GraceNotes
   

   Bakit Dapat Ituro ang Mga Gantimpala?



Ang salitang gantimpala (misthos) ay nagmula sa salitang Griyego para sa bayad o sahod. Bagama’t ang kaligtasan ay ganap na libre, ang mga gantimpala ay malinaw na pinagpapaguran. Ang mga pasahe tungkol sa gantimpala ay masusumpungan sa buong Luma at Bagong Tipan. Ang isa bang bagay na ganiyan kaprominente ay masasabing ilehitimo? Narito ang sampung dahilan kung bakit ang mga Cristiano ay dapat maturuan tungkol sa mga gantimpala.

Upang bigyang diin ang ating eternal na signipikansiya. Bilang mga anak ng Diyos, nagtatamasa tayo ng isang relasyon sa Kaniya ngayon at sa eternidad. Ang kalidad ng ating relasyon ay mas mapapaganda magpakailan pa man bilang gantimpala sa ating pangkasalukuyan at pansamantalang buhay. Ang mga gantimpala ay nagpapaalala sa atin na kung sino tayo ay mas tatagal pa sa buhay na ito. Rom 8:17; Heb 11:16.

Upang turuan tayo ng ating tungkulin sa buhay na ito. Na tayo ay gagantimpalaan ng Diyos sa ating mga pangkasalukuyang pagpipili ay nangangahulugang mananagot tayo sa mga pagpipiling ito. Ang mga karapatdapat na kilos, isipan, at salita ay magbubunga ng gantimpala sa eternidad. Ang kabaligtaran ay ang hindi karapatdapat ay dahilan upang mawala ang gantimpala at magkaroon ng kahihiyan. Roma 14:10-12; 1 Juan 2:28.

Upang pagandahin ang ating pangkasalukuyang buhay. Ang mga gantimpala ay hindi lamang pang eternidad; ang ilan ay nagsisimula sa buhay na ito. Magagawa nilang palawakin ng husto ang pagtamasa ng ating pangkasalukuyang karanasan. Mateo 16:25; Marcos 10:29-31.

Upang mapahalagahan ang kasiyahan ng Diyos sa pagbibigay ng gantimpala. Ang Diyos ang nagsimulang maggantimpala sapagkat nagbibigay ito sa Kaniya ng kasiyahan. Sino tayo upang tanggihan ang Diyos ng kasiyahang ito? Natutuwa Siyang pagpalain ang Kaniyang mga anak ng mabubuting mga bagay. Pangkaraniwan at kapuripuring simbuyo ng isang tao ang magpahayag ng pagpapahalaga sa o kaya naman gantimpalaan ang mabuting gawi sa ating mga anak. Mas kaunti ba ang ating inaasahan sa ating Ama sa langit? Mateo 6:6, 18; 25:21.

Upang magbigay ng tamang balangkas sa pagpapaliwang ng Biblia. Maraming mga sitas tungkol sa mga gantimpala ang maling pinapaliwanag bilang mga sitas ng kaligtasan. Nilalabo nito ang libreng biyaya ng Diyos at ang pinagpapagurang gantimpala ng Diyos sa Cristianong pamumuhay. Ang resulta ay isang teolohiya na pinapahina ang pananampalataya lamang kay Cristo lamang at ang katiyakan ng isang Cristiano. Halimbawa, ang 1 Corinto 9:24-27 ay isang sitas tungkol sa gantimpala na maling pinapaliwanag ng iba bilang sitas sa kaligtasan. Nangangahulugan ito na si Pablo ay walang katiyakan dahil ito ay binase niya sa kaniyang magagawa. Mateo 10:32-33; Pahayag 2-3.

Upang mamotiba tayo na gumawa ng mabubuting gawa na siyang layunin ng Diyos para sa atin. Ang Efeso 2:10 ay nagsasabing nilikha tayo ng Diyos kay Jesucristo para gumawa ng mabubuting mga gawa. Samantalang hindi lamang ito ang tanging motibasyon, ang mga gantimpala ay isang paraan upang mahikayat tayo ng gawin ang Kaniyang ibig. 1 Tim 6:17-19; 2 Jn 2:8.

Upang balansehin ang ating konsepto ng katarungan ng Diyos. Pinarurusahan ng Diyos ang mga hindi mananampalataya ayon sa digri ng kanilang masasamang mga gawa. Tama lang na gantimpalaan din ng Diyos ang mga mananampalataya ayon sa kabutihan ng kanilang mga gawa. Kung ang proporsyonadong kaparusahan ay magbabawa ng kasamaan, ganuon din naman ang proporsyonadong gantimpala ay lilinang ng katuwiran. 2 Cor 5:10; Pah 20:12; 22:12.

Upang ihanda tayo sa walang hanggang paglilingkod. Sapagkat ang ilan sa mga gantimpala ay nagpapahiwatig ng karagdagang kakayahang maglingkod sa Diyos at sa iba, at kung ang kapasidad na ito ay tatawid sa eternidad, nangangahulugan na ang mga ito ay tutulong upang mas maigi nating Siyang mapaglingkuran doon. Ang Biblia ay nangangako na tayo ay maghaharing kasama ni Cristo. Ang lawak ng ating paghahari ay gantimpala ayon sa katapatan natin sa buhay na ito. Ang pagiging katiwala ay madalas ikonekya sa gantimpala dahil sa ating tapat na pagtupad ng ating mga responsibilidad. Mateo 24:45-51; 25:14-30; Lukas 19:11-27; 2 Tim 2:12.

Upang lehitimong mamotiba tayo sa maka-Diyos na pamumuhay. Kapag ang mga sitas tungkol sa gantimpala ay mali ang pagkapaliwanag bilang mga sitas sa kaligtasan, ang hindi maiiwasang motibasyon sa paggawa ng mabuti ay ang patunayan ang kaligtasan ng tao at matakasan ang impiyerno. Madaling maging motibasyon sa mabubuting gawa ang takot. Ngunit ang katakutan sa impiyerno ay hindi makakamotiba sa isang mananampalataya na may eternal na kasiguruhan. Ito ay makamomotiba lamang sa hindi mananampalataya. Ang mananampalataya ay matatakot lamang na mawalan ng mga gantimpala. Ngunit kahit ang katakutan na iyan ay isa lamang sa mga motibo sa maka-Diyos na pamumuhay. Ang mga gawang ginawa mula sa hindi karapatdapt na motibo ay mahahayag sa kung anong uri ang mga ito at hindi gagantimpalaan. 1 Cor 3:12-15; 13:1-3.

Upang magbigay ng mas dakilang kaluwalhatian sa Diyos. Kung ang gantimpala ay magpapalawak ng ating pakikilahok sa kaluwalhatian ng Diyos, o magbibigay sa atin ng mas malaking kapasidad na maranasan ang kaluwalhatian ng Diyos, kung ganuon ang ating mga gantimpala ay magbibigay sa atin ng kakayahang bigyan ang Diyos ng mas maraming kaluwalhatian. Sa Pahayag 4:10, ang 24 na matanda ay naglagak ng kanilang mga korona sa paanan ng luklukan ni Cristo. Sinuman ang kinakatawan ng matatandang ito, ang mga koronang kanilang suot ay sumisimbolo sa gantimpala, karangalan, at kaluwalhatiang ibinigay sa kanila sa isang kadahilanan. Nagamit nila ang mga ito upang mapaluwalhati ang Diyos sa paghandog ng kanilang mga korona sa Kaniya. Ang mga gantimapalang ating natamo ay magbibigay sa atin ng mas malaking kakayahang bigyan Siya ng mas malaking kaluwalhatian. Ef 1:11-12; 1 Ped 5:4.

Pagbubuod

Ang inisyal na kaligtasan sa pamamagitan ng ganap na libreng biyaya ng Diyos ay hindi sumasalungat sa sumusunod na merito ng gantimpala sa Cristianong pamumuhay. Ang mga gantimpala ay hindi ang tangi, o pinakamahusay, na motibasyon sa maka-Diyos na pamumuhay. Ang pag-ibig, pasasalamat at pagtupad sa tungkulin ay ilan sa pinakamataas na motibasyon sa paglilingkod sa Diyos sa buhay na ito. Ngunit walang masama sa panghihimok at konsolasyon na dala ng gantimpala. Dahil ang mga gantimpala ay kautusan at disenyo ng Diyos, hindi sila dapat ituring na mas mababa sa iba o maliitin nang may halong pagtuya. Bawat Cristiano ay dapat maturuan tungkol sa mga gantimpala.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes