GraceNotes
   

   Bunga At Mga Huwad na Propeta - Mateo 7:15-20

Simply By Grace Podcast


“Mangag-ingat kayo sa mga bulaang propeta,na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila. Sa kanilang ma bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? Gayon din naman ang bawa’t mabuting punongkahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa’t ang masamang punongkahoy ay nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punongkahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punongkahoy ay magbunga ng mabuti. Bawat punongkahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy. Kaya’t sa kanilang mga bunga ay mangagkikilala ninyo sila.”

This passage is often used to argue that a person's works will be proof of his or her salvation. Ang pasaheng ito ay madalas gamitin upang italtal na ang gawa ng isang tao ay patunay ng kaniyang kaligtasan. Pinapalagay nito na ang “mga bunga” ay tumutukoy sa nakikitang gawi na masusukat sa paraang ang iba ay makakahatol sa kaligtasan ng taong iyan (“mangagkikilala ninyo sila”). Ayon sa interpretasyong ito, ang masamang gawi ng isang tao ay nagpapatunay na siya ay hindi ligtas; ang mabubuting gawi ay patunay na ang isang tao ay ligtas. Ito ba ang tinuturo ng pasaheng ito?

Ang paksa ng pasahe

Una sa lahat, dapat bigyang-pansin na si Jesus ay hindi binabanggit ang mga mananampalataya o nagpapakilalang mananampalataya kundi ang mga huwad na propeta at kung paano sila makikilala. Upang maging eksakto, ang pagsusulit ay hindi para sa paghatol ng realidad ng kaligtasan ng iba, kundi paghatol kung ang propeta at mula sa Diyos o hindi.

Ang pokus ng pasahe

Ang konteksto ay nagbibigay-linaw ng pokus ng pasahe. Ang mga pahayag na ito ay mula sa Sermon sa Bundok kung saan pinapaliwanag ni Jesus ang pinakamataas na pamantayan ng katuwiran na siyang katangian ng kaharian. Ito ay ang katuwiran na humihigit sa katuwiran ng mga eskriba at ng mga Pariseo (Mat 5:20). Ang mga eskriba at mga Pariseo ay napakaingat sa kanilang mga gawi, kaya malabong ang tinutukoy ni Jesus ay nakatuon sa gawi. Ganoon din, ang sumusunod na pasahe sa 7:21-23 ay nagbabangit ng mga dakilang bagay sa pangalan ni Jesus, ngunit hindi niya binigyang pansin ang mga gawa ng mga nagpapahayag na mananampalataya.

Ang mga propeta ay unang nagpakilala bilang mga tunay na mananampalataya (“damit tupa”). Hindi sila maihiwalay sa mga tunay na mananampalataya ayon sa panlabas na makikita. Sila ay malinaw na nararamitan ng gawing Cristiano na patunay na ito’y hindi sapat na batayan sa paghatol. Ang hindi nakikita ang sa kahulihulihan ay nagpapatunay na sila ay mga huwad na propeta.

Ang pagsusulit ng mga propeta

Ang pagsusulit na ibinigay ni Jesus ay hindi ang pag-iral ng bunga, kundi ang kalidad ng bunga (v17). Ang mga huwad na propeta ay maaaring may mga bunga, ngunit nang sila ay bigyan ng pagkakataong mahinog, ay napatunayang “masama” (v16). Gayon din, ang isang punong kahoy ay hindi mahahatulang mabuti o masama sa panlabas na anyo, kundi sa bunga na binubunga nito (v17-18). Ang tunay na pagsusulit ng isang propeta ay kung mabuti o masama ang kaniyang mga bunga. Ngunit ano ang “mga bungang” tinutukoy dito?

Kung “ang mga bunga” ay tumutukoy lamang sa mga gawa, ito ay lumilikha ng ilang mga problema. Una, maraming huwad na relihiyon ang lumilikha ng mga guro at tagasunod na may mabubuting pag-uugaling moral at mabubuting gawa. Ikalawa, magkakaroon ng salungatan sa mga sumusunod na sitas, 21-23, kung saan ang mga nagpapakilalang mananampalataya ay may mabubuting gawa, ngunit hindi sila nakikilala ng Panginoon.

“Ang mga bunga” ay tumutukoy nang higit pa sa mga gawa; ang mga salita ang natatanaw. Sa Mateo 12:33-37 ay may kaparehong talakayan tungkol sa mga bunga na nagpapakitang ang mga ito ay ang mga salita ng isang tao:

“O pabutihin ninyo ang punong kahoy, at mabuti ang bunga niyaon; o pasamain ninyo ang punong kahoy at masama ang bunga niyaon; sapagkat ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? Sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagaya, at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay. At sinasabi Ko sa inyo na ang bawa’t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. Sapagkat sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.”

Dito napatutunayan ng isang tao ang kaniyang totoong kalikasan. Kung bibigyan ng panahon, ang nasa ilalim ng kaniyang mapanlinlang na panlabas, ay mahahayag ng sa kaniyang mga salita. Ang mga salita ay nagpapahayag ng paniniwala ng isang tao, kaya ang mga ito ang basehan ng katunayan o kahatulan niya.

Ang Kautusan ni Moises ay nagbigay rin ng pagsusulit ng isang propeta. Sa Deuteronomio 13:1-3 ang mga Israelita’y sinabihang huwag pansinin ang mga milagrosong mga gawa ng isang tinatawag na propeta kundi hatulan siya base sa kaniyang mga salita. Gayon din sa Deuteronomio 18:18-22, ang katunayan ng isang propeta ng Diyos ay sa kahulihulihan nakadepende sa kaniyang mga salita, kung ang mga ito ay totoo o kabulaanan, kung natupad o hindi.

Pagbubuod

Ang mga salita ng isang guro o ng sinumang tao, sa malao’t madali, ay magkakanulo ng kaniyang paniniwala. Ang isang tao’y mahahatulan lamang sa kaniyang sinasabi kapag ikinumpara sa katotohanan ng Biblia. Ang Salita ng Diyos ay ang pinal na tagahatol ng kredibilidad ng isang guro o ng kaligtasan ng isang tao. Huwag malinlang ng mga gawa ng isang tao; hindi sila maaasahang basehan sa paghatol (tingnan ang Tala ng Biyaya 28, “Mapatutunayan Ba ng Mabubuting Gawa ang Kaligtasan ng Isang Tao?”). Kung tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, ang berbal na testimonyo ng isang tao ay nagpapatunay ng katotohanang iyan ayon sa Salita ng Diyos. Umaasa tayong ang gawi ng isang tao ay ayon sa pahayag na iyan.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes