang ina ay matatagpuan din sa 1 Tesalonica 2:7-8 kung saan nais ni Pablo na maunawaan ng kaniyang mambabasa kung paano niya maingat na pinakain at inalagaan sila habang ibinabahagi ang kaniyang buhay sa kanila.

Gayundin, ang 4:15 ay nagtataglay ng paghahambing sa isang ama. Dito iminumungkahi ni Pablo na dahil siya ang nanganak espiritwal sa kaniyang mambabasa, siya kung ganuon ay pilyal na nakatali sa kanila at responsable sa kanilang espiritwal na kalagayan. Sa 4:16 hinikayat sila ni Pablo na ‘tularan ako.’ Ang salitang tularan (mimeomai) ay ugat ng ating salitang Ingles na mimic, at nagmumungkahi ng tendensiya ng isang bata na gayahin ang mga nakatatanda, lalo na ang kanilang mga magulang. Kinuha ni Pablo ang makaamang bahagi ng isang mapagmahal na lider at halimbawa. Sa kaparehong metapora sa 1 Tesalonica 2:10-11, nakita natin na kabilang sa bahagi ng isang ama ang pagpapayo, pag-aalo, at paggabay. Ang mala-magulang na responsabilidad kung ganuon ng isang ministro ay mapagmahal na pag-aalaga at pamumuno.

Ang Cristianong Manggagawa Bilang Isang Tagalingkod Sa 3:5 tinawag ni Pablo ang kaniyang sarili at si Apolo bilang mga ‘ministro.’ Ang katawagang ito ay nagmula sa salitang diakoneo na nangangahulugang maglingkod at madalas gamitin sa naghihintay sa mga lamesa (cf Juan 12:2; Gawa 6:2). Ito ay isang kagila-gilalas na salitang larawan lalo pa’t ang mga Griyego ay nasusuklam sa boluntaryong paglilingkod sa iba. Muling ginamit ni Pablo ang salita sa 2 Corinto 4:5 upang gawing malinaw na ang gitnang pokus ng kaniyang ministeryo ay ang ipangaral si Jesucrusto, hindi ang kaniyang sarili. Siya ay isa lamang hamak na lingkod ng kalooban ng Diyos. Ang ganiyang kababaan ng Cristianong manggagawa ang kikilos sa iba na sumunod (cf 16:15-16). Ito ay pamumuno sa pamamagitan ng paglilingkod.

Ang Cristianong Manggagawa Bilang Isang Hardinero. Sa 3:6 natagpuan natin ang salitang larawan ng isang hardinero o marahil ng isang magsasaka. ‘Ako ang nagtanim, si Apolo ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpalago.’ Ang pagkukumpara na ito ay isa ring pagbababa ng sarili upang ang Diyos ang tumanggap ng papuri sa pagbabago ng buhay sa iba. Ang bahagi ng isang hardinero ay ang magtanim at maglinang ng anumang pinatubo ng Diyos (v. 7). Bagama’t isa lamang kagamitan, ang gawaing hortikultural ng isang ministro ay tunay na mahalaga sa natalagang proseso ng Diyos sa pagbabago ng buhay. Ang mga Cristianong nagtatrabaho nang husto sa hardin (o bukirin) ay gagantimpalaan sa kanilang trabaho (v. 8).

Ang Cristianong Manggagawa Bilang Tagapagtayo. Lumipat si Pablo sa arkitektural na metapora sa verso 10 kung saan kinumpara niya ang kaniyang sarili bilang isang ‘matalinong tagapagtayo’ na naglagak ng pundasyon. Ang orihinal na pangngalan, architechton, ay nagdadala ng malinaw na pagkakapareho sa katumbas na salitang Ingles. Ang trabaho ng tagapagtayo ay nilalarawan ng salitang (epoikodomeo, vv. 10, 12, 14) ginagamit bilang pigura ng pagpapalakas o pagtatatag ng mga Cristiano (cf. Gawa 20:32; Col 2:7; Judas 20). Ang metapora ay ginamit upang bigyang diin ang kahalagahan ng dalisay na metodo at motibo sa paglilingkod sa iba. Ang isang Cristianong manggagawa ay maaaring magtayo sa karapat dapat o hindi karapat dapat na pamamaraan. Ang araw ng pagsubok ang maghahayag ng kalidad ng kaniyang gawa (vv. 12-13) at ang Diyos ang gaganti ng nararapat (vv. 14-15). Bawat Cristianong manggagawa ay ‘dapat mag-ingat kung paano siya magtatayo’ (v. 10).

Ang Cristianong Manggagawa Bilang Kamanggagawa ng Diyos. Sa 3:9 tinawag ni Pablo ang kaniyang sarili at iba pang ministro bilang ‘kapwa manggagawa.’ Ang pangngalan ay ginamit mula sa pandiwang (synergeo) nangangahulugang gumawang magkasama, makipagtulungan (kay). Ang salitang larawan ay nagmumungkahi ng pagtutulungan para sa iisang layunin. Ang layunin ay dalhin ang tao sa maturidad at kaganapan sa pagkakatulad kay Cristo (Col 1:28-29). Ang mga manggagawa sa iba ay dapat mapagtanto at mapanatili ang isang malapit na pakikipartner sa Diyos kung saan ang Diyos ang pangunahing Partner. Ang kaayusang ito ay nag-aalis ng anumang dahilan para sa pagmamataas o makasariling motibo sa manggagawa.

Ang Cristianong Manggagawa Bilang Isang Alipin. Sa 4:1 gumamit si Pablo ng isang napakayaman na salitang larawan na sa kasamaang-palad ay naitago sa payak na saling tagalingkod. Ang salita (hyperetes) ay literal na nangangahulugang tagasagwan sa ibaba, katulad ng isang alipin na nagsasagwan sa ibabang bahagi ng barko. Ito ay nagkaroon ng kahulugan bilang alalay sa ilalim ng awtoridad ng iba (cf. Markos 14:54, 65; Gawa 13:5) o isang nasa posisyon ng pagpapasakop. Ginamit ni Pablo ang metaporang ito upang itama ang mataas na pagwawari ng mga taga-Corinto sa gawain ng isang ministro. Ang mga manggagawang Cristiano ay tanging mga alipin lamang. Si Jesucristo ang Panginoon; ang gawain ng isang manggagawang Cristiano ay ang sumunod nang walang paglalaan.

Ang Cristianong Manggagawa Bilang Isang Katiwala. Sa 4:1 din kinuha ni Pablo ang bahagi ng isang katiwala. Kabilang ng salita (oikonomos) ang salita para sa bahay (oikos) upang mangahulugang katiwala sa bahay. Sa ganito, ang katiwala ay responsable sa ari-arian at pag-aari ng pinagkatiwala sa kaniya ng panginoong ng bahay. Ang kaniyang pangunahing gawain ay ang ‘masumpungang tapat’ sa pagsagawa ng kaniyang mga responsabilidad. Ang mga tagapamahala ng iglesia ay tinawag na katiwala ng ministri na iyan (Tito 1:7) at ang lahat ng Cristiano ay binilinan na maging mga katiwala na gumagamit ng kanilang mga kaloob sa paglilingkod sa iba (1 Ped 4:10). Dapat matanto ng Cristianong manggagawa na ang kaniyang pagtupad ng kaniyang katiwalaan ay hahatulan ng Panginoon, ang Amo (v. 4). Sa parabula ni Jesus ang mga tapat ng katiwala ay ginantimpalaan ng pagpuri, “Magaling, mabuti at tapat na tagalingkod’ (Mat 25:23).

Pagbubuod

Sa loob ng nag-iisang bahagi na ito ng Kasulatan binigyan ng Diyos ang mga Cristianong manggagawa ng pitong salitang larawan bilang balangkas sa paglilingkod. Ang iglesia ay pag-aari ni Jesucristo; ang mga Cristianong naglilingkod dito ay kumikilos bilang Kaniyang mga lingkod. Naglilingkod tayo sa pamamagitan ng pag-alok sa iba ng mapagmahal na pag-aalaga at pamumuno, mapagkumbabang paglilingkod, paglinang ng espiritwal na paglago, at pagpapalakas habang tayo ay nakikipagtulungan sa Diyos sa iisang layunin, sumusunod sa Diyos, at tapat na namamahala sa ministeryong pinagkatiwala sa atin. Dapat tayong maglingkod upang ang mensahe at hindi ang mensahero ang sentral na bagay. Mas lalo tayong umaayon sa balangkas na ito, mas lalo tayong gagamitin ng Diyos upang magbigay ng impluwensiya sa iba. Sa paggawa nito, ating tinupad ang ministri na binigay ng Diyos.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes