GraceNotes
   

   Para Kanino Namatay si Jesus?



Masasabi ba natin nang may katotohanan sa kahit kanino, “Namatay si Jesucristo para sa inyong mga kasalanan”? Bagama’t maraming Cristianong nagsasabing oo, mayroong ilang hindi sumasang-ayon.

Ang mga hindi sumasang-ayon ay itinataltal na si Jesucristo ay hindi namatay para sa lahat kundi para lamang sa mga halal o hinirang ng Diyos. Hindi namatay si Jesus para sa mga hindi halal (hindi ligtas) dahil hindi kalooban ng Diyos na iligtas sila. Inaangkin nilang kung namatay si Cristo para sa lahat ng tao, ito ay paghamak sa kamatayan ng Kaniyang Anak (hindi epektibo) at maging ng mga hindi halal dahil wala silang kakayahang manampalataya sa alok ng kaligtasan. Ang pananaw na ito ay tinatawag na limitadong pagtubos (limited atonement) o partikular na pagtubos (particular atonement) dahil tinuturo nito na ang handog na kamatayan ni Cristo ay limitado sa kaniyang probisyon. Ang kasalungat na pananaw, ang walang limitasyong pagtubos o ang unibersal na pagtubos ay nagsasabing si Cristo ay namatay para sa lahat ng tao sa sansinukob. Isang malalim na pagsilip sa limitadong pagtubos ay nagpapakita ng maraming problema sa pananaw na ito.

Ilang problemang teolohikal

Ang sistemang teolohikal ng Limang Puntong Calvinismo (5 Point Calvinism) ay nagtuturong ang mga tao ay ganap na patay sa harapan ng Diyos sa diwang hindi sila makatutugon sa positibong paraan sa Kaniya. Ang maling pananaw ng pagiging makasalanan ng tao ay ang unang hakbang sa pananaw ng limitadong pagtubos. Ang teolohiyang ito ay itinataltal na dahil sa ang tao ay hindi makatutugong positibo sa Diyos, ang nagliligtas na biyaya ng Diyos ay kailangang maging ganap na walang kundisyon anupa’t ang tao ay hindi responsable kahit manampalataya man lang. Ang tao ay ligtas dahil sa nakapangyayaring dikta ng Diyos. Dahil sa hindi ligtas ang lahat, hindi nais ng Diyos na maligtas ang lahat, at samakatuwid hindi namatay si Jesus para sa lahat. Bukod diyan, kailangang buhayin muna ng Diyos ang tao at bigyan siya ng pananampalataya upang makasampalataya ang tao para sa kaligtasan. Ang problema sa linya ng rason na ito’y nagsisimula ito sa hindi biblikong pananaw ng deprabidad ng tao. Ang tao ay may kakayahang tumugon nang positibo sa Diyos sa pamamagitan ng pag-uudyok ng Espiritu Santo. (Para sa mas malalim na talakayan, tingnan ang Tala ng Biyaya 46).).

Isa pang problema sa limitadong pagtubos ay ang pagtuturo ng Bibilia na si Jesucristo ang kapatas ng Unang Adan (oma 5:14-19; 1 Co 15:45-47). Sinolusyunan ni Cristo ang kasalanan ni Adan at ang mga konsekwensiya ng kamatayan at kahatulan sa buong sanlibutan (at hindi bahagi lamang ng sanlibutan). Bilang huling Adan, si Cristo ay nagbibigay ng kalayaan mula sa kasalanan, ng buhay at ng katuwiran sa lahat ng sumasampalataya.

Ang Biblia ay malinaw na nagsasabing iniibig ng Diyos ang lahat at nagnanasang lahat ng tao ay maligtas (Juan 3:16; 2 Ped 3:9). Binayaran Niya ang halaga para sa kasalanan ng lahat ng tao upang ang lahat ay maaaring maligtas- kung sila ay sasampalataya. Hindi lamang namatay si Jesus para sa lahat ng makasalanan, namatay Siya para bayaran ang penalidad ng lahat ng kasalanan na siyang problema ng sangkatauhan (Is 53:10-12; Juan 1:29).

Kung totoo ang limitadong pagtubos, ang katangian ng Diyos ay nadudumihan. Ang isang taong nahatulan sa walang hanggang impiyerno dahil sa hindi pananampalataya kay Cristo ay maaaring tumutol, “Ngunit hindi ko ito kasalanan; hindi ako pinili ng Diyos!”

Ilang problemang biblikal

Maraming sitas ng Biblia ang malinaw na nagpapakitang si Jesucristo ay namatay para sa kasalanan ng buong sanlibutan at nais na maligtas ang lahat ng tao. Ang ilang piling sitas ay binuod ang katotohanang akma sa puntong ito:

  • Juan 1:29- Inalis ng Kordero ng Diyos ang kasalanan ng sanlibutan.
  • Juan 3:16-17- Iniibig ng Diyos ang sanlibutan at ibinigay ang Kaniyang Anak upang iligtas ang sanlibutan.
  • 2 Corinto 5:19- Ang Diyos kay Cristo ay ipinapagkasundo ang sanlibutan sa Kaniyang sarili.
  • 1 Timoteo 2:3-6- Dahil sa nais ng Diyos nating Tagapagligtas na ang lahat ng tao ay maligtas, ibinigay ni Cristo Jesus ang Kaniyang sarili bilang katubusan ng lahat
  • 1 Timoteo 4:10- Ang Diyos ang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo nang mga sumampalataya.
  • Hebreo 2:9- Nalasap ni Jesus ang kamatayan para sa lahat.
  • 2 Pedro 3:9- Hindi nais ng Diyos na may sinumang mapahamak kundi ang lahat ay makarating sa pagsisisi.
  • 1 Juan 2:2- Si Jesus ang pampalubog-loob hindi lamang sa mga kasalanan ng mga Cristiano, kundi sa kasalanan ng buong sanlibutan.
  • 1 Juan 4:14- Sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapaglitas ng buong sanlibutan.
  • Ang mga naniniwala sa limitadong pagtubos ay sinusubukang itatal na sa mga pasaheng ito,”ang sanlibutan” ay nangangahulugang “ang halal” at ang “lahat” ay nangangahulugang “lahat ng halal” ngunit hindi ito ang sinasabi ng teksto kaya’t ito ay isang artipisyal na pag-aangkat na hinihingi ng kanilang sistemang teolohikal. Ang salitang “sanlibutan” ay ginamit ng 80 beses sa Juan, ngunit kailan man ay hindi ito nangangahulugang “halal.” Nais nilang italtal na si Cristo ay hindi namatay sa lahat ng tao (walang eksepsiyon, lahat ng tao) kundi sa lahat na uri ng tao (walang pag-iiba sa lahi, kasarian, atbp). Ngunit ang kahulugan ng “lahat” ay “lahat.” Wala nang lilinaw pa sa Biblia. Ang kamatayan ni Jesus ay para sa lahat; namatay Siya para sa mga Cristiano (at ang ilan sa mga ito ay tatampalasin Siya) at maging sa mga hindi Cristianong tumakwil sa Kaniya. Pansinin ang mga buod ng sumusunod na pasahe:
  • Hebreo 10:29- Ang ilan sa mga pinagpakabanal ay aapak-apakan ang Anak ng Diyos, na binibilang ang dugon ng tipan na isang ordinaryong bagay, at hinahamak ang Espiritu ng biyaya.
  • 2 Pedro 2:1- Binili ng Panginoong maging ang mga huwad na gurong tumakwil sa Kaniya at ang mga ito ay mapapahamak.

Ilang problemang praktikal

Kung totoo ang limitadong pagtubos, hindi natin masasabi nang may katotohanang, “Iniibig ka ng Diyos at si Jesus ay namatay para sa iyo.” Hindi natin masasabi sa lahat ng tao na inaalok sila ng Diyos ng buhay na walang hanggan. Hindi natin masasabi sa kanilang sumampalataya, dahil kung hindi sila halal, hindi sila makasasampalataya. Hindi natin maiaalok na lehitimo ang ebanghelyo “sa bawat nilalang” (Marcos 16:15). Siyempre, kung tayo ay manghahawak sa limitadong pagtubos, hindi natin malalaman kung sino ang mga halal, kaya ang ebanghelismo ay nalulubog sa kaputikan ng kalituhan at salungatan.

Pagbubuod

Ang limitadong pagtubos ay nagmula sa maling pagkaunawa ng ganap na deprabidad at walang kundisyong kahalalan. Kung hahayaan natin ang Bibliang magsalita para sa kaniyang sarili, hindi nito sinusuportahan ang limitadong pagtubos, kundi sumasang-ayon sa walang limitasyong pagtubos. Hindi panghahamak sa trabaho ni Cristo sa krus o para sa hindi ligtas, ang ibigin siya ng Diyos at bayaran ang kaniyang kasalanan. Ang katotohanan at halaga ng pag-ibig ng Diyos at ang mabiyayang pag-alok ng buhay na walang hanggan ay hindi nadedetermina ng mga potensiyal na tatanggap kundi ng Nagbigay at ng Kaniyang motibo. Isang napakataas na pag-ibig para sa Diyos na ibigay ang Kaniyang Anak upang bayaran ang kasalanan ng lahat ng mga tatanggi sa Kaniya. Buong tapang nating masasabi sa mga taong iniibig sila ng Diyos, na binayaran ni Jesucristo ang kabayaran ng kanilang kasalanan, bumangong muli sa mga patay, at nag-aalok sa kanila ng buhay na walang hanggan kung sasampalatayahan nila ang Kaniyang pangako. Ang pagtubos ni Jesus ay sapat at para sa lahat ng tao, ngunit ito ay nagiging totoo lamang sa mga nanampalataya. “Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo ni Cristo, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng lahat ng nananampalataya, una sa mga Judio, at gayun din sa mga Griyego” (Roma 1:16).


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes