GraceNotes
Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa
kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available)
at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila
ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa
ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.
Topic: Assurance
(If the Gracenote is displayed in english, the translation was not available.)
Ang espiritwal na kaganapan ay imposible sa mga Kristiyanong walang katiyakan ng kaligtasan. Ngunit ang kawalan ng katiyakan ay laganap sa mga Kristiyano at sa mga tumatawag sa kanilang mga sariling Kristiyano.
Ang maling gamit ng sitas na ito ay madalas na nag-aalis ng katiyakan ng mananampalataya. Ang maling interpretasyon ay nagsisimula sa pagpapalagay na ang 'upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig' ay nangangahulugang pagpasok sa langit.
Ang tao bang naligtas ay maiwawala o maiwawaglit ang kaligtasang iyan?
May sapat na dahilan na isipin na ang nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas at dahil dito'y ipinanganak sa pamilya ng Diyos ay makararanas ng pagbabagong buhay kahit paano. Maraming nagsasabi na ang pagbabagong buhay na ito ay makikita sa mabubuting gawa na nagpapatunay na sila ay ligtas.
Hindi bibihira makita ang pasaheng ito na ginanagamit upang himukin ang mga nagpapakilala na sila ay Kristiyano na siyasatin nila ang kanilang mga sarili upang malaman kung sila ay tunay na ligtas.
Sa pagkakagamit dito, ang apostasiya ay tumutukoy sa pagtalikod sa o pagtakwil sa Kristiyanong pananampalataya ng isang taong minsan nanghawak dito. May ilang mga pananaw kung ano ang mangyayari sa mga iniwan ang pananampalataya.
May nagsasabi na ang pagkukumpisal ay hindi na kailangan sapagkat ang lahat na kasalanan ng mga mananampalataya ay napatawad na. Ano ang pananaw ng kasalanan?
Ang mga label na teolohikal ay isang nakatutulong na paraan sa pagbubuod ng mga sistemang pananampalataya. Maraming labels ay natatag na bilang bahagi ng pag-uusap teolohikal, gaya ng Arminianismo, Calvinismo, amillennialismo, or premillennialismo. Marami na nakarinig ng label na 'Free Grace Theology' ay nagtataka kung ano ang ibig sabihin nito. Narito ang isang maikling pagbubuod.
May mga nagsasabi na ang pananw na Free Grace ay nagbibigay sa tao ng huwad at nakapapahamak na katiyakn dahil lamang sa kanilang pagpapahayag ng pananampalataya. Lalo pa't maaring hindi sila nanampalataya nang buong puso, tumalikod mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan (sa kanilang pagsisisi), o hindi sapat ang kanilang mabubuting gawa.
Hinihimok ba ng sitas na ito ang mga nagpapahayag na sila ay mananampalataya na patunayan ang kanilang pananampalataya, o hinihimok ba nito ang mga tunay na mananampalataya na ipakita ang pananampalatayang taglay nila? Nakasalalay sa unang halimbawa ang walang hanggang kaligtasan; nakasalalay sa pangalawa ang walang hanggang gantimpala. Ang maingat na pagmamasid ang sasagot sa tanong na ito.
May mga naghahayag na ang nagliligtas na mensahe ng ebanghelyo ay 'Manampalataya kay Jesus bilang Tagagarantiya ng buhay na walang hanggan, na hindi maiwawala.' Sa madaling salita, ang isang tao ay kailangang malaman, maunawaan at sumang-ayon sa doktrina ng walang hanggang kasiguruhan ... ngunit dapat ba ang isang taong sumang-ayon dito para maligtas, o ito ay isang hindi kinakailangang karagdagan sa pananampalataya lamang kay Kristo lamang?
Simula nang unang ipangaral ang ebanghelyo, ang mga tao ay tumututol sa turong Free Grace na ang mga tao ay naligtas sa walang kundisyong biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Jesucristo. Madalas, ang mga pagtutol na ito ay nagmula sa maling pagkaunawa ng biyaya ng Diyos at kung ano ang tinuturo ng Free Grace. Minsan ang mga pagtutol ay inulit lamang mula sa iba nang hindi lubos na pinag-isipan. Narito ang sagot sa ilang madalas na mga pagtutol sa turong Free Grace tungkol sa kaligtasan.
Ang kapunuan ng biyaya ng Diyos ay mahirap unawain para sa ilan' lalo na pag ito ay tinuturo kaugnay ng kaligtasan ang ilan ay nagtataas ng pagtutol. Sa "Pagsagot sa Ilang Madalas na Pagtutol sa Free Grace, Unang Bahagi" tinalakay natin ang anim na karaniwang pagtutol sa pananaw ng Free Grace. Sa ibaba anim pa ang ating tatalakayin.
Ang tanong na "Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?" ay madaling nasagot sa Gawa 16:31: "Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo, at ikaw ay maliligtas." Bagama’t sagana ang mga argumento para sa kasiguruhan ng kaligtasan magpakailan man (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 24, "Eternal na Kasiguruhan), ang ilan ay hindi sang-ayon; naniniwala silang ang kaligtasan ay maiwawala.
Ang pananampalataya at sumampalataya ay mga salitang karaniwang nilalarawan ng maraming mga salita. Bilang isang pangngalan, ang pananampalataya ay maaaring mangahulugan ng kumpiyansa, pagsang-ayon, katiyakan, o pagtitiwala.
Ano ba ang itinuturo ng Romano Catolika (RC) tungkol sa kung paano ang tao maliligtas? Ang pananaw ng RC sa kaligtasan ay galing sa kanilang mga paniniwala tungkol sa biyaya, pag-aaring matuwid, at katubusan, ngunit ang mga ito ba ay biblical?
*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo.
Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad.
Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito
para mag-download ng libreng bersyon.