GraceNotes
   

   Pagbibigay Ayon sa Biyaya

Wala nang mas papraktikal pa sa usapang biyaya sa ating Cristianong pamumuhay kaysa sa usapang pinansiyal, lalo na sa pagbibigay. Ang pagbibigay sa ilalim ng kautusan ay sapilitang nangangailangan ng iba’t ibang uri ng ikapu (ikasampung bahagi) at handog. Sa ilalim ng Lumang Tipan, ang mga mananampalataya ay nagbibigay upang pagpalain; sa ilalim ng Bagong Tipan ang mga mananampalataya sa biyaya ay nagbibigay dahil sila ay pinagpala. Pinalaya tayo ni Jesus mula sa mga hinihingi ng kautusan upang tayo ay makatugon sa Kaniyang kahanga-hangang regalo ng buhay na walang hanggan. Habang ang legalistikong pagbibigay ay nakatuon sa panlabas na kilos at halaga, ang pagbibigay sa biyaya ay nakatuon sa panloob na motibo.

Ang pangunahing turong biblikal sa pagbibigay na nakatuon sa biyaya ay nasa 2 Corinto 8-9. Ang mga kabanatang ito ay nagtataglay ng maraming prinsipyo tungkol sa mga motibasyon, halaga, epekto at gantimpala ng pagbibigay sa biyaya.

Mga panloob na motibo ng pagbibigay1

Pinuri ng Apostol Pablo ang saloobin at motibasyon ng mga nasa Macedonia na generoso sa pagbibigay. Ang kanilang pagbibigay ay magsisilbing magandang halimbawa sa atin.

  1. Dapat malaya tayong magbigay. 8:3; 9:2
  2. Dapat natin munang ibigay ang ating mga sarili sa Diyos. 8:5
  3. Dapat nating ialay ang ating mga sarili sa pagtulong sa iba. 8:4-5
  4. Data tayong mamotiba ng pag-ibig sa iba. 8:7
  5. Dapat nating ibigay ang nilayon natin sa ating mga puso. 9:7
  6. Dapat tayong magbigay nang may kasiyahan. 9:5-7

Halaga ng pagbibigay sa biyaya

Sa halip na permanenteng porsyento gaya ng ikapu, ang pagbibigay na namomotiba ng biyaya ay ang tugon ng pagpapasalamat ng nagbibigay sa Diyos para sa mga pagpapalang natanggap.

  1. Makapagbibigay tayo gaano man kaunti ang salaping mayroon tayo. 8:2-3
  2. Makapagbibigay tayo na generoso at may pagsasakripisyo. 8:3; 9:5-6, 11, 13
  3. Dapat tayong magbigay proporsiyonado sa kung paano tayo pinagpala ng Diyos. 8:12 (cf. 1 Cor 16:2).

Epekto ng pagbibigay sa biyaya

Madalas kapag ang regalo’y binibigay, hindi natin nakikita o natatanto ang buong epekto nito. Tinuro ni Pablo ang epekto ng pagiging generoso ng mga taga-Macedonia at kung paanong ang regalong ibinigay bilang tugon sa biyaya ng Diyos ay may kawing-kawing na epekto.

  1. Natutugunan natin ang pangangailangan ng ibang tao. 8:14; 9:12
  2. Napupukaw natin ang pananampalataya, pag-ibig, at pagsamba ng mga tumanggap sa pamamagitan ng ating halimbawa. 9:2, 13
  3. Dumaragdag tayo sa mga bunga ng katuwiran. 9:10
  4. Namomotiba natin ang mga tumanggap na magpasalamat sa Diyos. 9:12
  5. Nagdadala tayo ng kaluwalhatian sa Diyos. 9:13
  6. Pinalalakas natin ang ating pisi ng panalangin at pag-ibig sa mga tumanggap. 9:14

Gantimpala ng pagbibigay sa biyaya

Bagama’t hindi tayo nagbibigay para tumanggap, malinaw na tinuturo ng Biblia na ang generosong pagbibigay ay nagtitipon ng kayamanan sa langit na nagbibigay ng dibidendo, o gantimpala, sa nagbibigay.

  1. Mag-aani tayo ng masaganang pagpapala ng Diyos. 9:6
  2. Magkakaroon tayo ng espesyal na karanasan ng pag-ibig at biyaya ng Diyos. 9:7-8
  3. Magkakaroon tayo lagi ng kasaganaan para gamitin sa mabubuting gawa sa hinaharap. 9:8-11

Pagbubuod.

Sa totoo lang, marami pang mga prinsipyo sa pagbibigay sa Biblia. Ang mga kapitulong ito ay bumubuo ng isang kompaktong yunit na nagpapakita kung ano ang kahulugan na mamotiba ng biyaya ng Diyos na maging generoso sa pagbibigay. Ang pagbibigay sa biyaya ay isang paraang mapapasalamatan natin ang Diyos sa Kaniyang “regalong hindi mailarawan” (9:15).


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes