GraceNotes
   

   Ang Free Grace Theology Bay Ay Nagreresulta sa Huwad na Katiyakan?

Ang Free grace theology ay nagtuturo na ang mga nanampalataya kay Jesucristo bilang Anak ng Diyos na namatay sa krus para sa kanilang mga kasalanan, bumangon mula sa mga patay at naggagarantiya ng walang hanggang kaligtasan ay ligtas. Ang mga nanampalataya kay Jesucristo bilang kanilang Tagapagligtas ay matitiyak na sila ay ligtas.

Ngunit may ilang tumututol na hindi ito ganito kasimple o kadali. Sinasabi nilang ang pananaw na Free Grace ay nagbibigay sa tao ng huwad at nagpapahamak na katiyakan na nakabase sa pagpapahayag ng pananampalataya. Lalo kung sila ay hindi nanampalataya ng buong puso, tumalikod sa kanilang mga kasalanan (sa pagsisisi) o gumawa ng sapat na mabubuting gawa.

Ang ilang mga teolohiya ay hindi makapagbibigay ng buong katiyakan

Ang pananaw Free Grace ay kakaiba dahil sa pagbibigay-diin nito sa pag-ibig ng Diyos, sa biyayang walang kundisyon sa kaligtasan. Tayo ay naligtas dahil sa ginawa ng Diyos, na nangangahulugang ang tanging magagawa natin ay manampalataya- wala na tayong iba pang gagawin.

Ang ibang pananaw teolohikal ay nangangailangan ng ilang gawang pantao bago ang isang taong nagpahayag ng pananampalataya kay Cristo ay makatitiyak na sila ay ligtas. Kahit pa nga, ang kanilang katiyakan ay hindi ganap o sigurado. Tatlong pangunahing teolohiya ang bigong magbigay sa mananampalataya ng buong katiyakan.

Ang Reformed Calvinismo ay nagtuturong dahil sa ang Diyos ay kailangang magbigay sa mga halal ng pananampalataya upang manampalataya at buhayin muna sila bago makasampalataya, na ang dibinong pananampalatayang iyan ay naggagarantiya ng malalim na pagsisisi (pagtalikod sa mga kasalanan), binagong buhay (nakikitang mabubuting gawa), at pagtitiis sa katapatan hanggang sa katapusang ng kanilang mga buhay. Ang mga nagpapahayag na mananampalataya ay may katiyakan lamang proporsiyonado sa pagpapakita ng mga bagay na ito at sa ikasisiya ng kanilang mga subhetibong paghuhukom.

Ang Arminianismo ay nagtuturo na ang mga nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ay may kalayaan ng kaloobang itakwil si Cristo at maiwala ang kaligtasan o mawala ang kaligtasan dahil sa kasalanan. Samakatuwid ang mga nanampalataya ay mayroon lamang pangkasalukuyang katiyakan ng kaligtasan ngunit walang pangkasalukuyang katiyakan ng kaligtasan sa hinaharap.

Ang Lordship salvation ay naniniwalang upang maligtas, ang mga tao ay kailangang isuko at italaga ang kanilang mga buhay kay Jesucristo bilang kanilang Panginoon. Ang pananaw na ito ay makikita sa parehong mga Calvinista at Arminiano. Dahil sa ang mga Cristiano ay ang mga nagpasakop kay Cristo, ang kanilang mga buhay ay ipakikita ito sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga kasalanan, paggawa ng mabubuting mga gawa, at pagpapatuloy sa pagsunod kay Cristo. Ang sinumang namumuhay sa paraang ito ay may sukat ng katiyakan ngunit hindi ang ganap na katiyakan dahil walang nakaaalam ng hinaharap.

Samantalang ang Reformed Calvinista ay naniniwalang minsang maligtas ligtas kailan man, hindi naman nila sigurado kung sila ay minsang naligtas. Ang mga Arminiano ay naniniwalang sila ay ligtas sa kasalukuyan ngunit hindi nila matitiyak na sila ay mananatiling ligtas. Ang mga tagasunod ng Lordship salvation ay nang-aangkin lamang ng pansamantalang katiyakan. Tanging ang posisyung Free Grace ang naghahaya sa ganap na katiyakan base sa kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang.

Alamin kung ano ang nagliligtas sa atin

Tayo ay naligtas ng ginawa ng Diyos para sa atin sa pagbibigay kay Jesucristo bilang ating Tagapagligtas. Ang kaligtasan ay sa biyaya, isang regalo ng Diyos. Hindi ito nakadepende sa ating magagawa. Kailangan nating manampalataya kay Jesucristo, ngunit hindi ang pananampalataya ang nagliligtas sa atin- si Jesus ang nagliligtas sa atin. Ang pananampalataya ay ang paraan kung paano natin maaangkin ang pangako ng kaligtasan. Ang pagtalikod mula sa mga kasalanan, pagpapasakop kay Cristo bilang Panginoon, at paggawa ng mabubuting mga gawa ay hindi makaliligtas sa atin kung hindi tayo nanampalataya kay Jesucristo bilang ating Tagapagligtas mula sa kasalanan. Ang ating katiyakan ay nanggagaling sa pagtitiwala sa ginawa ng Diyos para sa atin, hindi sa ginagawa natin.

Ang mga tinuruan na sila ay magkakaroon ng katiyakan sa pagtingin sa kanilang pananampalataya ay nalinlang, sapagkat maaari silang magkaroon ng pananampalataya sa ilang katotohanan tungkol kay Jesucristo ngunit hindi nanampalataya sa Kaniya at sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan. Maaari silang tumalikod mula sa mga kasalanan, sumuko kay Cristo at maglingkod sa Kaniya bilang Panginoon, ngunit hindi nanampalataya sa Kaniya bilang Tagapagligtas (cf Mat 7:21-23). Kakatwa, na ang mga sistema ng katiyakang ito na nakabase sa magagawa ay maaaring magbigay ng mapanganib na huwad na katiyakan ng kaligtasan, isang bagay na ang pananaw na Free Grace ay inaakusahan.

Alamin kung ano ang magbibigay katiyakan sa atin

Totoong ang mga nanghahawak sa pananaw Free Grace ay makabibigay sa isang tao ng huwad na pakiramdam ng katiyakan kung sila ay magbigay-payo sa isang tao na hindi nakauunawa ng ebanghelyo at hindi ligtas. Ngunit kung ang isang tao ay sumasalamin sa isang malinaw na pagkaunawa ng ebanghelyo at nagtiwala kay Jesucristo bilang kanilang Tagapagligtas, rasonable at praktikal lamang na tulungan ang taong iyan na malamang sila ay ligtas. Nais ng Diyos na malaman nating tayo ay ligtas (cf 1 Juan 5:11-13). Alam ng mga manunulat ng Bagong Tipan na sila at ang kanilang mambabasa ay ligtas, bagama’t marami sa mga mambabasa ang hindi namumuhay nang maka-Diyos na pamumuhay (hal ang mga taga-Corinto; tingnan ang 1 Cor 6:11).

Tayo ay may katiyakan ng ating kaligtasan sa patotoo ng Diyos at ni Jesucristo sa Kasulatan. Sinumang sumampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan, hindi makararating sa paghatol at nakalipat na mula sa kamatayan sa buhay (Juan 3:16, 36; 5:24; 6:47). Ang mga bagay na ito ay sigurado at pinal. Tayo ay tinitiyak ng pangako ng biyaya ng Diyos, dahil ang biyaya ang naggagarantiya na ang seguridad ng ating kaligtasan ay nasa Diyos, at hindi sa atin (Roma 4:16).

Ang pinakakalikasan ng pananampalataya mismo ay nagtitiyak din sa atin. Ang pananampalataya ay ang pagkakumbinse at pagkasiguro ng isang bagay (Heb 11:1). Dahil sinasabi ng Biblia na ang sinumang sumampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan, ang palagay ay maaari nating malaman kung nanampalataya sa isang bagay. Alam nating tayo ay ligtas sa kaparehong paraang naniniwala tayong ang 2+2=4 o alam nating naniniwala tayo na si Jesus ay Diyos.

Ang ilan ay gumagamit ng bangkong may tatlong paa upang ilarawan kung paano natin malalaman na tayo ay ligtas. Ang isang paa ay ang patotoo ng Salita ng Diyos, ang isa ay ang ating mabubuting gawa at ang ikatlo ay ang panloob na patotoo ng Espiritu Santo. Ngunit ang patotoo ng Salita ng Diyos ay sapat ng katiyakan. Kung ang Kaniyang Salita ay nagsasabing tayo ay ligtas, ang ating mga gawa o ang ating pakaalam ng Espiritu Santo sa loob natin ay ikalawang sumusuportang ebidensiya lamang. Ang subhtetibong pagsusuri ng ating mga gawa at ng panloob na patotoo ng Espiritu Santo ay imperpekto at maaaring magbago, ngunit ang Salita ng Diyos ay kailan man hindi nagbabago.

Alamin kung ano ang nakasalalay dito

Kung tayo ay may ganap na katiyakan ng kaligtasan, maaari tayong mamuhay nang may kapayapaan at kumpiyansang tayo ay tinanggap ng Diyos. Ang siguradong pundasyong iyan ay nagbbigay sa atin ng matibay na motibasyon upang lumago sa ating relasyon sa Diyos. Maaari tayong mamuhay nang may kumpiyansa, mamatay nang may kumpiyansa at maibahagi ang ebanghelyo sa iba nang may kumpiyansa. Hindi ito pagmamalabis o huwad na katiyakan; ito ay kasintotoo ng Salita ng Diyos.

Ang mga tumitingin sa kanilang kaloob-loobanan upang siyasatin kung sila ay nanampalataya sa tamang paraan, nagsisi sa tamang paraan o sapat na nagtalaga ng kanilang sarili sa Diyos ay hindi magkakaroon ng ganap na kasiguruhan ng kanilang kaligtasan. Maiwawala nila ang kapayapaan, kumpiyansa, seguridad, at pundasyon sa malusog na relasyon sa Diyos. Sila ay napapailalim sa pag-aalinlangan, hindi malusog na guilt, at sa karga ng legalismo (nagsisikap na makahanap ng pagtanggap sa Diyos sa pamamagitan ng ating magagawa).

Pagbubuod

Anumang sistemang teolohikal na humihingi sa ating silipin ang kalidad ng ating pananampalataya o magagawa ay hindi makapagbibigay ng buong katiyakan ng kaligtasan. Ang pananaw na Free Grace, dahil sa ito ay biblikal na pananaw, ay nag-aalok ng buong katiyakan base sa obhetibong katotohanan ng sinasabi ng Diyos tungkol sa kung sino si Jesus, ano ang Kaniyang ginawa, at ano ang Kaniyang ipinangako. Ang mga nag-aalis ng kanilang paningin sa mga obhetibong katotohanang ito upang ikiling sa kanilang mga subhetibong pokus sa kanilang mga sarili ay hindi makasusumpong ng buong katiyakan. Ang pananampalataya, pagsisisi, pagtatalaga, at pagtitiis ay hindi natin Tagapagligtas- si Jesucristo ang ating Tagapagligtas!


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes