GraceNotes
   

   Mateo 5:48 - Posible Ba Na Maging Kasing Sakdal Gaya ng Diyos?


“Kayo nga’y magpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.”

Ang kasabihang ito ni Jesucristo sa Sermon sa Kabundukan ay maaaring mag-intimida sa mga nag-iisip na imposibleng maging kasin-sakdal ng Diyos. Marami ang nagpapalagay na ang “sakdal” (teleios) ay tumutukoy sa ganap na kawalang kasalanan, at ang masahol ay ang pagkamit ng ganap na kawalang kasalanan ay kailangan para sa kaligtasang walang hanggan. Maraming Cristianong naniniwalang imposible sa buhay na ito ang makamit ang kasakdalang walang kasalanan. Ano kung ganuon ang ibig sabihin ni Jesus? Sisiyasatin natin ang ilang mga pananaw at pipiliin natin ang pinakamahusay na pananaw na sinusuportahan ng konteksto.

Ang Momonismo (The Chuch of Jesus Christ of Latter Day Saints) ay naininiwalang ang hinaharap ng kanilang mga tapat na tagasunod ay maging kasin-sakdal ng Diyos. Tinuturo nilang sila ngayon ay nasa isang embryo ngunit nagpapatuloy sa eternidad na paglago hanggang sa eksaltasyong maging mga diyos. Ito ay nagpapahiwatig na ang kasakdalan ay posible sa buhay na ito, ngunit ganap na magaganap sa kanilang pinal na estado sa hinaharap. Ang pananaw ng Mormon na eternal na progresiyon ay hindi biblikal, ngunit ang kanilang Cristolohiya ay heretikal dahil tinuturo nilang si Jesus ay nagprogreso upang maging diyos.

Wesleyan Holiness. Tinuro ni John Wesley na ang kaganapang walang kasalanan ay posible dahil binibigyan ng Diyos ng kakayahan ang mga Cristianong hubarin ang mga kasalanan at lumakad gaya ng lakad ni Cristo. Ang pagkaunawang “kayo nga’y magpakasakdal” bilang isang utos ay nangangahulugang ang kasakdalan ay posible sa buhay na ito. Samantalang kinikilala ng teolohiyang Wesleyan ang makasalanang kalikasan ng tao at pakikibakang dala nito, kung ang mga Cristiano’y lalakad kasama ni Jesus at dedepende sa Espiritu ng Diyos, makakamit nila ang kawalang kasalanan. Subalit ang kasakdalang walang kasalanan ay sumasalungat sa realidad ng gawing pantao at sa turo ng Biblia sa kasalanan (cf Mat 6:12; 1 Juan 1:8-10).

Posisyunal na Kasakdalan. Ang ilan ay naniniwalang ang kasakdalan ng v48 ay natatamo posisyunal sa harap ng Diyos sa pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Sa Mateo 5:20, dineklara ni Jesus sa Kaniyang mga alagad, at marahil may halong iba (Mat 5:1), na “malibang ang inyong katuwiran ay humigit sa katuwiran ng mga eskriba at ng mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.” Samakatuwid, pinahihiwatig na ang mga nagtakwil ng Parisaikong katuwiran sa gawa para sa ibinilang na katuwiran ni Cristo ay naging sakdal sa paningin ng Diyos. Totoong sa pag-aaring matuwid, ang mga mananampalataya ay dineklarang matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo (Roma 3:22) at matatawag na hinugasan, pinabanal at inaring matuwid- sa posisyun (1 Cor 6:11). Ang mga dineklarang matuwid posisyunal ay magkakasala pa rin sa buhay na ito sa kasalukuyan. Ang pananaw na ito ay nauunawaan ang Semon sa Kabundukan bilang pangunahing mensaheng ebanghelistiko. Ngunit ito ay hindi konsistent sa pahayag ni Jesus na ang mga alagad bilang mananampalatayang “inusig para sa katuwiran,” mga “asin ng sangkalupaan,” at “mga liwanag ng sanlibutan” (Mateo 5:10-12, 13-14). Tinuruan silang manalangin, magbigay, at mag-ayuno (Mat 6:16-18) at mayroon silang Ama sa langit (Mat 6:9; 7:11). Hindi pinangaral ni Jesus ang ebanghelyo sa mga taong ito, bagama’t maihahanda nito ang mga hindi mananampalatayang tagapakinig na makita ang kanilang pangangailangan ng katuwiran ng Diyos. Kung ito ay isang mensaheng ebanghelistiko, ang empasis ay nasa matuwid na gawi na magsusulong ng mga gawa bilang daan sa kaligtasan. Kahit pa ang makipot na daan sa Mateo 7:13-14 ay nagbabanggit ng kaligtasan, hindi pinaliwanag ni Jesus kung paano makita ang daan.

Kaganapang moral. Isa pang interpretasyong nanghahawak na ang kasakdalan (teleios) ay tumutukoy sa esensiyal nitong kahulugan na kaganapan, at hindi ganap na perpeksiyon o walang kasalanan gaya ng perpektong katuwiran ni Cristo. Sa moral na kalagayan, ito ay tumutukoy sa walang kapintasan o maturidad, o ganap na nadebelop sa moral na diwa (1 Cor 2:6; 14:20; Fil 3:15; San 1:4).

Maraming suporta para sa huling interpretasyong ito. Ito ay nagsisimula sa pagkaunawang pinahahayag ni Jesus ang pamantayang ng katuwiran ng kalangitan sa Kaniyang mga alagad (5:10. Hindi pa pinahayag ni Jesus ang Kaniyang sarili bilang Hari ng Israel at hindi pa Siya tinakwil ng bansa. Tinuturo Niya ang moral na kalikasan ng paparating na Kaharian. Sa kabaligtaran dineklara ni Jesus ang panlabas na katuwiran ng mga eskriba at mga Pariseo bilang kulang o hindi sapat para sa kaharian (5:20). Ang etika ng pag-ibig at kabanalan ay nag-aalingawngaw ng kaparehong prioridad ng Kautusan ni Moises (Lev 19:2). Siyempre, ang etika ng Sermon ay lumalapat sa mga tagasunod ni Cristo. Ang Diyos ang pamantayan ng kabanalan at katuwiran na marapat na pagsikapang abutin ng mga mananampalataya.

Ang konteksto ng nauunang mga sitas na 43-47 ay nagsasalamin ng layon ng Diyos para sa Kaniyang bayan gaya nang nahahayag sa Levitico 19:2b: “Kayo ay maging banal, sapagkat Ako na Panginoon mong Diyos ay banal” at Levitico 19:18: “Huwag kang manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi ibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: Ako ang Panginoon.” Kapag iniibig ng mga mananampalataya ang kanilang mga kaaway, pinakikita nila ang kanilang mga sarili na “anak ng inyong Amang nasa langit,” samakatuwid bilang mga matinong kinatawan ng Diyos na kanilang Ama (v45a). Ang mga umiibig sa kanilang mga kaaway na namumuhi at umuusig sa kanila ay nagpapakita ng pinakasakdal at kumpletong pag-ibig, ang parehong pag-ibig ng Diyos para sa lahat ng mga tao’t walang diskriminasyon sa mga mabuti at sa mga masama (v45b).

Pinakahuhulugan ni Jesus na ito ay maaabot dahil ang pagiging perpekto o maturidad ay ginamit sa diwang relatibo. Sa Lumang Tipan, ang saling Septuagint ng Deuteronomio 18:13”Ikaw ay magpapakasakdal sa Panginoon mong Diyos,” ay gumagamit ng salitang teleios upang tukuyin ang moral na rektityud. Ganuon din, ang mga pasahe ng Bagong Tipan ay gumamit ng teleios sa diwang panksiyunal ng maturidad o kabuuan (cf Fil 3:12, 15; Heb 11:14; San 1:4). Pinangalanan din niJesus ang ibang matuwid na mga pamantayang humihigit sa Kautusan at mga Pariseo: Huwag mamuhi, magnasa, manlinlang, o gumanti (5:21-42). Walang ekspektasyon ng kasakdalang walang kasalanan sa Bagong Tipan (cf Mat 6:12; 1 Juan 1:80; sa halip, nakikita natin ang posibilidad ng progresibong maturidad o kabanalan (hal 2 Cor 7:1; Heb 10:14). Ang pag-ibig ay bumubuo ng perpekto o mature na karaktek na ang pinal na layon ay ang kumpletong kahawigan kay Cristo (cf Roma 8:29; Ef 4:15-16). Ito ang ultimeyt na layon ng Diyos para sa Kaniyang bayan- ang maging kagaya Niya, isang taong makaiibig sa mga hindi kaibig-ibig.

Ang paralel na sermon sa Lukas 6 ay nag-aalok ng isang karagdagang kalinawan sa kahulugan ng kasakdalan sa Mateo. Sa halip na buudin ang parte ng sermon tungkol sa pag-ibig sa kaaway gamit ang salitang “kasakdalan” (teleios), gumamit si Lukas ng bang salita: “Kaya magi kayong maawain kung paanong ang inyong Ama ay maawain” (mula sa oiktirmos, magpakita ng awa, pagmamahal, kaawaan; Lukas 6:36). Ito ay nagpapakita ng isa pang aspeto ng kumpleto at maka-Diyos na karakter na nilalarawan bilang kasakdalan sa Mateo.

Pagbubuod

Sa Sermon sa Kabundukan, dineklara ni Jesus ang katuwiran ng kaharian, hindi lamang alang-alang sa paparating na kaharian kundi bilang moral na gabay sa pangkasalukuyang gawi dahil ang matuwid na pamantayan ng Diyos ay hindi nagbabago. Dapat nating ibigin ang lahat, kahit ang ating mga kaaway. Sa biyaya ng Diyos, makasusumpong tayo ng tulong na ibigin ang mga hindi nagbabalik ng pag-ibig sa atin (Heb 4:16). Kapag tayo ay umiibig sa paraang ito, kinakatawan natin ang moral na perpeksiyon ng ating banal na Diyos. Ang utos ni Jesus na maging sakdal ay kapareho ng utos ni Pablo na “magsitulad sa Dios na gaya ng mga anak na minamahal” (Ef 5:10). Samantalang ang ating natural na kapasidad na umibig ay nakabase sa merito, ang perpektong pag-ibig ng Diyos ay nakabase sa biyaya: “Sapagkat tinagubilin ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin” (Roma 5:8).


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes