GraceNotes
   

   Mga Sipi sa Pagsisisi Bilang Pagbabago ng Isipan, Ikalawang Bahagi



Sa Unang Bahagi (Tala ng Biyaya Blg 92) sinipi natin ang ilang mga historikal na sources sa kahulugan ng pagsisisi simula nang unang siglo. Makikita natin dito na sa loob ng dalawang libong taong, ang mga eksperto ay nagkakaisang lubos na ang pagsisisi ay panloob na pagbabago, isang pagbabago ng puso o isipan. Gaya ng Unang Bahagi, ang impormasyon sa ibaba ay pinili sa isang artikulo ni Jonathan Perrault. Masusumpungan ninyo ang kaniyang artikulo na may mas higit na kumpletong mga sipi at bibliolohiya sa Grace Research Room sa GraceLife.org o sa website ng may-akda sa FreeGraceSpeech.blogspot.com. Ang mga pinili at sources sa ibaba ay pinaikli upang makatipid ng espasiyo.

Brooke Foss Westcott (1825-1901) sa The Epistle to the Hebrews , sa Hebreo 6:1: “Ang pagsisisi sa mga patay na gawa ay nagpapahayag ng ganap na pagbabago ng isipan- ng espiritwal na saloobin- na nag-aakay sa mananampalatayang bayaan ang mga gawang ito [bilang daan ng kaligtasan] at maghanap ng ibang suporta para sa buhay.”

Dwight L. Moody (1837-1899) sa The Gospel Awakening: “Ang pagsisisi ay isang pagbabago ng isipan.”

B. H. Carroll (1843-1914) sa An Interpretation of the English Bible, vol. 10: “Maibibigay natin kung ganuon ang isang hindi nagbabagong depinisyon ng pagsisisi sa Bagong Tipan bilang pagbabago ng isipan, na kung saan malinaw na nalilimitahan dito. Ito ay sa nesesidad panloob, hindi panlabas.”

C. I. Scofield (1843-1921) sa The Scofield Reference Bible (1967) sa Gawa 17:30: “Ang pagsisisi ay salin ng Griyegong pandiwa metanoeo, na nangangahulugang magkaroon ng ibang isipan, at ginamit sa Bagong Tipan upang magpahiwatig ng pagbabago ng kaisipan patungkol sa kasalanan, sa Diyos at sa sarili.”

Richard Francis Weymouth (1822-1902), sa Weymouth New Testament sa Mateo 3:2: “pagsisisi o ‘pagbabago ng isipan’” at sa Mateo 3:8: ‘Samakatuwid hayaan ninyong ang inyong mga buhay ay magpatunay sa pagbabago ng inyong puso’ at sa Lukas 3:8 ‘Isabuhay ninyon ang mga buhay na magpapatunay ng pagbabago ng inyong puso.’ Ito ang tamang orden, una baguhin ang inyong mga isipan at puso (pagsisisi), at bilang resulta ng inyong pagsisisi, ‘hayaan ninyong ang inyong mga buhay na magpatunay sa pagbabago ng inyong puso.’”

James M. Gray (1851-1935) sa Bible Problems Explained: “Ang pagsisisi ay nangangahulugang ‘pagbabago ng isipan,’ at sa sandaling ang isang tao ay pinanghawakan si Jesus bilang kaniyang personal na Tagapagligtas, sa sandaling iyan ay naranasan at nagmanipesta ang pagbabago ng isipan. Ako ay nagbabanggit, siyempre, ng inisyal na akto ng kaligtasan.”

A.T. Robertson (1863-1934) sa Word Pictures in the New Testament, sa 2 Corinto 7:9: “Tiyak na ang salita para sa pagsisisi [metanoia] ay higit pa sa ‘naalala.’ Ito ay ‘pagbabago ng isipan’ na nagreresulta sa at pinakikita ng pagbabago ng buhay, ‘bunga na karapatdapat sa pagsisisi’ (Lukas 3:8).”

G. Campbell Morgan (1863-1945) sa The Westminster Pulpit, vol. 6: “Ang isa pang salita [metanoia] ay nangangahulugan lamang ng literal na pagbabago ng isipan... Ang pagsisising pinangaral ni Cristo, at pinangaral ng Kaniyang mga apostol, ang pagsisisi na hinihingi sa bawat tao ay laging pinahihiwatig ng salitang nangangahulugang isang pagbabago ng isipan.”

H. A. Ironside (1876-1951) sa Except Ye Repent (1937): “Ngunit dito tila nesesidad sabihing ang Griyegong salita ay μετάνοια, metanoia, na sinaling ‘pagsisisi’ sa ating mga Biblia, at literal na nangangahulugang pagbabago ng isipan. Hindi ito simpleng pagtanggap ng bagong mga idea kahalili ng mga lumang nosyon. Ngunit ito ay aktuwal na nagpapahiwatig ng ganap na pagbaliktad ng panloob na saloobin ng isang tao.”

William R. Newell (1868-1956) sa Hebrews Verse-By-Verse (1947) sa Hebreo 6:1: “Ang pinakaunang pahayag ng ebanghelyo sa mga Hebreo ay isang bagay na ganap na bago- pagsisisi, na ganap na pagbabago ng isipan, patungkol sa mga ‘gawa’ na nagsisiguro ng kaligtasan…”

William Pettingill (1866-1950) sa Bible Questions Answered: “Sa istriktong pananalita, ang salitang pagsisisi ay nangangahulugang ‘pagbabago ng isipan.’”

Lewis Sperry Chafer (1871-1952) sa Systematic Theology, vol. 3 (1947): “Ang salitang metanoia ay sa lahat ng pagkaaktaon ay sinaling pagsisisi. Ang salita ay nangangahulugang pagbabago ng isipan.”

Julius R. Mantey (1890-1981) sa "Repentance and Conversion," Christianity Today (March 2, 1962): “Ang metanoeo (metanoia, pangngalan) ay regular na ginamit upang ipahayag ang estado ng isipang kailangan para sa kapatawaran ng kasalanan. Ito ay nangangahulugang mag-isip ng iba o magkaroon ng ibang saloobin sa kasalanan, sa Diyos, atbp.”

J. Dwight Pentecost (1915-2014) sa Things Which Become Sound Doctrine (1965): “Mula sa Salita ng Dios, nadiskubre nating ang salitang sinaling ‘magsisi’ ay nangangahulugang ‘isang pagbabago ng isipan.’ Literal itong nangangahulugang ‘pagbaliktad’; hindi pisikal na pagbaliktad kundi isang mental na pagbaliktad, isang pagbabago ng kurso, isang pagbabago ng direksiyon, isang pagbabago ng saloobin.”

John Walvoord (1910-2002) sa “Ang ikalawang aspeto ng kaniyang ekshortasyon [sa Pahayag 2:5] ay nakakatawan sa salitang magsisi (Gr, metanoeson, na nangangahulugang ‘baguhin ang isipan’).”

J. Vernon McGee (1904-1988) sa Thru the Bible Commentary Series, Second Corinthians, vol. 5 (1983) sa 2 Corinto 7:10: “Dito nasumpungan natin ang depinisyon ng Diyos sa pagsisisi- tunay na pagsisisi. Ang pagsisisi ay pagbabago ng isipan. Sa abot ng aking masasabi, ang tanging pagsisising hinihingi ng Diyos sa mga nawawala ay nasa salitang manampalataya. Manampalataya sa Panginoong Jesucristo! Anong nangyayari kapag ang isang tao ay manampalataya? May pagbabago ng isipan.”

Charles Ryrie (1925-2016) sa Balancing the Christian Life (1969): “Ang salitang magsisi ay nangangahulugan, siyempre, na pagbabago ng isipan ng isang tao tungkol sa isang bagay.”

Louis Berkhof (1873-1957) sa Systematic Theology (1939): “Ayon sa Kasulatan, ang pagsisisi ay buong panloob na kilos at hindi dapat ipagkamali sa pagbabago ng buhay na nagmumula rito. Ang pagkukumpisal ng kasalanan at ang pagtatama ng mga mali ay mga bunga ng pagsisisi.”

G. Michael Cocoris sa Evangelism: A Biblical Approach (1984): ”Ang pagsisisi sa basikong kahulugan ay pagbabago ng isipan. Ang [metanoeo], ang Griyegong salitang sinaling ‘magsisi’ ay isang tambal na salitang binubuo ng dalawang depinidong Griyegong mga salita. Ang una ay meta, ‘matapos’ at ang ikalawa ay noema, ‘isip.’ Samakatuwid ang dalawang salita na magkasama ay nangangahulugang ‘maisip pagkatapos/naalala’ o ‘pagbabago ng isipan.’ Ang salita ay naglalarawan ng panloob na pagbabago ng isip o saloobin.”

R. T. Kendall sa Once Saved, Always Saved (1985): “Gaya nang sinabi natin sa unahan, ang pagsisisi ay salin ng Griyegong salitang metanoia, na nangangahulugang ‘pagbabago ng isipan.’”

Roy B. Zuck (1932-2013) sa Kindred Spirit, isang publikasyon ng Dallas Theological Seminary (Summer 1989): “Ang salitang Griyego para sa pagsisisi (metanoia) ay nangangahulugang pagbabago ng isipan ng isang tao.”

Robert P. Lightner (1931-2018) sa Sin, the Savior, and Salvation (1991): “Ang salitang pagsisisi ay nangangahulugang pagbabago ng isipan… ang mga Ebangheliko (sa karamihan) ay sang-ayon na walang naligtas na hindi nagbago ng kaniyang isipan tungkol sa kaniyang sarili, sa kaniyang pangangailangan, sa kaniyang kasalanang naghihiwalay sa kaniya sa Diyos, at tungkol kay Cristo bilang tanging Tagapagligtas.”

J. Hampton Keathley, III sa ABCs for Christian Growth, 5th ed., (1966): “Ang metanoia, ang pangunahing salita, ay walang tanong, nangangahulugang ‘pagbabago ng isipan.’ Tumutukoy ito sa pag-iisip ng isang tao na may iniisip na isang bagay o gumawa ng isang desisyon, at matapaos, base sa karagdagang ebidensiya o opinyon, ay nagbago ng kanilang mga isipan. Kung ganuon, ang basikong diwa ay ‘isang pagbabago ng isipan.’ Ito ang kahulugan at gamit nito sa labas ng Bagong Tipan at sa loob ng Bagong Tipan.” (Empasis sa kaniya).

R. Larry Moyer sa Free and Clear (1997): “Mula sa pag-aaral sa itaas sa konsepto ng pagsisisi sa Luma at Bagong Tipan… Ang pagsisisi ay malinaw na nangangahulugang magbago ng isipan… Kapag ginamit sa kontekstong soteriolohikal, ang ‘pagsisisi’ ay nangangahulugang baguhin ang isipan sa anumang pumipigil sa iyong magtiwala kay Cristo at magtiwala lamang sa Kaniya para iligtas ka.”

The Theological Wordbook, eds. Wendell G. Johnston, Charles R. Swindoll, Roy B. Zuck, (2000): “Ang pangunahing salita sa Bagong Tipan para sa pagsisisi ay metanoia, ‘baguhin ang isipan ng isang tao.’”

Ron Rhodes sa Christianity According to the Bible (2006): “Ang biblikong salitang sinaling magsisisi ay literal na ‘isang pagbabago ng isipan’ tungkol sa isang bagay o isang tao.”

Charles Stanley sa Handbook for Christian Living: Biblical Answers to Life's Tough Questions (2008): “Ano ba ang kahulugan ng pagsisisi para sa isang hindi mananampalataya? Ang pagsisisi para sa mga wala kay Cristo ay nangangahulugang pagbabago ng isipan. Ang hindi mananampalataya ay dapat magbago ng kaniyang isipan tungkol sa kaniyang pinaniniwalaan tungkol kay Jesucristo.”

Pagbubuod

Sa loob ng dalawampung siglo, ang mga eksperto sa Biblia ay konsistent na sumasang-ayong ang simpleng kahulugan ng pagsisisi ay isang pagbabago ng isipan o puso, isang panloob na pagbabago. Maraming nagsasabing ito ay dapat magresulta sa panlabas na pagbabago ngunit ito ay dapat ibahin sa panloob na pagbabago. Matapos amining ang pagsisisi ay pagbabago ng isipan, ang ilan sa mga sinipi ay binabago minsan ang salita upang isali ang kalungkutan at/o pagtalikod sa mga kasalanan. Ngunit ang mga pagbabagong ito ay malamang na pagsuko sa mga pagkiling teolohikal na hindi sinusuportahan ng ebidensiya ng Biblia. Lahat ay sang-ayon sa esensiyal na kahulugan ng pagbabago ng isipan bilang simula na tapat sa malinaw na ebidensiya ng Biblia. Tama lamang, na marami sa mga sinipi ang iniisip na ang pagsisising may kaugnayan sa kaligtasan ay sumasalamin sa pagbabago ng isipang dumarating kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 22: “Pagsisisi: Ano ang Nasa Salita”). Ang pagkaunawang ito ng pagsisisi ay pinanatili ang kaligtasang maging ganap na libre sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes