GraceNotes
Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa
kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available)
at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila
ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa
ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.
Topic: Pananampalataya
(If the Gracenote is displayed in english, the translation was not available.)
Ang isang tao ay maaaring magnilay kung siya ba ay nanampalataya nang sapat para maligtas. Hindi nakapagtataka - may mga nanghahawak na ang kaligtasan ay ibinibigay lamang sa mga may sapat na pananampalataya, punong pananampalataya, espesyal na pananampalataya, atbp., na nagpapahiwatig na ang pananampalataya sa pangako ng kaligtasan ay maaaring hindi sapat.
Ang isang tao ay ligtas magpakailan pa man sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyo ni Jesucristo, subalit ang pananampalatayang ito ba ay ibinigay ng Diyos o isang katugunan ng tao?
Ang ibang mga Kristiyano ay ginagamit ang sitas na ito upang panindigan na ang pananampalataya na nagliligtas ay dapat patunayan ng mga gawa o kung hindi ito ay hindi tunay.
May mga naghahayag na ang nagliligtas na mensahe ng ebanghelyo ay 'Manampalataya kay Jesus bilang Tagagarantiya ng buhay na walang hanggan, na hindi maiwawala.' Sa madaling salita, ang isang tao ay kailangang malaman, maunawaan at sumang-ayon sa doktrina ng walang hanggang kasiguruhan ... ngunit dapat ba ang isang taong sumang-ayon dito para maligtas, o ito ay isang hindi kinakailangang karagdagan sa pananampalataya lamang kay Kristo lamang?
Sa kapitulo 3 at 4 ng Roma, tinatag ni Apostol Pablo nang walang pagtatalo na ang isang tao ay inaring matuwid magpakailan man sa harap ng Diyos tanging base sa pananamapalataya lamang kay Kristo lamang. Bakit, kung ganuon, sinabi niya sa kapitulo 10 na "ihayag ang Panginoong Jesucristo" para sa kaligtasan?
Halos 2000 taon na ang nakaraan, si Apostol Pablo (at ang kaniyang kamanggagawang si Silas) ay sinagot ang tanong ng isang natatakot na bantay-bilangguan, "Mga ginoon ano ang dapat kung gawin upang maligtas?" Ang kaniyang payak na kasagutan ay, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang iyong sambahayan." Magmula noon, ang payak na kasagutang ito ay lumikha ng debate sa kaniyang kahulugan. Narito ang karaniwang hindi pagkakaunawa ng Gawa 16:31.
Ang kasabihang ito ni Jesucristo sa Sermon sa Kabundukan ay maaaring mag-intimida sa mga nag-iisip na imposibleng maging kasin-sakdal ng Diyos. Marami ang nagpapalagay na ang “sakdal” (teleios) ay tumutukoy sa ganap na kawalang kasalanan, at ang masahol ay ang pagkamit ng ganap na kawalang kasalanan ay kailangan para sa kaligtasang walang hanggan. Maraming Cristianong naniniwalang imposible sa buhay na ito ang makamit ang kasakdalang walang kasalanan. Ano kung ganuon ang ibig sabihin ni Jesus? Sisiyasatin natin ang ilang mga pananaw at pipiliin natin ang pinakamahusay na pananaw na sinusuportahan ng konteksto.
Sa pitong sulat sa mga iglesia sa Pahayag 2-3, ang mga mananagumpay ay maaaring makita bilang 1) lahat ng mananampalatayang pinangakuang makapapasok sa kaharian, o 2) mga indibidwal na mananampalatayang napagtagumpayan ang mga pagsubok at pinangakuan ng gantimpala sa kaharian at sa eternidad. Ang mga iglesia at ang kanilang mga problema ay pamilyar at kung ganuon ay kontemporaryo ng apostol Juan, ang may-akda, ngunit ang kanilang ekshortasiyon ay angkop sa lahat ng panahon.
Mayroong dalawang pananaw sa mga gantimpala sa mga mananagumpay sa Pahayag 2-3. Sa nakaraang Tala ng Biyaya Bilang 97
Ang pananampalataya at sumampalataya ay mga salitang karaniwang nilalarawan ng maraming mga salita. Bilang isang pangngalan, ang pananampalataya ay maaaring mangahulugan ng kumpiyansa, pagsang-ayon, katiyakan, o pagtitiwala.
Sa pitong huling salita ni Jesus, ang "Naganap na!" ang pinakamalalim. Ang pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin ni Jesus nito ay makapalalakas ng loob ng mga mananampalataya, makasaksi sa mga hindi mananampalataya, at mapalilinaw ang maling teolohihya tungkol sa evangelio ng kaligtasan.
*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo.
Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad.
Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito
para mag-download ng libreng bersyon.