GraceNotes
   

   Ang Buhay Biyaya



Ano ang Buhay Biyaya? Ito ang Cristianong pamumuhay ayon sa intensiyon ng Diyos. Ito ay buhay ng kalayaan na mamuhay bilang isang anak ng Diyos. Ito ay Cristianong pamumuhay na naaayon sa biyaya. Hindi lamang ang biyaya ang basehan ng ating inisyal na kaligtasan (pag-aaring matuwid). Ito rin ang basehan ng ating paglago (sanktipikasyon). Sa biyaya ng Diyos tayo ay ipinanganak sa Kaniyang pamilya at sa biyaya ng Diyos tayo ay malayang lumago bilang Kaniyang mga anak. Ang nakalulungkot, ang buhay ng kalayaan na ito ay maaaring mawala malibang tayon ay manindigan nang mariin sa biyaya.

Ang balanse: Kalayaang kontrolado ng pagi-ibig
Nais ng Diyos na tayo ay magtamasa ng kalayaang ating natamo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo bilang ating Tagapagligtas. Tinupad ni Cristo ang kautusan at pinalayo tayo sa pagkaalipin dito (Gal 4:4-7). Pinalaya Niya rin tayo mula sa diktadurya at kapangyarihan ng kasalanan (Roma 6:14). Hindi natin dapat gamitin ang kalayaang ito para paglingkuran ang ating mga sarili, kundi dapat nating gamitin ang ating kalayaan upang paglingkuran ang Diyos at ang iba. Ang pag-ibig ang prinsipiyong kumokontrol nang matuwid at maka-Diyos na gamit ng ating kalayaan (Gal 5:13-14).

Dalawang kasukdulan ang bumabaluktot ng biyaya ng Diyos sa pamumuhay ng Cristianong pamumuhay upang ito’y maging sakitin, at maging nakapapahamak na kopya ng tunay na Buhay Biyaya. Ang mga kabuktutang ito ng kalayaang Cristiano ay natatala sa Kasulatan. Tinatawag natin ang isa bilang lisensiya at ang isa naman ay legalismo. Ang pamumuhay sa alin mang kasukdulan ay umaalis ng balanse sa buhay ng kalayaan ng Cristiano.

LicenseLibertyLegalismLove

Ang isang kasukdulan: Lisensiya
Ang unang kasukdulan, lisensiya, ay pang-aabuso ng biyaya upang makasarili at makasalanang paglingkuran ang sarili. Ito ay hindi nakokontrol na buhay na nanlalait ng mga utos ng Diyos. Ang Cristianong nahulog sa lisensiya ay maaaring magdahilan na maaari na siyang magpasasa sa kasalanan sapagkat ang kaniyang kaligtasan ay hindi maaaring mawala, o dahil siya ay napatawad na, o kung hindi naman, idadahilan niya, “Patatawarin ako ng Diyos kapag ako ay nagkasala.” Ito ay isang imatyur na pag-uugali sa likod ng mga pagtutol na tinala sa Roma 6:1 at 6:15. Dito ang mga katanungan ay itinaas, dapat ba tayong magkasala upang maranasan natin ang mas higit na biyaya at dahil wala na tayo sa ilalim ng kautusan? Ang kasagutan ay, mariing hindi! Kay Cristo, namatay na tayo sa kasalanan at tayo ngayon ay dapat maglingkod sa bagong Panginoon, si Jesucristo.

Bagama’t wala na tayo sa ilalim ng lumang Kautusan ni Moises, marami tayong mga kautusan sa Bagong Tipan na dapat sundin, pangunahin sa mga ito ang ibigin ang Diyos at ibigin ang ating kapwa, na parehong nagtatakwil sa paglilingkod sa sarili at makasalanang ugali. Ang Cristianong nabubuhay sa lisensiya ay bigong matanto kung paano niya kinamumuhian ang biyaya at kung paanong ang ganiyang kilos ay nag-aalis ng pakikisama sa Diyos sa buhay na ito at maging ang mga kapakinabangan sa eternidad, at nag-iimbita ng disiplina ng Diyos.

Ang isa pang kasukdulan: Legalismo
Ang Buhay Biyaya ay hindi lamang nababaluktot ng lisensiya, ito rin ay nababaluktot ng legalismo. Ang legalismo ay pang-aabuso ng biyaya na nagnanais na ibalik ang Cristiano pabalik sa Kautusan ni Moises o isang artipisyal na pamantayan ng pagtanggap ng Diyos na nilikha ng ibang tao. Pinipilit ng legalista ang pagsunod sa listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin gaya ng nasa likuran ng mga babala sa Galatia (4:9-10; 5:1-3) at Colosas (2:16-23). Ang mga legalistikong Cristiano ay madaling mahulog sa mga ekspektasyon ng iba na dahilan upang magkaramdam sila ng huwad na guilt. Halimbawa, maaaring maramdaman nilang hindi sila espiritwal dahil sa salin ng Biblia na kanilang ginagamit, kung paano sila manamit, kung ano ang kanilang kinakain o hindi, anong pelikula ang kanilang pinanunuod, anong musika ang kanilang pakikinggan, anong pagtitipong simbahan ang maaari nilang lahukan o hindi- o anumang isyu na hindi diretsang binabanggit ng Biblia.

Ang bigong matanto ng legalista ay hindi lamang tayo pinalaya ni Jesus mula sa kautusan ng Lumang Tipan (Roma 6:14; 7:4-6; Gal 3:13; 4:4-7) kundi pinalaya rin tayo mula sa artipisyal at gawa lamang ng mga tao na pamantayang hindi masusumpungan sa Biblia. Tayo ay tinanggap ng Diyos dahil tayo ay Kaniyang mga anak sa biyaya (Gal 4:7). Tayo ay nakatayong tanggap ng biyaya (Roma 5:2) at samakatuwid ay nasisiguro ng Kaniyang biyaya hanggang sa oras na makita natin Siya (Roma 8:29-39). Dahil bawat mananampalataya ay tinanggap base sa biyaya, dapat din nating tanggapin ang ibang mananampalataya na iba sa atin sa ilang isyu na hindi malinaw na sinasaad bilang tama o mali sa Biblia (Roma 14). Ang legalista ay “nahulog mula sa biyaya” (Gal 5:4) dahil siya ay nananangan na sa kaniyang magagawa upang gawing ganap ang kaniyang relasyon sa Diyos. Ang hindi niya nauunawaan ay kailangan niyang laging gumawa ng perpekto o kung hindi ay tiyak na hahatulan siya ng kaniyang sariling pamantayan, anuman ito. Tanging ang perpektong gawa ni Jesucristo ang katanggap-tanggap sa Diyos, at samakatuwid, tanging mga Cristianong nagtitiwala sa mabiyayang probisyon ang katanggap-tanggap sa Diyos. Ang paraan upang mapasiya ang Diyos at mamuhay sa Kaniyang pamantayan ng kautusan ay ang umibig (Gal 5:14).

Pagbubuod

Dapat maingat tayong balansehin ang ating Cristianong pamumuhay ayon sa prinsipyo ng biyaya mula sa simula hanggan sa katapusan. Ang parehong biyayang inabot sa atin sa ating inisyal na kaligtasan ay siya ring tumitiyak sa atin ng paglago at pagtanggap sa Diyos sa ating Cristianong pamumuhay. Ngunit ang ating kalayaan ay dapat nakokontrol ng pag-ibig para sa Diyos at sa iba. Ito ay lumilikha ng Buhay Biyayang nakalulugod sa Diyos.

Lumayo kayo sa mapanganib na kabuktutan ng lisensiya at legalismo. Sa halip, “Magsitibay kayo sa kalayaang pinalaya kayo ni Cristo” (Gal 5:1).


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes