GraceNotes
   

   Ang Abot ng Pagpapatawad ng Diyos

At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay Kanyang binuhay kayo na kalakip Niya, na ipinatawad sa atin ang lahat na mga kasalanan: Na pinawi ang mga usaping nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naaayon sa atin: at ito’y Kanyang inalis, na ipinako sa krus. Colosas 2:13-14.

Sinasabi ng pasahe na ito na pinatawad ng Diyos ang mga mananampalataya ng lahat nilang pagsalangsang o kasalanan. Kabilang ba sa lahat ang lahat ng uri ng kasalanan kailan man ito nagawa? May ilang iniisip na si Jesus ay pinapatawad sila ng ilang uri ng kasalanan, o ng kasalanan na nagawa lamang bago maligtas. Ang implikasyon ay may ilang kasalanan o mga kasalanan sa hinaharap na maaaring mag-alis ng kanilang kaligtasan. Ang kaligtasa ba sa biyaya ay may pinapangakong higit diyan?

Tinatakpan ng biyaya ang lahat ng kasalanan

Kung hindi pinapatawad ng Diyos ang lahat ng kasalanan kailan man ang mga ito nagawa, kung ganuon ang Kaniyang biyaya ay limitado. Ngunit ang pasaheng ito ay nagtuturong ang kapatawaran ay may kasamang bagong buhay at ang kahatulan sa kasalanan ay inalis na sa krus. Ang salitang ginamit sa kapatawaran sa v 13 ay nagmula sa parehong salitang ginamit para sa biyaya, na nangangahulugang libreng regalo. Ang kapatawaran ng Diyos ay libreng ibinigay. Ang biyaya ng Diyos ay higit kaysa lahat nating kasalanan ano man ang mga ito at kailan man natin itong ginawa; ang ating eternal na katayuan sa harap ng Diyos ay sigurado. Hindi mahihigitan ng ating kasalanan ang biyaya at kapatawaran ng Diyos.

Ang lahat ay nangangahulugang lahat

Samakatuwid, sa Colosas 2:13, ang salitang “lahat” ay nangangahulugang lahat. Nangangahulugan ito na pinatawad ni Jesus ang lahat ng kasalanan, gaano man katerible. Nangangahulugan din itong pinatawad Nya ang lahat ng mga kasalanan, maging ito man ay sa nakalipas, sa ngayon o sa hinaharap. Ang iba ay hirap tanggapin ang katotohanang pinatawad ng Diyos maging ang mga kasalanan sa hinaharap, ngunit kailangan nating matanto na ang lahat nating kasalanan ay sa hinaharap pa nang bayaran ito ni Jesucristo sa krus. Alam ni Jesus ang lahat ng mga kasalanang ginawa natin sa nakaraan, at pinatawad Niya pa rin tayo nang mamatay Siya sa krus. Gayun din alam Niya ang mga kasalanang ating gagawin pa lamang at pinatawad Niya pa rin tayo sa krus.

Binayaran lahat ang mga ito ni Jesus

Nang sinabi ni Jesus sa krus na, “Naganap na,” ang ibig Niyang sabihin ay “Binayarang buo.” Ang matuwid na kahatulan ng Diyos sa ating mga kasalanan ay ganap na nabigyang kasiyahan sa kamatayan ng Kaniyang sariling Anak. Walang ibang bayad ang katanggap-tanggap o sapat na eternal na kabayaran. Ang kamatayan ni Cristo ay sapat para sa lahat ng kasalanan at sa lahat ng makasalanan saan mang dako at sa anumang oras. Iyan ang dahilan kung bakit hindi na kailangang maghandog pa ng mga alay para sa kasalanan (Heb 10:1-18).

Kailangan nating mamentene ang kapatawarang pakikisama

Dapat nating matanto na may dalawang uri ng kapatawaran sa Kasulatan. Ang Colosas 2:!3-14 ay tumutukoy sa kapatawarang hudisyal ng mga kasalanang maglalayo sa atin sa presensiya ng Diyos. Mayroong ding kapatawarang pakikisama ng ating mga kasalanang pipigil sa ating lakad kasama ang Diyos. Tayo ay pinatawad hudisyal sa sandaling tayo ay manampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan (sa pag-aaring matuwid). Tayo ay pinatawad sa ating karanasan kapag ating kinumpisal ang ating mga kasalanang sa Diyos (1 Juan 1:9). Kung hindi natin ikukumpisal nang madalas ang ating mga kasalanan, mapipigilan natin ang ating karanasang makasama ang Diyos. Bagama’t hindi natin maiwawala ang ating kaligtasan, maiwawala natin ang kaligayahan ng ating kaligtasan, kung paanong ang isang suwail na anak ay hindi naaalis sa pamilya, ngunit mayroong basag na relasyon sa kaniyang ama.

Kailangan natin ang pananaw ng Diyos

Makatutulong na masdan ang mga kasalanan sa ating buhay kung paano sila nakikita ng Diyos. Ang ating pananaw ay nalilimitahan sa pangkasalukuyang sandali; ang nakalipas ay isa lamang alaala at ang hinaharap ay isa pa lang na posibilidad. Ngunit dahil sa ang Diyos ay hindi nakukulong ng panahon (Siya ay walang katapusan), nakikita Niya ang ating buhay sa kabuuan.

ganito ang ating pananaw:

Our View

ganito ang pananaw ng Diyos:

God's View

Nang pinatawad tayo ng Diyos ng ating mga kasalanan, nakita Niya ang ginawa natin sa nakalipas, ang ginagawa natin sa kasalukuyan, at ang gagawin natin sa hinaharap- at pinatawad Niya pa rin tayo!

Pagbubuod

Hindi tayo pinatawad ng Diyos upang Kaniya lamang pagsisihan dahil hindi Siya nasosorpresa ng anumang ating ginawa o gagawin pa. Nang mamatay si Jesus para sa ating mga kasalanan, namamasdan Niya ang kabuuan ng ating buhay. Hindi Niya tayo binigyan ng buhay na walang hanggan upang bawiin lamang kapag tayo ay may nagawang masama. Alam na Niya kung anong mga kasalanan ang ating gagawin bilang mga mananampalataya, subalit pinatawad Niya pa rin tayo. Ito dapat ang magtulak sa ating mabuhay nang may pagsamba at pasasalamat, at hindi mabuhay sa lisensiya. Ang biyaya ay nagtuturo sa ating ang ating posisyung walang dungis sa harap ng Diyos ay nakadepende sa Kaniyang pangako ng kapatawaran at hindi sa ating magagawa. Subalit, ang kalidad ng ating sumusunod na pakikisama sa Diyos ay nakadepende sa ating palagiang pagkukumpisal ng mga kasalanang ating nalalaman.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes