GraceNotes
   

   Mga Tanong sa Katiyakan Mula sa Roma 8

Simply By Grace Podcast


Ang espiritwal na maturidad ay imposible para sa mga mananampalataya na may alinlangan sa kanilang walang hanggang kaligtasan. Subalit ang kawalan ng katiyakan ay isang laganap na problema sa mga Cristiyano at sa mga nagpapakilalang mga Cristiyano.

Ang pag-aalinlangan ay maaaring manggaling sa iba't ibang pinagmulan. Marahil ang taong may mga alinlangan ay talagang hindi naman ligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo lamang. O marahil sila ay nalilito tungkol sa ebanghelyo. Minsan ang nagpapatuloy na kasalanan o mahirap na mga pagsubok ay nagiging dahilan upang mag-alinlangan ang tao kung sila ba ay tunay na mga Cristiyano. Ang ilang uri ng personalidad ay mas madalas na mag-alinlangan dahil sila ay oryented sa introkspeksiyon at emosyonal na damdamin. Anumang kaso, ang kakulangan ng katiyakan ay isang nakalulungkot at hindi kinakailangang balakid sa paglago sa biyaya, dahil ang katiyakan ay isang pamana ng lahat ng mga Cristiyano. Nagawang sabihin ni Juan sa kaniyang mga mambabasa, "Ang mga bagay na ito ay aking sinulat sa inyong mga nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos, upang malaman ninyo na kayo ay may buhay na walang hanggan" (1 Juan 5:13ª).

Sa Roma 8, may nasumpungan tayong apat na mga tanong na kapag natanong at nasagot ay aayusin ang isyu ng katiyakan nang walang pag-aalinlangan. Hindi nakagigitla na ang mga tanong na ito ay dumating sa isang aklat na nagbabanggit ng biyaya higit sa ibang aklat ng Bagong Tipan. Hanggang sa puntong ito, pinakita ni Pablo na ang biyaya ay nag-aaring matuwid (3:21-5:21) at nagpapabanal (6:1-8:17) sa mananampalataya. Ngayon ipakikita niya kung paano nito sinisiguro ang mananampalataya (8:17-39). Ipinaliwanag niya na ang Diyos ay itinalaga ang lahat ng inaring matuwid na maluwalhati, i. e. matulad sa larawan ng Kaniyang Anak, si Jesu-cristo (8:29-30). Iyan sa kaniyang sarili ay isang malakas na argumento para sa katiyakan. Subalit, ang katapusan ng Roma 8 ay kumakatawan sa taluktok ng kaniyang lohika sa biyaya.

Ang apat na mga tanong na ito ay ipinakilala ng isang tanong retorika, "Ano ang masasabi natin sa mga bagay na ito?" (8:31ª). Ang katotohanang tatalakayin ni Pablo ay napakapwersa at napakaluwalhati na nangangailangan ng isang karapat-dapat na tugon at konklusyon. Narito ang apat niyang mga tanong na nagpapahayag ng kaniyang konklusyon:

  1. "Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?" (8:31b) (8:13b). Ang nagpapakilalang tanong na ito ay nanghahamon sa lahat ng nag-aalinlangan o humahamon sa kasapatan ng nakaliligtas na gawa ni Jesucristo. Siyempre, hindi umiiral ang sinumang laban sa panghuling layunin ng Diyos na kaluwalhatian para sa mga Kaniya. Kabilang sa sagot ni Pablo sa unang tanong na ito ang isang tanong na retorikal, "Siya na hindi ipinagkait ang Kaniyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa sa ating lahat, bakit naman hindi ibibigay sa atin nang walang bayad ang lahat ng mga bagay?" (8:32). Sa madaling salita, kung ibinigay ng Diyos ang pinakamataas na regalo, ang Kaniyang Anak, bakit hindi Niya ibibigay sa atin ang lahat ng mga bagay na kailangan upang garantiyahan ang ating kaluwalhatian? Bilang mga mananampalataya, tayo ay makasisiguro na tayo ay ligtas magpakailan pa man dahil walang makapipigil ng plano ng Diyos para sa atin.
  2. "Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Diyos?" (8:33a) Ang ikalawang tanong ay umaalingawngaw mula sa korte. Walang makasasakdal laban sa atin ng mga krimeng kasalanan dahil ang Diyos nag-ari sa ating matuwid (8:33b). Sa pinakamataas na hukuman, ang ating Hukom, ang pinakaginagalangang, dakila't banal na Diyos, ang nagpawalang-sala sa atin at pinahayag tayong matuwid sa harapan ng Kaniyang perpektong hustisya. Kung ang Diyos ang nagpahayag ng ganitong paghatol, sino ang makabubuhay muli ng mga sakdal ng pagkakamali na magdadala muli sa atin sa Kaniyang harapan? Walang double jeopardy sa sitemang legal ng Diyos! Bilang mga mananampalataya, tayo ay makasisiguro na tayo ay ligtas magpakailan pa man dahil walang kasalanan na hindi na binayaran ni Jesucristo na ating Panginoon.
  3. "Sino ang hahatol?" (8:34a) (8:34b). Nanag sinabi ni Jesus mula sa krus, "Natapos na," sinasabi Niyang ang ating utang ng kasalanan ay nabayarang lubos ng Kaniyang kamatayan. Kinuha Niya ang kaparusahan para sa atin. Pagkatapos bumangon Siya mula sa mga patay bilang patunay na tinanggap ng Diyos ang bayad, kung kaya tayo ay ligtas sa anumang kaparusahan sa hinaharap. Ang salitang "tagapamagitan" ay mula rin sa hukuman. Ito ay tumutukoy sa gawa ng isang manananggol o adbokeyt. Bilang ating manananggol, makaaasa tayo kay Jesucristo na ipanalo ang ating kaso. Siya ngayon ay tumatahan sa harap ng Diyos, sa Kaniyang kanang kamay, at ipinapananggalang ang ating kaso sa harapan ng Ama (Heb 7:25). Ang Kaniyang pananggalang ay nakabase sa Kaniyang natapos at sapat na gawain sa krus. Bilang mga mananampalataya, makasisiguro tayo na tayo ay ligtas magpakailan pa man dahil ang ating mga kasalanan, sa nakalipas, sa kasalukuyan at sa hinaharap, ay nananatiling bayad ni Jesucristo mismo.
  4. "Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo?" (8:35ª) Sino ang makahahadlang sa ating relasyon sa Diyos? Sino ang makapuputol sa Kaniyang layunin na ibigin tayo mula sa simula ng ating kaligtasan hanggang sa ating huling destinasyon? Ang sagot ni Pablo ay inklusibo. Siniyasat niya ang pisikal na sansinukob at ang espiritwal na kaharian upang makasumpong ng anumang bagay na may kapangyarihang humadlang sa pagitan natin at ng ating Makalangit na Ama.

    Ang mga paghihirap gaya ng "kapighatian, o kahapisan, o pag-uusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak" ay tutukso sa ating isipin na dahil ang mga ito ay hinayaan ng Diyos, hindi Niya tayo mahal. Ngunit walang salungatan sa pagitan ng pag-ibig ng Diyos at ng ating paghihirap. Kahit ang mga pwersang kasing kapangyarihan at nakatatakot gaya ng kamatayan, masamang espiritu, o ang kawalang kasiguruhan ng hinaharap ay hindi kayang alisan ng bisa ang pag-ibig ng Diyos sa atin. At sa pariralang, "kahit ang alin mang nilalang" (8:39) ay kabilang kahit tayo! Ang kaniyang pagbubuod ay komprehensibo: Walang anumang bagay "ang makahihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos na nasa kay Cristo Jesus na ating Panginoon" (8:39b). Sa ganiyang katiyakan, tayong nananampalataya ay hindi dapat magkaroon ng anumang uri ng alinlangan na tayo ay makakasama ng Diyos kailan pa man.

Pagbubuod

Mayroon bang makapuputol ng pag-ibig ng Diyos sa Kaniyang mga anak na magdadala sa kanila sa kanilang panghuling kapalaran na maluwalhati sa larawan ni Cristo? Ang sagot ni Pablo, "Wala, walang bagay, walang lugar, walang paraan!" Ang ating walang hanggang kaligtasan ay nakasalalay sa ginawa ni Jesus para sa atin at sa bumubuntot na katapatan at kapangyarihan ng Diyos. Anumang ipinangako ng Diyos ay Kaniyang tutuparin. Makakapahinga tayo sa katiyakan ng kaligtasang ito kung tinanggap natin ito bilang isang regalo mula sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesuscristo na ating Tagapagligtas. Ang apat na tanong na ito mula sa Roma 8 ay naglalayo sa atin na tumingin nang may subhetibo sa ating mga pakiramdam o sa ating mga gawi. Sa halip, tayo ay itinutuon nito nang may obhetibo sa persona at gawain ni Jesucristo, ang Sinepete ng ating mga kaluluwa.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes