GraceNotes
Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa
kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available)
at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila
ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa
ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.
Topic: Kaligtasan
(If the Gracenote is displayed in english, the translation was not available.)
Dapat tayong magsimula sa Juan upang maunawaan paano maligtas at masusi itong suriin upang madiskubre ang kundisyon sa kaligtasan.
Tinuturo ba ng Santiago 2:14 na ang mga gawa ay mahalagang bahagi ng kaligtasan?
Lahat ay may kakilala na tinatawag ang kaniyang sarili na Kristiyano ngunit hindi kita sa kaniyang kilos. Ang mga Kristiyano ay nagugulumihanan kung paano tratuhin ang mga taong ito.
Ang disipulo ba ay isang katawagan sa Kristiyanong pinanganak sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, o ang alagad ba ay isang Kristiyano na natupad ang mga espisipikong kundisyon sa pagsunod kay Jesus?
Ang isang madalas itanong ay kung ang isang mananampalatayang pinanganak nang muli na nagpatiwakal ay pupunta pa rin sa langit.
May sapat na dahilan na isipin na ang nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas at dahil dito'y ipinanganak sa pamilya ng Diyos ay makararanas ng pagbabagong buhay kahit paano. Maraming nagsasabi na ang pagbabagong buhay na ito ay makikita sa mabubuting gawa na nagpapatunay na sila ay ligtas.
Maraming tao ang nanghahawak sa ideya na kung sila ay gagawa ng sapat na kabutihan, o kung hindi sila masyadong magpapakasama, ang Diyos ay papasukin sila sa langit. Sa madaling salita, pagdating sa pagtatamo ng buhay na walang hanggan, ang Diyos ay nagmamarka sa kurba.
Ang isang tao ay maaaring magnilay kung siya ba ay nanampalataya nang sapat para maligtas. Hindi nakapagtataka - may mga nanghahawak na ang kaligtasan ay ibinibigay lamang sa mga may sapat na pananampalataya, punong pananampalataya, espesyal na pananampalataya, atbp., na nagpapahiwatig na ang pananampalataya sa pangako ng kaligtasan ay maaaring hindi sapat.
Kailangan bang bautismuhan ang tao sa tubig upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?
Ang pagpapaliwanag ng 1 Juan ay mahirap para sa iba dahil sa mga pahayag na tila baga pagsubok o mga kundisyon. Ang nananaig na pananaw sa mga komentarista ay ang layuning ng mga pagsubok na ay malaman kung ang isang tao ay ligtas magpakailan pa man o hindi.
Dahil ang ebanghelyo ni Jesucristo ay ang nag-iisang mensahe na makaliligtas ng tao, gusto nating maging malinaw sa pagpapaliwanag kung paano ang tao magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa malinaw na pagbabahagi ng ebanghelyo mayroong dalawang malaking bagay na dapat tayong tutukan.
Si Jesus ay Panginoon. Walang naniniwala sa Biblia ang itatanggi iyan. Ngunit ano ang ibig sabihin niyan at paano ang pagkapanginoon ni Cristo lumalapat sa ating kaligtasan o sa sa ating Kristiyanong pamumuhay?
May mga nag-iisip na ang tao ay dapat maregenerate (maipanganak na muli) bago siya makakasampalataya sa ebanghelyo. Ano ang sinasabi ng Biblia?
Tapat ba nating masasabi kahit kanino na si 'Jesucristo ay namatay para sa iyong mga kasalanan'? Bagama't maraming Kristiyano ang nagsasabing oo, may ilang hindi sumasang-ayon.
Hindi bibihira makita ang pasaheng ito na ginanagamit upang himukin ang mga nagpapakilala na sila ay Kristiyano na siyasatin nila ang kanilang mga sarili upang malaman kung sila ay tunay na ligtas.
Sa pagkakagamit dito, ang apostasiya ay tumutukoy sa pagtalikod sa o pagtakwil sa Kristiyanong pananampalataya ng isang taong minsan nanghawak dito. May ilang mga pananaw kung ano ang mangyayari sa mga iniwan ang pananampalataya.
Kung tinatag ni Juan ang katotohanan na ang mga Kristiyano ay nagkakasala sa unang kapitulo, paano niya nasabi kalaunan na ang mga Kristiyano ay hindi nagkakasala? Ang maling paliwanag ng mga sitas na ito ay dahilan upang maraming Kristiyano ang nagdududa sa kanilang kaligtasan.
May paraan ba upang ang Kristiyano ay masabing 'sa diablo,' o ito ba ay tumutukoy sa mga hindi ligtas?
Ang sitas na ito (Tingnan din ang Mat. 10:22; Marcos 13:13; cf. Lukas 21:19) ay madalas gamitin upang tindigan na tanging ang nagpapatuloy lamang sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang sa dulo ng kanilang buhay ang magkakamit ng kaligtasan o nagpapatunay na sila ay ligtas.
Ang iba ay ginagamit ang sitas na ito upang patunayan na nawawala ang kaligtasan ng mga mananampalataya. Ang iba naman ay nagsasabi na pinapakita nito na may mga tinuturing na mananampalataya ay napatunayang huwad na mananampalataya sapagkat hindi sila nagpatuloy sa ebanghelyo. Wala sa alin mang pananaw na ito ang nagpapaliwanag ng detalye ng sitas sa sarili nitong konteksto.
May mga mambabasa na nag-aakala na inimbitahan ni Jesus si Andres, Psdro, Santiago at Juan sa kaligtasn. Kailangan sa kanilang pananaw na ang kaligtasan ay matamo sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesus, na may pahiwatig na ang lahat ng Kristiyano ay dapat maging tapat na tagasunod. Sa madaling salita walang pagkakaiba ang pagiging Kristiyano at ang pagiging alagad. Ang katawagan ba upang sumunod ay katawagan upang maligtas?
Kapag tiningnan natin ang mga pagtutol praktikal, teolohikal at biblikal sa pariralang ito, maaaring magdesisyon tayo na gumamit ng ibang pananalita.
Isang madalas itanong ng mga nanghahawak sa Free Grace ay bakit ang Lordship Salvation sikat (laganap)?
Ang mga label na teolohikal ay isang nakatutulong na paraan sa pagbubuod ng mga sistemang pananampalataya. Maraming labels ay natatag na bilang bahagi ng pag-uusap teolohikal, gaya ng Arminianismo, Calvinismo, amillennialismo, or premillennialismo. Marami na nakarinig ng label na 'Free Grace Theology' ay nagtataka kung ano ang ibig sabihin nito. Narito ang isang maikling pagbubuod.
Ang isa bang tao na hindi pa malaon naligtas mula sa okultong nakalipas makagagawa ng seryosong kasalanan? O ang pagkakamali bang ito ay patunay na hindi talaga siya tunay na naligtas?
Ang rekord ng Israel sa Biblia ay nagpapakita ng hindi natitiwang na biyaya ng Diyos sa paghahabol na alibughang bansa sa nakalipas at magpapatuloy sa hinaharap.
May mga nagsasabi na ang pananw na Free Grace ay nagbibigay sa tao ng huwad at nakapapahamak na katiyakn dahil lamang sa kanilang pagpapahayag ng pananampalataya. Lalo pa't maaring hindi sila nanampalataya nang buong puso, tumalikod mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan (sa kanilang pagsisisi), o hindi sapat ang kanilang mabubuting gawa.
Ang maling pagkaunawa ng pag-aaring ganap ay maaaring sirain ang ebanghelyo, wasakin ang pundasyon ng Kristiyanong pamumuhay, at gawing imposible ang makatiyak ng kaligtasan.
Tinuturo ng Juan 6:44 ang makapangyayaring trabaho ng Diyos na nagdadala sa mga tao kay Jesucristo, at mula sa konteksto ng Juan 6, malinaw na sila ay nanampalataya sa Kaniya para sa walang hanggang kaligtasan. May mga nagtuturo na hinihila ng Diyos ang mga tao sa paraang hindi sila makatatanggi. Ngunit ipipilit ba ng Diyos sa tao ang Kaniyang kaligtasan nang labag sa kanilang kalooban? Hindi nga ba matatanggihan ang biyaya ng Diyos?
Mayroon nga bang karnal na Kristiyano, mga mananampalatayang nagpapatuloy sa pagsuway sa Diyos? Sabi ng iba wala. Bagama't inanamin nila na ang mga Kristiyano ay maaari at talagang nagkakasala, tinatanggi nila na ang mga tunay na mananampalataya ay mananatili sa kasalanan hanggang sa katapusan ng kanilang pisikal na buhay.
May mga naghahayag na ang nagliligtas na mensahe ng ebanghelyo ay 'Manampalataya kay Jesus bilang Tagagarantiya ng buhay na walang hanggan, na hindi maiwawala.' Sa madaling salita, ang isang tao ay kailangang malaman, maunawaan at sumang-ayon sa doktrina ng walang hanggang kasiguruhan ... ngunit dapat ba ang isang taong sumang-ayon dito para maligtas, o ito ay isang hindi kinakailangang karagdagan sa pananampalataya lamang kay Kristo lamang?
Sa kapitulo 3 at 4 ng Roma, tinatag ni Apostol Pablo nang walang pagtatalo na ang isang tao ay inaring matuwid magpakailan man sa harap ng Diyos tanging base sa pananamapalataya lamang kay Kristo lamang. Bakit, kung ganuon, sinabi niya sa kapitulo 10 na "ihayag ang Panginoong Jesucristo" para sa kaligtasan?
Maraming komentarista sa Biblia ang pinapaliwanag ang pasahe na ito upang sabihin na ang mga taong ito sa Paskuwa ay hindi tunay na nanampalataya kay Jesus para sa kaligtasan, kaya si Jesus ay hindi itiniwala ang Kaniyang sarili sa Kaniya dahil batid Niya ang hindi nananampalatayang kundisyon ng kanilang mga puso. Ang kanilang pananampalataya ay depektibo o hindi sapat para sa kaligtasan sapagkat ang mga ito ay nakasalig lamang sa mga tanda na ginawa ni Jesus at sila ay nanampalataya lamang sa Kaniyang pangalan, at hindi sa Kaniyang Persona.
Ang isang tanong na madalas marinig ay "Paano ang mga tao naligtas magpakailan man sa mga araw ng Lumang Tipan?" Para sa mas komprehensibong pananaw, marahil mas maiging itanong, "Paano ang mga tao naligtas magpakailan man bago namatay at nabuhay na mag-uli ni Jesucristo?"
Bagama't ang kautusan ay ginamit sa iba't ibang paraan sa Biblia, ang Bagong Tipan ay madalas gamitin ang termino para sa kautusan na ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Mahalagang maunawaan ng mga Kristiyano kung ano ang kaniyang relasyon sa mga hinihingi ng Kautusan ni Moises. Titingnan natin ang kalikasan at layon ng Kautusang ito at paano nito naaapektuhan ang mga Kristiyano.
Ang pasaheng ito, lalo na ang berso 22, ay nagtataas ng mga katanungan, sino ang kinakausap ni Pablo?, ano ang ibig sabihin ng ",maputol"?, at ano ang kahalagahan ng kundisyong "kung kayo ay mananatili sa kaniyang kabutihan"? Maaari itong maipagkamali na kinakausap ni Pablo ang mga indibidwal na Kristiyano na maaaring maputol mula sa kanilang kaligtasan kung sila ay hindi magpapatuloy na mabuhay ng tapat.
Ang teolohiyang Arminian (hindi Armenian, na tawag sa taong nagmula sa bansang Armenia) ay ipinangalan sa kaniyang tagataguyod, ang Dutch na teologong si Jacob Arminius (1560-1609), na tumutol sa mahigpit na determinismo ni John Calvin. Namatay si Arminius bago niya pormal na naipresenta ang kaniyang mga argumento, ngunit ang kaniyang mga tagasunod ay binuo ang mga ito sa limang artikulo sa Remonstrance ng 1610.
Halos 2000 taon na ang nakaraan, si Apostol Pablo (at ang kaniyang kamanggagawang si Silas) ay sinagot ang tanong ng isang natatakot na bantay-bilangguan, "Mga ginoon ano ang dapat kung gawin upang maligtas?" Ang kaniyang payak na kasagutan ay, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang iyong sambahayan." Magmula noon, ang payak na kasagutang ito ay lumikha ng debate sa kaniyang kahulugan. Narito ang karaniwang hindi pagkakaunawa ng Gawa 16:31.
pa man. Ano ang tinuturo ng kaniyang kwento tungkol sa kaligtasan?
Ang tatlong pasaheng ito ay pare-pareho dahil sa paglilista nila ng mga kasalanan at ng mga konsekwensiya para sa mga gumawa ng mga ito. Ang mga pasahe ay madalas makalito ng mga tao. Anong uri ng mga tao ang inilalarawan nila, mga mananampalataya o hindi mananampalataya? Ano ang punto ng paglilista ng mga kasalanang ito para sa orihinal na mambabasa at para sa atin ngayon?
Ang tanong na "Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?" ay madaling nasagot sa Gawa 16:31: "Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo, at ikaw ay maliligtas." Bagama’t sagana ang mga argumento para sa kasiguruhan ng kaligtasan magpakailan man (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 24, "Eternal na Kasiguruhan), ang ilan ay hindi sang-ayon; naniniwala silang ang kaligtasan ay maiwawala.
Can a person obtain eternal life by doing good or be justified by keeping the law? Yes, of course—that’s what these verses in Romans say—at least speaking theoretically. Some would argue that these verses teach how one can obtain eternal life or prove they are justified by continuing to do good or obeying the law. But how are these verses used in context and can a person be good enough to satisfy God’s perfect justice?
We are defining Calvinists as those committed to the theology of the five-point TULIP. ...Deterministic Calvinism raises some significant questions.
Ang pananampalataya at sumampalataya ay mga salitang karaniwang nilalarawan ng maraming mga salita. Bilang isang pangngalan, ang pananampalataya ay maaaring mangahulugan ng kumpiyansa, pagsang-ayon, katiyakan, o pagtitiwala.
Ano ba ang itinuturo ng Romano Catolika (RC) tungkol sa kung paano ang tao maliligtas? Ang pananaw ng RC sa kaligtasan ay galing sa kanilang mga paniniwala tungkol sa biyaya, pag-aaring matuwid, at katubusan, ngunit ang mga ito ba ay biblical?
Sa pitong huling salita ni Jesus, ang "Naganap na!" ang pinakamalalim. Ang pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin ni Jesus nito ay makapalalakas ng loob ng mga mananampalataya, makasaksi sa mga hindi mananampalataya, at mapalilinaw ang maling teolohihya tungkol sa evangelio ng kaligtasan.
Dismissed. Neglected. Forgotten. These words can describe how many treat the doctrine of the Judgment Seat of Christ (JSOC) in the New Testament.
*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo.
Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad.
Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito
para mag-download ng libreng bersyon.