GraceNotes
   

   Gaano Kaliit na Pananampalataya Ang Kailangan Para Maligtas?

Ang Biblia ay nangangako na “ang sinumang sumampalataya [kay Jesucristo] ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay ng walang hanggan” (Juan 3:16) at nagsasabing “sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya” (Ef 2:8). Ngunit gaano kalaking pananampalataya ang kailangan upang makamit ang kaligtasang ito?

Ang isang tao ay maaaring magtaka kung nanampalataya siyang sapat upang maligtas. Hindi nakapagtataka- mayroong nag-aangkin na ang kaligtasan ay binibigay lamang sa mga may sapat na pananampalataya, buong pananampalataya, espesiyal na pananampalataya, atbp, na nagpapahiwatig na ang pananampalataya ng isang tao sa pangako ng kaligtasan ay maaaring hindi sapat.

Iba’t Ibang laki ng pananampalataya

Alam nating ang pananampalataya ay maaaring magbago sa tindi o dami dahil sa mga patotoo ng Biblia. Si Jesus ay nagbanggit ng mga may “maliit na pananampalataya” (hal Mat 6:30; 8:26; 14:31) at ng may mga “malaking pananampalataya” (hal Mat 8:10; 15:28). Ang lalaking may anak na pinalayas ang isang masamang espiritu ay mayroong maliit na pananampalataya, ngunit humingi ng mas malaki (Marcos 9:24). Si Jesus ay nagbanggit ng pananampalatayang kasinliit ng buto ng mustasa, ang pinakamaliit na butong agrikultural na alam ng panahong iyon (Mat 17:20; Lu 17:6).

Sa kaso ng lalaking may mahinang pananampalataya, malinaw na kahit ang maliit na taglay niya ay sapat upang makita ang himala ni Jesus. Si Jesus mismo ang nagsabing ang pananampalatayang sinliit ng butong mustasa ay sapat upang galawin ang bundok o isang punongkahoy. Nagpapahiwatig ito na ang laki ng pananampalataya ay hindi isyu; ang isyu ay ang layon at kapangyarihang inaabot ng pananampalataya.

Pananampalataya at layon nito

Una, dapat bigyang pansin na ang mga pangako ng buhay na walang hanggan ng Biblia na nagbabanggit ng pananampalataya o nananampalataya ay hindi espisipikong nagbabanggit kung gaano kalaki ang pananampalatayang kailangan upang magkamit ng buhay na walang hanggan. (Ang Gawa 8:37 ay maaaring isang eksepsisyon nang sabihin ni Felipe sa Etiopeng eunuko na maaari siyang bautismuhan kung “nanampalataya ka nang buong puso,” ngunit ang v37 ay wala sa ilang mahahalagang manuskritong Griyego at dahil duon ay inalis sa maraming saling Ingles. Gayun pa man, ang tugon ng eunuko, “Nananampalataya ako na si Jesucristo ay Anak ng Diyos” ay nagpapakita na ang laki ng pananampalataya ay hindi ang kritikal na kasagutan; sa halip, ang isyu ay ang layon ng pananampalataya.) Ikalawa, hindi talaga ang pananampalataya ang nagliligtas sa atin. Kung titingnan natin ang Ef 2:8, “Sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng inyong pananampalataya,” mahihiwalay natin ang dahilan (sa biyaya) at ang pamamaraan (sa pamamagitan ng pananampalataya). Halimbawa, kung sabihin ng isang tao na kaniyang hinugasan ang kaniyang kotse gamit ang hose, nauunawan natin na ang hose ay ang paraan kung saan ang dahilan ng paghuhugas (tubig) ay dumaloy. Ang hose ay hindi talaga naghugas ng kotse kundi ang tubig.ang pananampalataya mismo ay hindi isang pwersa, kundi daluyang dinadaanan ng kapangyarihan ng Diyos upang magligtas.

Ikatlo, ang pinakamaliit na pananampalataya ay sapat para sa kaligtasan kung ang layon ng pananampalatayang ito ay karapat-dapat. Dahil ang biyaya ng Diyos ang nagliligtas sa atin diyan kay Jesucristo, anumang laki ng pananampalataya sa Kaniya ay magliligtas. Halimbawa, ang isang tao nalulunod ay maaaring may malakas na pananampalataya sa isang bangka na may butas na hindi magliligtas sa kaniya, o may maliit na pananampalataya sa isang bangkang matino na magkapagliligtas sa kaniya. Ang pinakamahinang pananampalataya ay sapat upang magligtas kung ito ay may karapat-dapat na layon. Ang ibang tao ay may napakalaking pananampalataya sa huwad na relihiyon o sa isang huwad na pinuno ng relihiyon, ngunit sila ay hindi maliligtas. Ang mananampalatayang may napakaliit na pananampalataya sa karapat-dapat na Anak ng Diyos ay maliligtas, sapagkat ang kaligtasan ay hindi nakadepende sa tatag ng pananampalataya ng isang tao, kundi sa kasapatan ni Jesucristo na gawin ang kaniyang ipinangako.

Pagbubuod

Ang pagsuri sa kalidad o laki ng pananampalataya ay isang subhetibong gawain sa kawalang halagahan. Ang kaligtasan at katiyakan ng kaligtasan ay dumarating lamang sa pamamagitan ng pagtuon sa pagiging karapat-dapat ni Jesucristo at Kaniyang pangakong magligtas. Ang isyu ay hindi gaano katindi tayo manampalataya, kundi ano ang ating sinasampalatayahan. Tayo ay nananampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan, o hindi.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes