GraceNotes
   

   Buhay na Walang Hanggan Sa Pamamagitan ng Paggawa ng Mabuti - Roma 2:6-7, 10, 13



6 Na Siya ang mabibigay sa bawat tao ayon sa kaniyang mga gawa: 7 Sa mga nagtitiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan: 10 Datapuwa’t kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawat taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griyego 13 Sapagkat hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Diyos, kundi ang nangagsatalima sa kautusan ay aariing ganap;

Maaari ba ang isang taong magtamo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti o maging matuwid sa pagsunod sa Kautusan? Oo naman- ayon sa sinasabi ng mga sitas na ito sa Roma- sa teorya. Ang ilan ay magsasabing ang mga sitas na ito ay nagtuturo kung paano ang isang tao ay makatatamo ng buhay na walang hanggan o kung paano patutunayang sila ay mga matuwid sa pagpapatuloy sa paggawa ng mabuti o sa pagsunod sa Kautusan. Ngunit paano ba ang mga sitas na ito ginagamit sa konteksto at paano ang isang tao magkakaroon ng sapat na kabutihan upang bigyang-kasiyahan ang ganap na katarungan ng Diyos? Kalaunan, ihahayag ng Apostol Pablo na walang sinumang gumagawa ng mabuti at walang magiging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad na Kautusan (Roma 3:10-20). Binigyang-diin niya na ang pag-aaring matuwid ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang (Roma 3:21-4:25). Sinasalungat niya ba ang kaniyang sarili?

Ang guilt ng isang tao ay hindi maitatanggi.

Sa unang kabanata, ipinakita ni Pablo kung paano ang sangkatauhan sa kanilang likas na kalagayan ay hindi kumikilala sa Diyos at kung ganuon ay baluktot sa kanilang pag-iisip at mga gawa. Ang “kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan” ay marapat lamang na tumanggap ng poot ng Diyos (Roma 1:18). Ang hatol sa unang kabanata ay nagreresulta sa mas espisipikong mga konklusyon sa ikalawang kabanata. Sa 2:1-16 ipinakita niyang ang moralistang nagmamatuwid ng kaniyang sarili ay sumasawata sa katotohanan ng kanilang guilt sa pamamagitan ng paglagay ng kanilang sarili ng moral na superyoridad sa mga gumagawa ng hayag na mga kasalanan ng unang kabanata. Ginagawa rin ng mga moralista ang mga ito at “pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon” (Roma 1:32). Ang kanilang diwa ng moralidad, bagama’t hindi ganap, ay kahit papaano kumikilala na ang Diyos ay may pamantayan ng katuwiran, sapagkat nasusulat sa puso ng mga Gentil na ito ang kautusan ng Diyos sa kanilang mga puso (2:14-15). Ipinagpatuloy ni Pablong ipakita sa 2:17-29 kung paanong ang mga Judio ay guilty rin sa harapan ng Diyos sapagkat hindi nila tinutupad ang Kautusang kanilang tinuturo. Sa ganitong paraan, kaniyang ipinakitang ang buong sangkatauhan ay nasa ilalim ng kasalanan at samakatuwid ay guilty sa harapan ng Diyos (3:9-20, 23). Wala nang mas lilinaw pa kaysa kaniyang konklusyon.

Ang hatol ng Diyos ay patas.

Ipinahayag ni Pablo sa ikalawang kabanata ang sentral na katotohanang ang katangian ng Diyos ay ganap na matuwid at patas (cf Gen 18:25). Ibinibigay ng Diyos sa bawat tao ang marapat tanggapin ng bawat tao. Kung ang isang tao ay patuloy na gumagawa ng mabuti nang hindi lumiliko, siya ay gagantimpalaan ng buhay na walang hanggan (1:6-7) at kung kaniyang matutupad nang ganap ang kautusan, siya ay pagpapaging matuwid (o ihahayag na matuwid) ng Diyos (2:13). Ang gantimpala sa perpektong gawi ay mailalarawan din ng “kaluwalhatian, pagkilala at kapayapaan”- hindi mga pansamantalang pag-aari kundi eternal na karanasan (2:10). Ang ganti sa mga hindi tumatalima sa katotohanan ng Diyos ay ang Kaniyang galit, poot, kapighatian at pagdurusa (2:8-9).

Ang Diyos ay humahatol ayon sa tatlong prinsipyo. Humahatol Siya “ayon sa katotohanan” o ayon sa Kaniyang Sariling katuwiran kabaligtaran nang baluktot na katangian ng tao (2:2-5). Humahatol din Siya ayon sa mga gawa, o sa mga gawi sa na piniling gawin ng tao sa buhay (2:6-10). Ang ikatlong prinsipyo ay ang kawalan ng pagkiling, sapagkat ang Diyos ay humahatol pareho sa mga walang kautusan (Gentil) at sa mga nasa ilalim ng kautusan (Judio) nang may parehong pamantayan ng katuwiran. Sa isang salita, ang Diyos ay ganap na matuwid at patas.

Ang ilan ay magbubuod na kung ang Diyos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan sa mga gumagawa ng mabuti at nagmamatuwid ng mga tumutupad ng kautusan, ito ay nagmumungkahing posible para sa mga taong gawin ang mga ito. Sa kabalintunaan- ang layon ni Pablo ay iapirma ang makatarungang katangian ng Diyos, hindi ang posibilidad ng kaligtasan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti o sa pagsunod ng kautusan. Kalaunan, kaniyang gigibain ang anumang posibilidad na gaya nito sa paghahayag na walang sinumang gumagawa ng mabuti (3:12) at walang sinumang karapat-dapat na ihayag na matuwid ayon sa kautusan (3:20; cf Gal 3:21; San 2:10).

Ang katuwiran ni Cristo ay libre.

Epektibong sinarado ni Pablo ang pintuan sa anumang posibilidad ng pagliligtas ng mga tao sa kanilang sarili o sa pagpapahayag na matuwid ng Diyos. Ito ay nagbibigay sa kaniya ng kalayaang buksan ang pintuan ng pag-asa sa mga salita ng 3:21-22: “Datapuwat ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Diyos… samakatuwid baga’y ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya.” Ito ay hindi sa pamamagitan ng mabubuting gawa o sa pagtupad ng kautusan kundi sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniyang namuhay nang perpektong buhay at tumupad ng lahat ng matuwid na kautusan ng Diyos. Ang mga nanampalatay kay Cristo bilang Tagapagligtas ay “inaring matuwid nang walang bayad ng Kaniyang biyaya” dahil si Jesus ang nagbayad para sa ating mga kasalanan “sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus”(3:24). Ang ating pinakamainam na gawi ay hindi makababayad sa ating guilt sa harap ng matuwid na Diyos.

Pagbubuod

Ang ideyal na pamantayan ng Diyos para sa kaligtasan ay ganap na pagtalima. Hinihingi Niya ang kasakdalan o ang pamumuhay nang walang kasalanan upang matamo ang buhay na walang hanggan. Kung may taong nakapamuhay na gaya niyan, ang mga sitas na ito sa Roma 2 ay nagsasabing ang Diyos sa Kaniyang ganap na katarungan ay magbibigay sa taong iyan ng buhay na walang hanggan. Ngunit walang nakagawa nito, kaya kailangan natin ng Sakdal na Tagapagligtas na magbibigay sa atin ng libre at hindi tampat na regalo ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos ay hindi nagmamarka “ayon sa kurba” kundi nagmamarka ayon sa Krus. Hindi tayo naligtas ng ating hindi sakdal na gawi, kundi sa pamamagitan ni Jesucristong isinakripisyo ang Kaniyang sakdal na buhay sa krus para sa atin. Ang buhay na walang hanggan ay mabiyayang regalo sa ating sumasampalataya sa katuwiran ni Cristo, hindi sa atin.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes