GraceNotes Justified

 GraceNotes


Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available) at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.

Topic: Matigas na mga Sipi

(If the Gracenote is displayed in english, the translation was not available.)

  • 14 - Pagkahulog Mula sa Biyaya sa Galatian 5:4
    Ano ba ang ibig sabihin ng nangahulog sa biyaya lalo na sa pagkagamit ng parirala sa Galacia 5:4? Ang interpretasyon ng sitas na ito ay may mahalagang implikasyon sa Kristiyano.

  • 15 - Pagpapaliwanag ng Hebreo: Simulan sa Mambabasa
    Marami ang nakasumpong sa Hebreo bilang isang aklat na mahirap maunawaan. Marahil ang pinakamahirap ay ang pagpaliwanag ng limang nagbababalang sitas.

  • 18 - Dapat Mo Bang Putulin Ang Iyong Mga Kamay?
    Ang Marcos 9:43-50 ay isa sa napakahirap na sitas ng Biblia. Sa isang tingin tila nagtuturo si Jesus na putulin ng mananampalataya ang kaniyang kamay/paa/mata upang siya ay huwag magkasala. Ano ang ibig sabihin ni Jesus?

  • 34 - Naglilyab na Hebreo
    Ano ang kahulugan ng tatlong banggit ng apoy sa mga sitas ng paghuhukom (6:8; 10:27; 12:31) paa sa mga mananampalataya?

  • 36 - Dapat Bang Gamitin ang Roma 6:23 sa Pagpapahayag ng Mabuting Balita?
    Ang kilalang sitas na ito ay madalas gamitin sa pagbabahagi ng ebanghelyo upang ipakita sa mga makasalananan na sila ay magbabayad sa kanilang mga kasalanan ng walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos (kamatayan), at maiiwasan nila ang kapalarang ito sa pamamagitan ng buhay na walang hanggan na ibinibigay ni Jesucristo. Ganito ba ang tamang paliwanag at gamit ng tekstong ito?

  • 37 - Pagpapaliwanag ng 1 Juan
    Ang pagpapaliwanag ng 1 Juan ay mahirap para sa iba dahil sa mga pahayag na tila baga pagsubok o mga kundisyon. Ang nananaig na pananaw sa mga komentarista ay ang layuning ng mga pagsubok na ay malaman kung ang isang tao ay ligtas magpakailan pa man o hindi.

  • 39 - Paano Natin Ipaliliwanag ang Hebreo 6:4-8
    Ang pasaheng ito ay madalas gamitin laban sa doktrina ng walang hanggang kasiguruhan.

  • 45 - Ang Sinasadyang Kasalanan Ba Ng Hebreo 10:26 Mapapatawad?
    Ang iba ay naninindigan mula rito na ang sinasadya o nagpapatuloy na kasalanan ay hindi mapapatawad at ang kaligtasan ay mawawala, o kung hindi naman ang mga nahaharap sa paghuhukom ay hindi ligtas sa simula pa lamang.

  • 47 - Pananampalataya ng Mga Demonyo at ang Maling Gamit ng Santiago 2:19
    Ang ibang mga Kristiyano ay ginagamit ang sitas na ito upang panindigan na ang pananampalataya na nagliligtas ay dapat patunayan ng mga gawa o kung hindi ito ay hindi tunay.

  • 51 - Bunga At Mga Huwad na Propeta - Mateo 7:15-20     Podcast
    Ayon sa karaniwang pagpapaliwanag, ang masamang gawi ay nagpapatunay na ang tao ay hindi ligtas; ang mabuting gawi ay nagpapatunay na ang tao ay ligtas. Ito ba ang itinuturo ng sitas na ito?

  • 52 - Ang Panginoon at Huwad na Tagasunod - Mateo 7:21-23
    Tinuturo ba ng sitas na ito, gaya ng sinasabi ng iba, na ang isang tao ay kailangan lubusang nakasuko sa Pagkapanginoon ni Jesucristo upang maligtas?

  • 53 - Mapagdudang Pagsusuri ng Sarili sa 2 Corinto 13:5
    Hindi bibihira makita ang pasaheng ito na ginanagamit upang himukin ang mga nagpapakilala na sila ay Kristiyano na siyasatin nila ang kanilang mga sarili upang malaman kung sila ay tunay na ligtas.

  • 54 - Ang Hantungan ng HIndi Nagbubungang Tagasunod sa Juan 15:6
    Ano ang kinakatawan ng mga sanga sa Juan 15:6 at ano ang kanilang kapalaran?

  • 57 - Mabuting Lupa Para Maging Alagad - Lukas 8:4-13
    Ang parabula ng lupa ay masusumpungan sa tatlong Synoptic Gospels (Mateo. 13:18-23; Marcos 4:2-20; Lukas 8:4-15). Tututok tayo sa pahayag ni Lukas. Sa Lukas lalo na, ginamit ni Jesus ang parabulang ito upang ipaliwanag ang layunin ng lahat ng mga parabula at ilarawan kung paano tumutugon ang mga tao sa katotohanan ng Diyos.

  • 59 - Ang Mga Tunay na Kristiyano Hindi Nagkakasala? - 1 Juan 3:6, 9
    Kung tinatag ni Juan ang katotohanan na ang mga Kristiyano ay nagkakasala sa unang kapitulo, paano niya nasabi kalaunan na ang mga Kristiyano ay hindi nagkakasala? Ang maling paliwanag ng mga sitas na ito ay dahilan upang maraming Kristiyano ang nagdududa sa kanilang kaligtasan.

  • 60 - Ang Kristiyano Ba Ay Maaaring Sa Diablo? - 1 Juan 3:8, 10
    May paraan ba upang ang Kristiyano ay masabing 'sa diablo,' o ito ba ay tumutukoy sa mga hindi ligtas?

  • 61 - Ang Kaligtasan Ng Mga Nakatiis Hanggang sa Katapusan sa Mateo 24:13
    Ang sitas na ito (Tingnan din ang Mat. 10:22; Marcos 13:13; cf. Lukas 21:19) ay madalas gamitin upang tindigan na tanging ang nagpapatuloy lamang sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang sa dulo ng kanilang buhay ang magkakamit ng kaligtasan o nagpapatunay na sila ay ligtas.

  • 62 - Ligtas Kayo Kung Matiya Kayong Nanghahawak - 1 Corinto 15:1-2
    Ang iba ay ginagamit ang sitas na ito upang patunayan na nawawala ang kaligtasan ng mga mananampalataya. Ang iba naman ay nagsasabi na pinapakita nito na may mga tinuturing na mananampalataya ay napatunayang huwad na mananampalataya sapagkat hindi sila nagpatuloy sa ebanghelyo. Wala sa alin mang pananaw na ito ang nagpapaliwanag ng detalye ng sitas sa sarili nitong konteksto.

  • 65 - Ang Pahayag 3:20 At Paghiling Kay Jesus na Pumasok sa Iyong Puso
    Kapag tiningnan natin ang mga pagtutol praktikal, teolohikal at biblikal sa pariralang ito, maaaring magdesisyon tayo na gumamit ng ibang pananalita.

  • 69 - Ang Kapalaran ng Mga Mananampalatayang Inakit ng mga Huwad na Guro sa 2 Pedro 2:20-22
    Kung babasahin natin ang 2 Pedro kapitulo 2, malinaw na ang mga huwag na propeta at mangangaral ay mapapahamak sa walang hanggang kapahamakan. Ngunit paano ang mga nadaya nila?

  • 70 - Ligtas Ba si Simon na Manggagaway? Gawa 8:17-24
    Ang isa bang tao na hindi pa malaon naligtas mula sa okultong nakalipas makagagawa ng seryosong kasalanan? O ang pagkakamali bang ito ay patunay na hindi talaga siya tunay na naligtas?

  • 78 - Magpakatatag sa Pagkatawag at Pagkahirang - 2 Pedro 1:10-11
    Hinihimok ba ng sitas na ito ang mga nagpapahayag na sila ay mananampalataya na patunayan ang kanilang pananampalataya, o hinihimok ba nito ang mga tunay na mananampalataya na ipakita ang pananampalatayang taglay nila? Nakasalalay sa unang halimbawa ang walang hanggang kaligtasan; nakasalalay sa pangalawa ang walang hanggang gantimpala. Ang maingat na pagmamasid ang sasagot sa tanong na ito.

  • 80 - Ano ang Kahulugan ng "Ipahayag" sa Roma 10:9-10?
    Sa kapitulo 3 at 4 ng Roma, tinatag ni Apostol Pablo nang walang pagtatalo na ang isang tao ay inaring matuwid magpakailan man sa harap ng Diyos tanging base sa pananamapalataya lamang kay Kristo lamang. Bakit, kung ganuon, sinabi niya sa kapitulo 10 na "ihayag ang Panginoong Jesucristo" para sa kaligtasan?

  • 81 - Hindi Nagtitiwala si Jesus sa Ilang Mananampalataya; Juan 2:23-25
    Maraming komentarista sa Biblia ang pinapaliwanag ang pasahe na ito upang sabihin na ang mga taong ito sa Paskuwa ay hindi tunay na nanampalataya kay Jesus para sa kaligtasan, kaya si Jesus ay hindi itiniwala ang Kaniyang sarili sa Kaniya dahil batid Niya ang hindi nananampalatayang kundisyon ng kanilang mga puso. Ang kanilang pananampalataya ay depektibo o hindi sapat para sa kaligtasan sapagkat ang mga ito ay nakasalig lamang sa mga tanda na ginawa ni Jesus at sila ay nanampalataya lamang sa Kaniyang pangalan, at hindi sa Kaniyang Persona.

  • 86 - Sino Ang Maaaring Putulin Mula Kay Kristo sa Roma 11:22?
    Ang pasaheng ito, lalo na ang berso 22, ay nagtataas ng mga katanungan, sino ang kinakausap ni Pablo?, ano ang ibig sabihin ng ",maputol"?, at ano ang kahalagahan ng kundisyong "kung kayo ay mananatili sa kaniyang kabutihan"? Maaari itong maipagkamali na kinakausap ni Pablo ang mga indibidwal na Kristiyano na maaaring maputol mula sa kanilang kaligtasan kung sila ay hindi magpapatuloy na mabuhay ng tapat.

  • 88 - Hindi Pagkakaunawaan sa Gawa 16:31      Podcast
    Halos 2000 taon na ang nakaraan, si Apostol Pablo (at ang kaniyang kamanggagawang si Silas) ay sinagot ang tanong ng isang natatakot na bantay-bilangguan, "Mga ginoon ano ang dapat kung gawin upang maligtas?" Ang kaniyang payak na kasagutan ay, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang iyong sambahayan." Magmula noon, ang payak na kasagutang ito ay lumikha ng debate sa kaniyang kahulugan. Narito ang karaniwang hindi pagkakaunawa ng Gawa 16:31.

  • 94 - Mateo 5:48 - Posible Ba Na Maging Kasing Sakdal Gaya ng Diyos?
    Ang kasabihang ito ni Jesucristo sa Sermon sa Kabundukan ay maaaring mag-intimida sa mga nag-iisip na imposibleng maging kasin-sakdal ng Diyos. Marami ang nagpapalagay na ang “sakdal” (teleios) ay tumutukoy sa ganap na kawalang kasalanan, at ang masahol ay ang pagkamit ng ganap na kawalang kasalanan ay kailangan para sa kaligtasang walang hanggan. Maraming Cristianong naniniwalang imposible sa buhay na ito ang makamit ang kasakdalang walang kasalanan. Ano kung ganuon ang ibig sabihin ni Jesus? Sisiyasatin natin ang ilang mga pananaw at pipiliin natin ang pinakamahusay na pananaw na sinusuportahan ng konteksto.

  • 96 - Pag-unawa ng mga Listahan ng mga Kasalanan sa 1 Corinto 6:9-11, Galacia 5:19-21 at Efeso 5:3-5
    Ang tatlong pasaheng ito ay pare-pareho dahil sa paglilista nila ng mga kasalanan at ng mga konsekwensiya para sa mga gumawa ng mga ito. Ang mga pasahe ay madalas makalito ng mga tao. Anong uri ng mga tao ang inilalarawan nila, mga mananampalataya o hindi mananampalataya? Ano ang punto ng paglilista ng mga kasalanang ito para sa orihinal na mambabasa at para sa atin ngayon?

  • 97 - Sino ang Mananagumpay sa Pahayag 2-3?
    Sa pitong sulat sa mga iglesia sa Pahayag 2-3, ang mga mananagumpay ay maaaring makita bilang 1) lahat ng mananampalatayang pinangakuang makapapasok sa kaharian, o 2) mga indibidwal na mananampalatayang napagtagumpayan ang mga pagsubok at pinangakuan ng gantimpala sa kaharian at sa eternidad. Ang mga iglesia at ang kanilang mga problema ay pamilyar at kung ganuon ay kontemporaryo ng apostol Juan, ang may-akda, ngunit ang kanilang ekshortasiyon ay angkop sa lahat ng panahon.

  •  


    *Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.